Chapter 7: InLove

211 13 1
                                    

Jasmine's P.O.V

Pag-uwi ko sa aking bahay, humiga agad ako sa aking higaan para magpahinga. Hay, nakakapagod kaya maging ako. Palaging stress pero worth it naman eh, kaso bukas naman ng 5:00AM stress nanaman. Working student kasi ako sa isang restaurant sa likod ng Animax Campus, hayss. Para naman ito saakin at kay mama para 'di na siya mahirapan sa mga bayad sa mga gastusin sa bahay namin, kahit nakakapagod. Worth it naman para sa pamilya ko, pumunta ako sa labas at umupo sa bandang terrace.

"Ang lamig naman dito, pero inferness. Ang ganda ng hugis ng buwan ngayon at sinabayan pa ng mga bitwin na nagkalat sa kalangitan. (Sigh) naalala ko tuloy yung picture naming pamilya, yung completo pa kami. Yung araw na di pa kami iniwan ni papa, naalala ko din na kinuha yun ni Jonathan nung nagkabangaan kami." sabay yuko at tumingin sa kawalan.

Isinuot ko ang earphones ko t nagpatug-tog, para naman makabawas ng stress. Magandang mag soundtrip lalo na't pag
Maya't-maya may bumukas ng pintuan sa terrace.

"Oh ate, malungkot ka nanaman?" ang tanong saakin ng kababata kong kapatid na si Junio.

"Luh, di naman. May iniisip lang"

"Sus, sino naman? Si papa nanaman noh?" sabay ngisi saakin.

"Luh, puro ka-abnormalan ang naiisip mo. Matulog ka na nga, maaga ka pa bukas."

"Hahahahaha! Sige ate, ikaw din matulog ka na ah, may shift ka pa ng 5:00AM." maya-maya'y pumasok nadin si Junio sa kanyang kwarto.

"Sawakas, mag-isa na ulit ako." sabay tingala ulit sa kalangitan.

Mga ilang sandali, pumasok na ako sa loob, sinara ang pintuan sa terrace, pinatay ang ilaw sa aking kwarto, at humiga na sa aking kama.

Maya-maya, nag isip nadin ako na next goal ko. Hangang sa napagtanto ko, lovelife nalang ang kulang saakin. Napa isip ako ng ilang sandali kung in love ba ako, inspired ba ako, o may paghanga ba ako. Sa pagpatak ng oras sa pag iisip ko about sa lovelife ko, nagpagtanto ko nadin na may crush ako.

Mga ilang sandali, biglang pumasok sa isip ko si Jonathan.

"Hayss, bakit siya nasa isip ko? Ano bang nangyayare saakin?" ang irita kong sabi.

Naalala ko bigla ang una naming pagkikita, I still remember na nabanga ko siya noon kamadali ko. I still remember na nagpakilala ako sakanya noon, yung naging boy bestfriend ko siya.

Kung tutuusin, medyo malungkot yung love life niya noon sa ex niya. Maya-maya, hinawakan ko ang kaliwa kong dib-dib at pinakingan ko ang tibok ng puso ko.

"Ang bilis ng tibok ng puso ko, ano ba talagang nangyayari saakin? Naka aircon naman ako pero bakit pawis na pawis ako? Inisip ko lang si Jonathan, bigla nalang ako nagka-ganito. Teka nga lang, di kaya?"

"In love ako sakanya?"

The New HopeWhere stories live. Discover now