Dirty Fairytale [#16]

20.6K 229 44
                                    

SIXTEEN

“Skype, nakita mo ba si Loki lumabas?” tanong ni Ate L, yaya ni Loki, pagpasok ko ng gate. Andito kasi ako ngayon sa bahay nila para bigyan ng maraming lollipop yun e.Graduate na kasi siya nung nursery ba yun? Ah basta, yung bago magkinder.

“Wala namang bata sa labas e.” sagot ko kaya nataranta siya .

“OMG, andito lang yun kanina e.” umalis na siya para maghanap ulit.Ako naman, nagpunta sa labahan nila dahil alam kong dun mahilig magtago yun.

“Loki?” sabi ko pagkapunta ko tapos lumapit ako sa may washing machine para tanggalin yung takip.

Pagtanggal ko, andun si Loki sa loob na nagpupunas ng mata gamit yung braso niya. Sht. Ba’t malungkot to?

“Alis Kuya, Skype!” Nagtakip ulit siya nung takipan kaya medyo natawa ako.

“Teka, may bibigay lang ako sayo. Lollipop.” pinakita ko yung plastic ng lollipop nung sumilip siya.

“Tenkyu.” Kinuha niya sakin yung plastic tapos nagtakip na ulit. Lol. Basta lollipop talaga, adik to e. Parang sakin lang si Vivi. xD

“Ano nangyari sa graduation mo?” tanong ko tapos umupo ako dun sa parang lababo nila. Alam ko kasi pag tinanong ko kung bakit siya umiiyak, mababadtrip lang siya lalo e.

“Wala.” Sagot niya tapos parang binukas niya yung binigay ko bago ako inalok. Kinuha ko naman tapos nilagay ko sa bulsa ko.

“Ah. Tara, laro tayo sa loob. Kanina ka pa hinahanap ni Ate L moe.” di lang siya sumagot.

“Ayaw mo? Sayang, andun pa naman si Kylie.” Pagkasabi ko nun, bigla niyang binukas yung takip tapos tumayo.

“Andiyan siya?” nagpunas siya nun ng luha niya bago pumasok sa loob. Wahaha. Ang cute talaga neto pag dating kay Kylie. Sabi niya kasi nung isang araw, crush niya daw yun e. Umoo nalang nga ako dahil bata pa sila masyado.

“Wala naman e.” Nakatingin siya nang galit sakin kaya natawa ako. Nung babalik na siya dun sa washing machine, nag-isip agad ako ng sasabihin.

“Alam mo bang ayaw ni Kylie nang umiiyak na bata tapos nagtatago sa washing machine?” pagkasabi ko nun, tumigil siya.

“E kasi, ang dugas ni Kuya Ace e.” sabi niya tapos may kinuha siyang picture sa bulsa niya. Sht. Kamukang kamukha niya si Ace nung bata.

“Bakit, ano ginawa ng kuya mo? Tara, sapakin natin.” Saka ko lang napansin nun na picture pala ni Ace ng graduation niya yung hawak ko na kasama yung Dad nila.

“E kasi, dami niya picture kasama si Daddy nung graduadion niya e. Tapus, ako, kahit isa, wala.” Pinipigil niya yung iyak niya nun kaya ginulo ko buhok niya. Wala na kasi yung Dad nila dahil naaksidente nung baby palang siya e.

“Yun lang ba? Tara sa kwarto mo.” Nagpunta kami nun sa kwarto niya tapos pinasuot ko yung pang-graduation niya. Tapos nun, nilabas ko yung phone ko.

“Tito Art, lapit ka ng onti kay Loki, di ka makuhanan ng pic e.” tumingin si Loki nun sa tabi niya tapos tinignan ako nang magkasalubong yung kilay.

“Andito si Daddy?” parang iiyak na siya ulit nun dahil nagka-crack yung boses niya.

“Oo, congrats daw. Proud daw siya sa anak niyang mas gwapo sa Kuya Ace niya.” Pagkasabi ko nun, may kinuha siya dun sa drawer niya.

“Daddy, tinan mo o. First honor ako. Talo ko si Kuya Ace nung bata siya. Daya mo kasi e. Nagheaven ka agad, aga aga pa.” sinuot niya yung medal niya nun tapos nagpunas siya ng mata niya gamit yung braso niya.

Dirty Fairytale [Completed]Where stories live. Discover now