21

37 3 9
                                    

• • •

Nics Lu posted a new photo.

Meal🍴

Seokjin Kim, Cassie Lee, and 178 others like this post

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Seokjin Kim, Cassie Lee, and 178 others like this post.

Cassie Lee: uYY DATE BA YAN HUEHUE

Seokjin Kim: Magiingat kayo mga bh3, umuulan daw jan ngayon ah.

• • •

Nics Lu's POV

"So.. May background ka ba about documentary?" Tanong niya sakin at tumango naman ako.

"Nag-ganito na 'ko twice with Namjoon."

"With Namjoon?" Tanong naman niya at nagpunas ng tissue. Kakatapos lang namin kumain at nakapag-bayad nadin.

"Yes."

"Why?"

"Wala ka na don." Sabi ko naman at lumabas na ng restaurant pumasok naman ako sa loob ng market at nagtingin-tingin.

"Bakit nga kasi?"

"Wala ka na nga don. Kulit naman."

"Sabihin mo na!"

"Ayoko nga."

"Sige na!"

Argh, nakakairita.

"Kasi half-brother ko siya, okay?"

"Okay." Sabi niya naman at sumunod nalang ulit maglakad saakin.

Lumapit ako sa mga tindahan ng bracelets, ang ganda naman.

"Gusto mo?"

"Ayoko."

"Di wag." Sabi naman niya kaya nauna ulit akong maglakad. Ang dami palang mabibili dito. Tumingin naman ako sa phone ko at magt-2 P.M. na pala. Kailangan nanaming bumalik sa bus.

"Jackson, 2 PM na balik na tayo." Sabi at kumunot naman noo niya.

"Jackson? Hm. Hindi ako sasama hanggat hindi mo 'ko tatawaging senpai." Sabi niya naman at tinalikuran ko siya.

Edi wag siya sumama, sino ba kawalan? Tsk.

Dumiretso na ako sa bus at naghintay doon. 3 minutes nalang aalis na ang bus. Nasaan na ba yun?!

"Okay. Aalis na t—"

"Wait lang po. May naiwan pa po sa labas. Hintayin lang po natin." Sabi ko naman at tumango ang konduktor.

Ang tagal niya naman. 5 minutes na lumipas ah?

"Miss? Wala pa ba kasama mo? Kailangan na nating umalis habang maaliwalas pa ang panahon."

"Sandali lang po. Titignan ko po sa labas." Sabi ko naman at ngumiti sa konduktor at bumaba ng bus.

Kapag talaga kami naiwan. It-taekwando ko yun. Igagaya ko siya sa ginawa ko kay Bambam.

Naggala-gala naman ako sa loob at hinanap si Jackson. Crap, 5 minutes lang binigay saakin at 2 minutes nalang aalis na ang bus.

1 minute. Ah! Nasaan ba kasi yun?!

Ilang lakad pa, hindi ko parin siya nakikita. Argh! No choice. Sumampa ako sa isang upuan at huminga ng malalim. Kaya mo yan, Nics.

"Senpai! Aalis na tayo! Nasaan ka na?!" Sigaw ko at pinagtitinginan ako ng ibang tao.

Malilintikan talaga saakin yun mamaya.

"Someone's calling Senpai?" Sabi niya at biglang lumitaw nang may ngisi sa mukha. Bumaba naman ako kaagad at hinatak ang tenga niya.

"Senpai?! Senpai-yin ko yang mukha mo! Maiiwan na tayo!" Sabi ko naman at hinatak siya papunta sa bus na pa-urong na at pa-alis na ata.

Ahh, ssibal.

"Aray! Arayyy! Sorry na!" Sabi niya naman at tumakbo na 'ko at hinabol yung bus. Buti nalang at tumigil.

"Kuya, bakit mo naman pina-andar?! Diba sabi mo 5 minutes?!"

"Ma'am kailangan na po kasing umalis eh. Kasi po baka umulan ulit."

"Eh may 20 seconds pa naman ako ah?! Iiwan niyo pasehero niyo gan—"

"Shh. Tama na yan." Sabi niya naman at tinakpan ang bibig ko.

"Pasensiya na po. Natagalan kami hehe." Sabi niya at nag-peace sign sa driver.

Kaagad ko naman inalis ang kamay niya at dumiretso sa upuan namin at sumunod naman siya.

"Senpai pala ah?" Sabi niya at nata-tawa.

"Sige lang ha. Mat-taekwando ka sakin mamaya."

• • •

©-happinessdelight

Senpai [jackson ff.]Where stories live. Discover now