• • •

Nics Lu
active 2 hours ago.

Cassie Lee: Beji u okay dyan

Cassie Lee: EH BAT KASI SA GANGWON PA EH UMUULAN DAW DYAN

Cassie Lee: Tapos kumulog ngayon diba? Tsk.

Cassie Lee: Pasensya na beshie wala ako dyan para i-hug ka

Cassie Lee: STAY STRONG BESHIE QQ LABYU

• • •

Jackson Wang's POV

Nagdadalawang isip parin ako kung papasok ba ako sa kwarto niya o hindi. Kasi diba? Bakit ayaw niya akong paalisin kanina? Takot ba siya sa kulog? Kasi diba hindi naman siya— okay. Papasok ako.

Binuksan ko ang kwarto niya at nakita ko siyang naka-upo at niyayakap ang tuhod niya habang.. umiiyak?

Kaagad naman akong lumapit at umupo sa tabi niya.

"Are you okay?" Tanong ko naman at humihikbi lang siya. This is my first time seeing her cry.

"T-thunders.." Sabi niya nang may panginginig sa boses. Ano ba nangyayari sakanya?

"S-sunbae.. I'm scared." Sabi niya kaya naman nagulat ako.

Hindi ko alam kung ano nangyari saakin pero bigla ko nalang siya niyakap at hinayaan siyang umiyak sa dibdib ko.

"I'm here."

• • •

Nics Lu's POV

Nagising naman ako nang namumugto ang mata ko. Nagulat naman ako ng katabi ko si Jackson na natutulog pero naka-upo siya. Ano ginagawa nito dito?!

"Yah!" Sabi ko at sinuntok yung braso niya. Hindi naman siguro siya nasaktan dib—

"Aray! Ka-uma-umaga nanununtok eh! Inaano ba kita?!" Sabi niya at hinihimas-himas ang braso niya.

"Bakit ka ba nandito?!"

"Eh kasalanan ko bang umiiyak ka kagabi dahil kumikidlat at kumukulog?! Tsk. Nakabasagulerong babae pero takot do—"

Sinipa ko naman siya kaya nag-dugo ilong niya.

"Aray!!!"

"Mga iho, iha, ayos lang ba— Jusko! Ano nangyari sa ilong nang kasama mo?!" Tanong ni Lola saamin pero nginitian ko nalang siya.

"Ketseup lang po yan. Don't worry hehe. Naglalaro lang po kami."

"Ah ganon ba, osige.. Pero mukha talaga dugo eh.. Lumabas na kayo maya maya ha? Naghanda ako ng almusal bago kayo umalis." Sabi ni Lola bako isara ang pintuan.

"Wow? Naglalaro tayo? Tsk. Sakit ah!"

"Ganti ko na yan!" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin bago lumabas sa kwarto.

Hilig mang-asar eh!

• • •

©-happinessdelight

Senpai [jackson ff.]Where stories live. Discover now