Kabanata 2
Ika-labing anim na buwan
***
MALALIM na ang gabi at natapos na rin ang kasiyahan. Nanatiling dilat si Sea at nakikipagkwentuhan lamang sa tatlong duwende habang nakahiga sila sa damuhan at pinagmamasdan ang mga bituin.
"Binhi pa lamang si Ate Dia ay nandito na kayo?" inosenteng tanong ng diwata.
Natawa naman ang tatlong duwende.
"Hindi naging binhi si Adrasteia. Nasa sinapupunan siya ng nanay niya. Hindi siya gaya natin," paliwanag ni Enrique.
Napakunot naman ang noo ni Sea.
"Nanay? Bakit ako, walang nanay?" naguguluhang tanong ni Dia.
Bumangon si Daniel at nilingon ang diwata.
"Ang mga maharlikang gaya ninyo ni Ceres ay ipinagkaloob ng kalikasan. Ang kalikasan ang inyong ina, siya ang nagbigay bunga ng gintong binhi," paliwanag ni Daniel saka muling humiga.
"Eh paano 'yung ibang engkanto?" dagdag na tanong ni Sea.
"'Yung iba, galing din sa binhi, 'yung iba, sinumpa, 'yung iba, isang misteryo kung saan ang pinanggalingan gaya ni Kaps. Pero kaming mga duwende, binhi ang pinanggalingan namin," sagot naman ni Alden habang hinihimas ang balbas nito.
Tumango-tango naman ni Sea.
"Eh sino si Ms. Mayla?"
"Ah! Pangalan ni Ceres 'yan no'ng nagpanggap siyang tao ilang taon na ang nakararaan," sabay-sabay na sambit ng tatlong duwende.
Sabay-sabay namang napabangon ang apat dahil sa gulat.
"NAGPANGGAP NA TAO NOON SI CERES?" pasigaw na tanong ni Sea.
Nagkatinginan ang tatlong duwende, hindi alam ang gagawin dahil sa pagiging pabaya nila. Isang malupit na sikreto lang naman ang nasabi nila sa maharlikang diwata. Tiyak na mayayari sila sa mahal na reynang si Ceres sa oras na malaman niya ito.
"Ah... Eh," tanging nasambit ng tatlo.
"Narinig ko si Ate Dia kanina, tinawag niyang Ms. Mayla si Ceres. Kaya akala ko, may palayaw din si Ceres ngunit ngayong nadulas kayo, totoo bang nagpanggap siyang tao? Bakit naman niya ito gagawin?" sunod-sunod na tanong ng diwata.
Nagtinginan pa rin ang tatlong duwende. Animo'y nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata sa kung paano nila matatakasan ang diwata. Napatanaw naman ang mga duwende sa puno ng Narra nang makitang pababa ng puno si Kaps. Napalingon din si Sea rito.
"Kaps, totoo bang nagpanggap na tao noon si Ceres at Ms. Mayla ang pangalan niya noon?" tanong ni Sea rito kahit na hindi pa ito lubusang nakakababa.
Nang marinig ng kapre ang tanong na iyon ay agad siyang umakyat at hindi pinansin ang tanong ng diwata.
"Kaps! Kaps!" tawag ng diwata rito ngunit tuluyan nang nawala ang kapre kaya naman napabaling na naman siya sa tatlong duwende na siyang tatakas na sana ngunit naabutan ito ni Sea.
Agad namang nagbukas ang pinto ng bahay nina Dia. Nilingon ito ng diwata kaya naman mabilis nang tumakas ang tatlong duwende.
"Sea, narito na nga pala ang mga librong maari mong basahin," ani Dia saka nagtungo sa kanilang picnic table upang ilapag ang mga libro. Agad namang lumipad si Sea patungo rito.
"Mga pang-High School na ito kasi sabi mo, natapos mo na lahat ng mga librong binigay ko noon na pang-Elementary naman. Kumpleto na 'yan sa lahat ng subjects tapos blanko pa 'yung mga questionnaire kaya pwede mong sagutan at ipa-check na lang sa akin," ani Dia habang pinapakita ang mga libro.
BINABASA MO ANG
Astraea
ParanormalBook 2 of Adrasteia Matapos lisanin ni Adrasteia Laxamana ang Bayan ng Amissa upang mag-aral sa Maynila at sa muling pagbabalik ni Ceres sa kagubatan ay isang gintong binhi ang tumubo sa puno ng Narra na nakatirik sa tirahan ng pamilyang Laxamana. A...