Chapter 34

3K 66 8
                                    

Jho's POV
By, alis na muna ako ha punta ako sa batangas, dito ka lang wag kang aalis...pasigaw kong sabi kay bea na nasa loob ng CR naliligo

Maaga pa naman 7:24 palang ng umaga.

Opo, bilisan mo lang ha. Mag ingat ka po sa pag drive, magpapakasal pa tayo I Love You!..sigaw din niya galing loob
I love tou too!..pahabol kong sigaw bago lumabas ng kwarto

Bumaba na ako at sumakay sa sasakyan ko, sana hindi traffic.

Nagsimula na akong mag drive at nakakita ako ng Mcdo kaya nag drive thru na lang ako, di ako kumain ng hinanda kong almusal para yun sa payat kong girlfriend na soon to be MY WIFE/HUSBAND?😍

Nag da drive ako habang kumakain ng pancake, galing ko na kasi mag drive kaya kayang kaya ko na mag one hand😂

Nakarting ako sa Batangas after 2 and a half hours siguro, di kasi masyadong traffic.

Ma!..sigaw ko habang nasa labas ng pinto kumakatok
Sandali lang...sabi naman ni mama sa loob kaya naghintay na lang ako

Ma namiss kita!..sabi ko ng buksan na niya yung pinto at agad ko naman siyang niyakap.
Ako din anak..sabi niya at niyakap din ako pabalik
Pasok muna tayo..sabi ni mama kaya tumango ako at sumunod sa loob
Ano nga pala yung sasabihin mo nak?..tanong naman ni mama ng makaupo kami at saktong pababa ng hagdan si jaja
Ateee...sigaw ni jaja bago pa ako makasagot kay mama
Ang ingay mo parin...sabi ko at bigla niya akong niyakap
Namiss kita eh..sabi niya at tinabihan ako
Alam ko naman yun eh..sabi ko at hinalikan siya sa noo, mana mana lang yan galing kay beatriz
So ano nga yun anak?..sabat naman ni mama at umayos naman ako ng upo

Pagtitrippan ko muna sila, kaya sabayan niyo na lang ako.😂

Ah kasi ma ano..sabi ko na parang natatakot kaya nabatukan ako ni jaja, syempre acting lang
Kasi ano?..sabi ni jaja kaya inirapan ko siya
Magpapakasal na kami ni bea at nabuntis niya na ako..nakayukong sabi ko at pinipigilan lang ang tawa ko
Luh?! Agad agad?..sabi ni jaja at napatayo
Paano nakabuo?..tanong ni jaja
Tumahimik ka nga jaja, totoo ba yun Jho?..sabi ni mama at tinabihan ako at niyakap ako
Tanggap ko naman eh, mas okay nga yun eh..natatawang sabi ni mama
Ma, paano kung sabihin kong joke lang yun?..sabi ko at tumawa na kaya kumalas si mama sa yakap niya
Ikaw ang bata ka! Mangyayari naman yan anak eh kaya mas mabuti nang handa na kami..sabi ni mama at kinindatan kami ni jaja
Totoo na kasi ate, ano na yung sasabihin mo?..sabi ni jaja
Dadalhin ko si Bea sa Bacolod para  sa bakasyon namin, okay lang?..sabi ko
Oo naman, alam na ba ni Bea 'to?..tanong ni mama
Yun nga surprise ko 'to para sa kanya..sagot ko naman at kinuha yung cellphone ko

Nakapag book na ako ng flight para bukas papuntang Bacolod at yung sasakyan, nga pala magkikita na lang daw kami ni Gizelle sa talisay city, district.

Ahh kaya pala..sabi ni jaja at lumapit sakin
Dapat pag balik niyo may laman na yan ha..bulong niya kaya binatukan ko siya bago makalayo
Ang green mo masyado!..sigaw ko at siya naman tawa ng tawa habang patakbong umakyat sa taas
Ingat kayo..rinig kong sigaw pa niya galing sa taas
Kailan alis niyo?..tanong ni mama
Bukas na po..sabi ko
Cge, ingat kayo dun ha at mag enjoy lang kayo..sabi ni mama
Thank you ma, hayaan niyo pag balik namin gala din tayo..sabi ko at niyakap siya
Sige anak..sabi ni mama
Bye ma uwi na ako mag iimpake pa kasi kami..sabi ko at tumayo na kaya tumayo rin siya
Cge ingat ka sa pag drive..sabi ni mama ng palabas na ako sa pinto

Sumakay na ulit ako at nag drive na pauwi.

Bea's POV
Tagal naman ni Jho, naiinip na ako dito..sabi ko at pumasok sa kwarto para magbihis ng damit pupunta na lang akong mall bibili ng..basta mamaya ko na sabihin

Paano?😭Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon