Chapter 41

2.9K 53 14
                                    

Bea's POV
It's been 3 days nung nakauwi kami dito sa Manila, nakakapagod pero nawala lahat sa last night namin dun at naging masaya kami ng buong pamilya ko.

Andito lang kami ngayon ng misis ko sa condo, chill lang. Pahinga muna at ako naman ang mag su-surprise sa kanya, kaya shh lang kayo.I mean kami pala ni Dad ang may surprise.

Mahirap mag process ng kasal sa ibang bansa kaya kailangan mong tutukan talaga, si dad daw bahala sa mga gastusin sa kasal namin. I'm so thankful kasi supportive sila at kung alam niyo lang kung ano ang ginagawa nila ngayon. Nakapag pa book na sila ng flights naming lahat papuntang Paris, yes sa paris para daw kay Jho kasi ang makapunta daw sa France is one of her dreams kaya dad decided na dun kami magpapakasal and i agreed naman and hindi ko pa nasasabi yun kay Jho kasi nga yun yung surprise. September pa naman yung gusto naming month ng kasal.

By, punta tayo kila Mama gala tayo sa batangas...sabi niya at nag pout
Pagod ang Bea mo..sabi ko rin at nag pout, inirapan naman niya ako
Edi ako na lang mag isa pupunta dun..sabi niya at tumayo, di ko naman siya papayagan kaya tumayo ako at hinarangan ang pinto ng kwarto namin
Alis...sabi niya, ang cold naman
Hindi..sabi ko, ang cold ko din
Bakit ba kasi ayaw mo akong samahan?..sabi niya at umupo ulit
Kasi pagod ako at mag gagabi na..sagot ko at tinabihan siya
Bukas na lang...sabi niya at nag pout ulit
Oo na...sagot ko

Sasama ako kasi ayaw kong mag-isa siyang pumunta ng batangas, mahal ko eh. At para maipaalam ko na kay Tita lovel yung surprise para makapag preapre din sila ni Jaja.

Actually hindi naman hinahanap ni Mika si Jho kaya okay lang naman siguro.

6:47 pm na ngayon kaya siguro nagugutom na ang baby ko.

Labas tayo, kain tayo ng dinner...sabi niya at tumayo, sabi sa inyo eh
Saan?..sagot ko naman at tumayo din
Saan mo ba gusto?..tanong niya at naglakad papasok sa room
Kahit saan basta kasama kita..sabi ko sabay kindat
Sweet naman..sagot niya at nagtawanan naman kami
By, mag dress ka..sabi ni jho sabay bigay sakin ng pink na dress, kunot noo ko naman siyang tinignan
Bakit?..tanong ko
Ako muna lalake ngayon..natatawang sabi niya
At ako ang mag da-drive..dagdag pa niya kaya tumango na lang ako at hinubad yung short ko

Nagbihis lang kami at naglakad na papuntang parking lot. Binuksan niya yung pinto ng sasakyan para sakin at siya nga yung nag drive.

Saan mo ba gusto kumain?..tanong niya at patuloy parin sa pag drive
Kahit saan...sagot ko
Kahit sa karinderya lang?..tanong niya
Pwede rin..sagot ko naman kaya napahagalpak siya sa tawa, di ko nga alam kung bakit eh
Ikaw? Kumakain sa karinderya? No way!..sabi niya sabay tawa ng malakas
Kumakain naman ako dun noh!..sabi ko at nag kibit balikat at tinignan lang siya habang tumatawa

Yung mga tawang yun, yun yung pinakamagandang sound sa pandinig ko.

Cge nga, dun tayo sa tabi ng mall...natatawang sabi niya tinuro yung sa gilid ng mall, malapit na pala kami
Cge..sagot ko

Okay lang naman sakin kung dun kami kakain, kung malinis yung pagkain. Alam niyo na, baka magkasakit pa kami ng Baby ko.

Bumaba na kami ng mapark niya yung sasakyan sa parking lot ng mall, galing ng baby ko😂

Naghanap kami ng mauupuan at nakakita naman kami kaya agad kaming umupo, pero tumayo ulit siya.

Saan ka pupunta?..tanong ko ng paalis na sana siya
Dun, pipili ng pagkain...sabi niya at napakunot naman ang noo ko
Ha?..tanong ko

Paano?😭Where stories live. Discover now