1 Lost

3.4K 50 8
                                    

Venise's POV

"Alam ko na ang sikreto mo..."

"Sinungaling..."

"Ako ang kalasag at sandata mo..."

"Any last words...?"

"Mahal na mahal kita..."

Agad akong nagising. Basang basa ako sa pawis at hingal na hingal ako. Hindi ko maintindihan ang mga napapanaginipan ko. Maraming nagsasalita ngunit hindi ko lubos na makita ang kanilang mga mukha.

Paulit ulit.

Napatingin ako sa orasan. Alas-kwatro palang pala. Bumaba na lamang ako upang inumin ang aking gamot. Mamaya pa dapat to alas-syete iinumin, pero bahala na. Sabi ni mama, nakakatulong raw ito upang bumalik ang aking mga alaala.

Ang nakakapagtaka lamang ay ilang buwan na rin ang nakalipas at wala parin akong maalala tungkol sa nakaraan ko. Kung bakit ako naospital, kung bakit ang dami kong tahi sa katawan, at kung bakit pakiramdam ko, hindi ako kumpleto.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Bumalik ako sa aking silid at humiga. Tulad ng mga nakaraang buwan, hindi nanaman ako makakatulog kakaisip kung ano nga ba ang gustong sabihin ng aking mga panaginip.

Hindi ko mawari kung isasawalang bahala ko lang ba ang mga 'yon, o isa iyon sa aking mga alaala. Ang nakakabanas ay hindi pa ako hinahayaan lumabas ni mama. Delikado daw sa labas.

Kinuha ko na lamang ang headphones ko. Gagamitin ko na sana ngunit napatitig ako. Ilang beses ko na ring tinitigan to. Para bang parte ito ng nakaraan ko. Paborito ko bang headphones to? Aish, ewan ko.

Biglang bumukas ang pinto kaya't nagpanggap akong tulog. Naramdaman kong gumalaw ang kama na para bang may umupo sa gilid ko.

Naramdaman ko naman na hinahaplos ang pisngi at buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam. Unti unti akong nakakatulog. Ngunit nagsalita siya... Si mama.

"Wala ka nang dapat maalala..."

Class 3-C has a Secret: Et Mortua Est (FANFIC)Where stories live. Discover now