5 Reminisce

1.3K 48 2
                                    

Venise's POV

Tumatakbo ako na para bang hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Madaming galos at pasa ang mga paa ko katatakbo palayo sakanya, ngunit hindi ko alam kung sino siya.

Kilala ko siya. Kilalang kilala.

Mas binilasan ko pa ang pagtakbo, malapit niya na akong maabutan. Pagod na pagod na ang mga paa ko, pakiramdam ko'y kaunti na lang ang natitira kong lakas at bibigay na ang katawan ko.

Hindi pwede... Kailangan kong mabuhay.

Bumigay ang mga paa ko at nagpagulong gulong ako sa hagdanan. Bumagsak ang katawan ko sa sahig at umagos ang dugo sanhi ng paulit-ulit na pagkakauntog ng ulo ko sa hagdanan.

Nakita ko siya, hawak ang isang patalim. Bakit sa lahat ng tao, siya pa? 

Marahas niya akong itinayo at kahit hilong-hilo ako, pinilit kong tumayo gamit ang sarili kong mga paa. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti saka inilapit ang kanyang mukha na para bang gusto niyang makita ko nang malinaw na malinaw kung sino siya.

Kilala ko siya... Pero sino nga ba siya? Anong pangalan niya?

"Any last words Denise?"

Denise?

Napamulat ako nang makarinig ako ng sigaw. Basang basa ang damit ko, naligo ako sa sarili kong pawis dahil sa nakakakilabot na panaginip ko. Tulala pa'rin ako ngunit napabalik ako sa realidad nang nakarinig ako ulit ng isang sigaw na para bang... sinasaktan. 

Boses iyon ni Mama.

"Patay na siya!" narinig kong sigaw ni Mama sa kung sino man ang kausap niya. Narinig kong may mga nabasag at nakarinig din ako ng mga malalakas na yabag sa labas ng kuwarto ko. Sumigaw ulit si Mama. Paulit ulit siyang sumigaw at mas lalong lumalapit ang mga pag-sigaw niya sa direksyon ko.

Nanginig ako sa takot at kaba. Kung nakakatakot ang panaginip ko, mas nakakatakot ang naririnig kong mga sigaw galing sa aking ina. Naisipan kong magtago. Ngunit saan? Halos mabaliw na ako kakaisip nang maalala ko ang sinabi ni Mama noon.

"Kapag may nangyaring masama sa akin sa loob ng bahay at napansin mo iyon... magtago ka dito sa sikretong kompartimento."

Agad akong sumuksok sa ilalim ng aking kama at pilit na itinulak ang nag-iisang kahoy na parte ng sahig. Bumukas ito agad at agad akong sumuksok papasok sa maliit na espasyo doon. Agad kong isinara ang espasyo gamit ang kahoy at narinig ko naman ang malakas na pagbukas ng pinto ng kuwarto ko.

Rinig na rinig ko ang impit na pag-iyak ni Mama. Namuo ang mga luha sa aking mga mata. Parang awa niyo na, wag niyong saktan si Mama. 

"Hanga ako sayo. Tunay ngang napakatalino mo, kaya siguro'y isa ka sa mga kunehong nabuhay." narinig kong sinabi ng isang babae. Base sa kanyang boses, parang mas bata pa siya kung ikukumpara sa akin.

"W-wala n-na siya. M-matagal na siyang p-patay." narinig ko naman ang pagsagot ni Mama na para bang hirap na hirap na siyang magsalita. Tumulo ang mga luhang pinipigilan kong tumulo. 

Narinig kong tumama ang laman sa laman at narinig ko namang umungol si Mama. Napasigaw ulit siya.

"T-tama na! P-parang a-awa niyo n-na t-tama na..." pagmamakaawa ni Mama. Narinig kong tumatama ang isang matigas na bagay sa laman.

"Punyeta ka kasi, nakialam ka pa. Bakit kasi pumasok ka pa sa impyerno namin?" narinig kong sabi ng isang lalaki. Tinakpan ko ang tenga ko, hindi ko na kayang marinig ang mga sigaw ni Mama.

"Nag-s-sabi a-ako ng t-tot-oo..." mahina man ang boses niya ay rinig ko parin ito. Mama wag mo akong iwan. 

"Hindi kami tanga at mas lalong hindi siya tanga. Wala ang bangkay niya noong tinignan niya ito sa bahay bakasyunan. So, kung patay na nga siya, nasaan ang bangkay niya? Humukay ng sarili niyang libingan?" narinig kong sabi ng babae. Tumawa pa ito. Sino ba ang pinag-uusapan nila? Sino ba ang dapat na patay na? Sinong hinahanap nila?

Ako ba?

Mukhang sinaktan ulit nila si Mama at narinig kong may bumagsak sa sahig.

"Sayang ka talaga. Kung hindi ka lang tanga."

Narinig kong tumawa ang babae bago ko narinig ang pagputok ng isang baril.

"Paalam, Kristina Lucero."

---x---

Ito na yata ang pinakamahabang update na nagawa ko HAHAHAHA. Oo, si Venise at si Denise ay iisa. Obvious naman sa simula palang diba? HAHAHAHA. Tungkol sa panaginip ni Venise, hindi talaga iyong ang pagkamatay niya. Hindi naman iyon ang gusto kong i-highlight eh. Kung sino yung pumatay ang nais kong i-highlight. Kilala niyo naman siguro ang sinong pumatay sakanya diba?

Tungkol naman sa Mama ni Venise... Oo, siya si Nurse Tin. Yung Nurse Tin na galing sa Laketon Academy at laging ginagamot ang mga sugat ni Ash. Kaya hindi nakita ni Ash si Nurse Tin sa clinic ng Laketon Academy ay dahil tinatago niya si Venise. Kung bakit? Yan ang aalamin niyo. :)

Sa mga pumatay kay Nurse Tin which is kinikilalang Mama ni Venise, hindi po sila Ash, Thania at Philip. Kung sino? Yan din ay aalamin niyo. 

Sana'y magvote kayo para malaman ko kung dapat ko pa bang ituloy ang fanfic na to HUHUHU at magcomment na din plish? Salamat sa pagbabasa! :)

Class 3-C has a Secret: Et Mortua Est (FANFIC)Where stories live. Discover now