Tyrone is pronounced as Tie-Rone pero yung nickname niya na 'TY' is pronounced as 'TI' not 'TIE'. Kung bakit? eh wala lang! walang basagan ng trip. iyon ang gusto ko, wapakels hehe
oh my... so... eto na... (scared)
********
BEGINNING
Tyrone
What a day! Kakagaling ko pa lang sa paglalaro ng basketball sa school at dito ako nagdiretso sa condo ni Cary. Wala pa ako sa kundisyong umuwi ng bahay dahil nagkasagutan kami ni Dad the other day. Nakarating kasi sa kanya na hindi ako nagpapapasok sa school lately. It wasn't like sinadya kong 'di pumasok, ang mga tarantado ko kasing barkada ay pinilit akong sumama sa Tagaytay para magbulakbol! At kaysa mag-away lang kami ni Dad ay dito na muna ako sa condo ni Cary tumuloy.
Si Cary kasi ay isa sa mga kaibigan kong 'di niya masyadong kilala. At 'di rin ako puwede sa condo ko dahil knowing my Dad, bubulabugin na naman niya ako. It's not that I hate him, I just hate being controlled. Though I really missed my Mom. It's hard to be away from her.
Good thing, wala rin dito ang bading na si Cary. Yeah, you heard me right, Cary is gay. Kaya nga impossibleng isipin ni Dad na nandito ako. Nasa Singapore ang gago kasama 'yung German boyfriend niya! Damn, nagpalit kaya ng beddings ang gagong 'yun?! Fucking gross!
Saglit akong nagpalit ng pajama at topless lang ako. Wala namang baklang mang manyak dito. I wonder kung dumating na ba 'yung cousin ni Cary na Jordan daw ang name. Oh well, hindi naman daw bading 'yun kaya wala akong dapat ipag-alala.
Nagbukas ako ng t.v. habang umiinom ng Heneiken. Nasa kalagitnaan ako nang panonood nang biglang magbukas ang pinto at bumungad ang magandang babae na nakasuot ng sexy na dress.
"OMG, ikaw si Ty tama?" nakangiting tanong pa niya sabay tulak sa pinto pasara.
"Yeah..." Fuck! don't tell me siya si Jordan?! All along I thought lalaki siya!
"Tangna! Ang gwapo mo pala!" Huh?! "By the way, I'm Jordan!" Mabilis pa siyang lumapit sa akin at nakipagkamay.
"Tyrone," walang interest na sagot ko. Mukhang flirt din 'tong babae na 'to!
"Tangna, pati name mo lalaking-lalaki!" gulat pang dagdag niya. Mukhang maingay ang isang 'to, a. "Totoo ba 'yan?"
"W-what?" Huh? Saan ba siya nakatingin?
Bigla na lang siyang lumapit sa akin at hinawakan ang abs ko!
"What the fuck?!" Agad tuloy akong napatayo at lumayo sa kanya! She's crazy!
"OA naman makareact 'to?!" She giggled! Babaeng manyak! aish! "Palit lang ako ng damit!" nakangising sabi pa niya bago tumalikod.
She's freaking me out! Fucking Flirt!
"Nag-dinner ka na?" Malakas pang sigaw niya mula sa loob ng kwarto.
"It's eleven o'clock in the evening, what do you expect?" I smirked. Feeling close naman 'tong babaeng 'to!
"Ang sungit!" sabi pa niya sabay labas sa room wearing my white long sleeve?! "Uy, pahiram lang muna,huh, wala pala akong malinis na pambahay. Bukas pa ako maglaba. Nakalock naman kasi 'yung closet ni Cary." She's unbelievable!
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...