CHAPTER 25.1.2
Jordan
Hindi ko kayang ipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon. Nandito ako sa suite ni Ty na sobrang bongga! Mas maganda pa ito sa dating tirahan niya dahil hamak na mas bago at mas high tech lahat ng mga gamit.
Nang bumaling ako sa desk clock, halos kaka seven o'clock pa lang nang umaga. Napuyat kami ni Ty dahil grabe ang stamina ng lalaking 'to. Hindi ko alam kung nakailang beses kami kagabi at para bang sobrang sabik na sabik siya sa akin. At hindi ko rin alam kung papaanong nasasabayan ko pa rin siya kahit parang pagud na pagod na ako.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapatitig ako sa napaka-gwapo niyang mukha. Ito na ang best part sa lahat, ang magising na mukha niya ang mabubungaran ko sa umaga. Mahigpit na mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin na akala mo ba ay mawawala na naman ako sa piling niya.
"Stop staring, Mahal ko..." Napaigtad ako sa biglaan niyang pagsasalita. Gising na pala!
"Good morning, Mahal ko..." Pinisil ko nang bahagya ang kanyang pisngi.
"Good morning din, Mahal ko," nakangiting sagot naman din niya at noon na dumilat. "Aga mo nagising?"
"W-wala naman, naalimpungatan lang ako."
"Oh..." Nakakaloko pa siyang ngumiti. "Galit na naman si junior," sabi pa niya sabay idiniin ang sarili niya sa akin. Namilog ang mga mata ko at malakas naman siyang humalakhak. Ibang klase!
"Manyak!" Hinampas ko siya sa braso at bahagya pa siyang umilag.
"He's always angry in the morning, Mahal ko. I'm glad I have you to chill him down," nakakaloko pang sabi niya.
"Every morning?!" Gan'un siya kamanyak!
"Yeah, every morning and I am not joking, Mahal ko," natatawa pang sabi niya at mas inilapit ang kanyang katawan sa akin.
"Kailangan ba talagang dito ako tumira? Hindi ba magagalit ang parents mo sa atin?" pag-iiba ko pa.
"Jeez, Mahal ko. I am not a five year old boy, okay?" Pasensya naman at hindi ko lang din maiwasang mag-alala.
"Alam na ba nila?"
"Walang makakalusot na info kay Kirs, Mahal ko. And, they love you kahit pa iniwan mo ako noon." Iyon na nga ang ikinaka-guilty ko. Iniwan ko siya noon. Dagdag pa ang impormasyon tungkol sa pagkatao ko. Natatakot akong iba ang sinasabi ni Ty sa tunay na reaksyon ng parents niya. Baka kasi sinasabi lang niya 'yun para mapanatag ako. Pero siguro, to see is to believe na lang.
"P-paano—"
"Stop it, Mahal ko. Just stop." Dinaanan niya ng kanyang daliri ang aking labi. "I'll be here even it came to a point that you don't want me again."
"Hindi na mangyayari 'yun... Hindi na." paniniguro ko pa lalo pa nga't nakita ko na naman ang lungkot sa kanyang mga mata. Nasasaktan akong nakikita ko siyang gan'un. Ayoko na. Hinding-hindi ko na siya iiwan pa.
"I'm glad to hear that, Mahal ko. Because you know, I won't let you anyway." Hinaplos niya ang aking mukha sabay halik ulit sa akin. "For now, help me chill my angry dude," makangising sabi pa niya sabay sulyap sa kanyang ibaba. My God!
"Ang manyak mo talaga!" Hinampas ko siya sa dibdib at malakas naman siyang humalakhak.
At ano pa nga bang laban ko sa kanya?! Hindi ko rin naman siya kayang tanggihan. Mahal ko si Ty at handa akong gawin ang lahat para lang makabawi sa pagkakamaling nagawa ko noon.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)
General FictionSi Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae...