Chapter 3

3 0 0
                                    

Wala pang 30 minutes nakarating na kami sa Light Ent. Pagkababa namin sinalubong kami ng mga bodyguard ng Light Ent. at may binulong sa akin ang isa kaya napa-buntong hininga na lang ako.

Dumiretso kami sa fourth floor dahil nandoon ang conference room, nandoon daw ang ibang miyembro ng Phoenix Boys at ang manager nila. Pagdating namin sa fourth floor nararamdaman ko na ang kakaibang atmosphere. Actually, hindi ko pa nakikita o nakakausap sa personal ang owner ng Light Entertainment/ manager nila kaya medyo kinakabahan ako.

Nasa tapat na kami ng pinto ng conference room nang makaramdam ako ng kakaiba. Pinihit ko na ang doorknob at sinalubong kami ng liwanag mula sa glass window at ang malamig na temperatura sa kwarto at walong pares ng mata na nakatingin sa direksyon namin.

"Jaideeeeeeeen!"binasag ni Zander ang nakakabasag na katahimikan ng room sabay takbo kay Jaiden. Pero nagulat ako sa ginawa niya akala ko yayakapin niya si Jaiden yun pala binatukan niya. Ngayon ko lang napansin hindi pala nagkukuya 'to sa ka-miyembro niya.

"Ikaw talaga Jaiden hindi ka na nadala sa nangyari nung nakaraang buwan! Ang tigas ng ulo mo!" Saway ni Zander kay Jaiden na parang siya ang matanda sa kanila. Si Jaiden naman napakamot nalang ng ulo.

"I'm sorry." Yun na lang lumabas sa bibig ni Jaiden.

"Hindi na mabilang ng daliri ko ang dalawang salitang yan sa inyo." Malamig na sabi ni Manager Kim kaya napalingon ako sa kanya at napaatras ako ng konti nang makita ko siya. Parang familiar siya... Inaalala ko kung san ko siya nakita pero kahit anong gawin kong piga sa utak ko hindi ko matandaan. Mabilis kong inayos ang sarili ko nang tumingin siya sa akin.

Yumuko ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya,

"Pasensya na po, Sir Kim. Kasalanan ko po dahil naging pabaya ako." Paghingi kong dispensa. Kasalanan ko naman talaga kasi hindi ko sila nabantayan ng maayos.

"Sana sa susunod ayusin mo ang trabaho mo. Huwag kang paanga-anga." Sagot ni Manager Kim 

"Manager! This is not her fault! Kasalanan ko 'to. Ako ang lumabas na hindi nag-disguise at hindi ako nagpaalam sa kanya kaya kasalanan ko. Pasensya na po." Pasigaw na sabi ni Jaiden.

"Huwag mo akong sigawan. Hindi ako bingi. Alam mo ba kung ano pinasok niyong dalawa ngayon?" Tumingin kaming dalawa ni Jaiden sa kanya na nagtatanong sabay tingin sa pitong natitira sa kwarto kasama na dun si Jackson na umiiling-iling.

May pinakita sa amin na litrato si Manager Kim galing sa phone niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, ewan na lang sa kasama ko kung ano reaksyon niya kasi nakatutok pa rin ang mata ko sa litrato.

Ang nasa litrato ay kaming dalawa ni Jaiden na kung titingnan mo sa litrato ay parang naghahalikan kami pero masira na ang BMW ni Jackson hindi nangyari yun kasi ang totoo niyan ay yun yung time binulungan ko siya sa mall. Shemay!

"Hindi yan totoo." Komento ng kasama ko. Tumango-tango naman ako sabay tingin kay Jackson na naka-poker face na. Lagot ako kay boss nito.

"Kahit hindi totoo yan. Maraming hindi maniniwala kasi konti lang ang taong nakakita sa actual kumpara sa taong hindi nakakita." Sabi ni Manager Kim.

"Don't underestimate our fans, Manager Kim. They're not like that. Hindi sila basta-basta naniniwala sa mga ganyan." Sa wakas nagsalita na rin ang leader, si Kiefer.

"I don't underestimate them. I'm just stating the obvious." Manager Kim.

"Ano pwede nating gawin para mapaniwala silang hindi yan totoo?" Tanong ni Tyron na seryoso na ang mukha.

"Magpapanggap na nagttrabaho si Zea dito sa Light Ent. Magpapanggap siyang isang staff dito. We can't risk the truth kung bakit siya nandito at kasama niyo. Ayaw niyo naman isa-publiko na isa kayong Mafia Heirs, right?" Sagot ni Manager Kim sa tanong ni Tyron.

Another pagpapanggap?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon