068 // narration

2.2K 148 79
                                    

narration pt. 3

"Ay takte, Jigoo! Pwede ba 'yung notebook ko, ibigay mo na. Sisipain kita!" Tumakbo naman palayo si Jihoon habang papalapit si Ellie sa may hallway.

"Dejoke lang, ito na talaga. Titigil na ako." Tumigil naman sa pagtakbo si Jihoon at binigay ang notebook kay Ellie. Nang makuha na ni Ellie 'yung notebook ay agad niya itong pinanghampas kay Jihoon.

"Aray ko naman, Elisha."

"Lagi na lang Elisha tawag mo sa akin?!"

"Ang cute kasi ng name mo hehe. Ayoko ng Ellie para unique naman. Gusto ko ako lang tatawag na Elisha sayo, ha?"

"Tae 'to, oo na."

Napatingin si Ellie kay Elise. Nagkaroon ng bagong kaibigan si Elise nang dahil kay Jihoon. Sumikat na rin siya sa school.

Mas lalong naging magclose si Jihoon at Ellie. Kung sa katunayan nga, mas close pa ni Jihoon si Ellie kaysa kay sa girlfriend niya na si Elise.

"Jigoo!" Napatingin si Jihoon kay Elise.

"Tawagin na rin kitang Jigoo, ha?"

"You can't. Haha. Si Ellie nagbigay ng nickname na 'to eh."

Kitang-kita mo sa mukha ni Elise ang selos. Kung paano kasi tratuhin ni Jihoon si Ellie, kung paano ito tumingin kay Ellie.

Kinuha ni Ellie 'yung nahulog na note mula sa locker niya, binasa niya ito.

'hi bes! kita tayo sa rooftop ngayon.
elise.'

"Rooftop? Bakit?" Tanong ni Ellie sa sarili.

Agad namang dumeretso siya sa rooftop at ayun na nga, nandun na si Elise.

"Hello, bes. Ay, oops. Sorry, ex bes pala hahaha." Kumunot 'yung noo ni Ellie sa sinabi niya.

"Ex?" Pinipigilan lang ni Ellie na hindi tumulo ang mga traydor niyang luha.

"Oo, ex. Any problem with that? Ang landi-landi mo, alam mo ba 'yun? Buong Broduce 101 na lang ata close mo. Lalo na 'yung boyfriend ko," Napatawa naman si Elise, "Pwede ba, layuan mo si Jihoon. Gusto ko, ang akin lang, akin lang. So 'yun lang naman 'yun, ex bes. Ciao."

Nang makaalis si Elise, dun na siya napaiyak. Best friend mo, iniwan ka nang dahil lang dun.

"Uy, may nagdradrama sa rooftop— " Kakaakyat lang ni Hyeongseob sa rooftop nang marinig niya ang mahihinang hikbi, "Uy teka? Ellie, ikaw ba 'yan?"

Napatingin sa kanya si Ellie at binaniwala. Tumabi sa kanya si Hyeongseob at bigla na lang nito niyakap.

"Haha, joke lang. Sinundan kita, Ellie at narinig ko lahat ng sinabi ni Elise. Don't worry, Ellie. I can be your best friend!"

~~

so, ito na nga. throwback lahat ng narrations. ayern. lame lame lame ng ginawa ko, aaaaa.

magic | jihoonWhere stories live. Discover now