special chapter 2: surprise

1.9K 102 58
                                    

narration.

"Next week pa ako uuwi." 'Yang 'yung mga salita 'di malabas sa utak ni Ellie. 'Di na siya mapakali. Miss na niya agad ang boyfriend niya. Walang forever, okay.

"'Di mapakali, amp." Natatawang sambit ni Daniel habang nakaupo sa sopa at hawak-hawak ang phone.

"Uy, may outing ulit bukas." Sabi ni Daniel habang nakatingin naman sa phone niya na tila nagbabasa.

"Ayoko sumama, wala si Jihoon." Walang ganang sabi ni Ellie. Wala pa ring forever.

"Edi 'wag, pfft. 'Di kita pinipilit, bahala ka, magsisi ka."

"Eh, sabi kasi ni Jihoon nung bago siya magbakasyon sa Japan, ngayon week daw siya uuwi." Ayan nanaman, nagdradrama nanaman si Ellie. Akala mo 'di nagkita ng isang taon. Dejoke lang.

"Joke lang, sige na sumama ka na. 'Di ka na kaya na nakakagala. Bilis." Nagpuppy eyes pa si kuya sa harap ko tapos ngiting-ngiti pa.

"Oo na, gwapo ka na. Sasama na ako, kuya. 'Wag ka na magpacute sa harap ko, heh." Sabi ko sa kanya.

-

"Kuya, 'di natin sila kasabay papunta doon?" Tanong ni Ellie sa kanyang kuya habang pumapasok sila sa kotse. Pumwesto si Daniel sa driver's seat habang pumuwesto si Ellie sa likod.

"Nope." Sagot naman ni Daniel at agad niyang inistart ang kotse. 

-

Park Jihoon

active 2 days ago

6:33 am

Ellie: jigoo!

Ellie: may outing kami hehe

Ellie: skl :(

Ellie: ang busy mo naman diyan sa japan :(

Ellie: i miss you.

-

Napa-hays na lang si Ellie habang hawak-hawak niya 'yung phone niya at 'tila ba may hinihintay na reply. Hanggang sa nakatulog ito.

-

"Gising na." 

Nagising si Ellie sa boses ng kuya niya. 

"Nandito na ba tayo?" Tanong naman nito.

"Ay wala pa?! Kaya nga kita ginising eh." Sagot naman ni Daniel sa kapatid niya kaya sinamaan siya ng tingin na 'to.

Tumingin sa labas si Ellie at makikita mo 'yung laki ng resort pati gaano kataas 'yung hotel na pagtutuluyan nila. Pero binaniwala lang nito ni Ellie dahil puro wenk boi nga ang nasa isip niya. Iniisip niya kung okay lang ba 'to or nah. 

"Ano wala kang balak bumaba?" Saad nanaman ni Daniel. Sinamaan ulit siya ng tingin ng kapatid niya at sabay silang bumaba ng kotse habang dala-dala 'yung sari-sariling backpack at gamit na sapat sa dalawang araw lamang.

Tuwang-tuwa sila sinalubong ng tropa sa may lobby ng hotel.

"Lungkot ni Ellie, ah." Saad ni Kenta. Ginulo naman ni Kenta 'yung buhok niya kaya napanguso na lang si Ellie.

"Ah, nga pala. May kwarto na tayo. Daniel, ka-room mo si Ong pati Lee Woojin. Tapos, si Ellie, mag-isa ka lang kasi syempre babae ka, okay," sabi ni Jonghyun, "Ellie, ito susi nung sayo. Nandiyan na rin 'yung number ng room mo." 

"Thank you, Kuya Jonghyun." 

Iniwan muna ni Ellie ang tropa at pumunta sa kwarto niya. 

-

Nagising si Ellie at hindi niya alam na nakatulog pala siya sa kwarto niya. Nagulat siya na may nakapatong sa bewang niya na braso. Tinignan niya at nakita niya si Jihoon na natutulog.

"HALA TAENA?!" Sigaw ni Ellie sabay napaupo mula sa pagkakahiga at dahilan 'yun para magising si Jihoon. 

"Ssshhh, natutulog ako." Sambit naman ni Jihoon, "Tsaka 'wag ka ngang magmura, Sha. Halikan kita eh." 

"Kaya mo ba?" Hamon ni Ellie. Umupo naman si Jihoon mula rin sa pagkakahiga. Agad na hinalikan ng mabilis ni Jihoon si Ellie sa labi. At mabilis din siya humiga ulit at tinakpan ang sarili ng comforter ang sarili. Pinalo ni Ellie si Jihoon kaya napa-aray siya.

Umupo ulit si Jihoon at ngiting-ngiti humarap kay Ellie. 

"Sabi mo matagal ka pa uuwi." Napaguso si Ellie.

"Hehe, surprise?!" 

~~

kILL ME?! MISS NIYO BA AQ. DEJOKE HAHAHAHAHAHA, bYE

magic | jihoonWhere stories live. Discover now