CHAPTER 2

3.2K 85 1
                                    

Rain's POV

"Kumpleto na ang mga prinsesa kailangan na natin itong ipaalam kay Headmaster Brylle" sabi ko sa mga kasama ko.

"I agree" Aeron said.

Kaya ayun. Napagdesisyunan naming bumalik muna sa Element Academy saglit. Pagdating namin doon dumiretso agad kami sa office ni Headmaster Brylle.

"Tito!" Bati ko kay Headmaster

Yup, Tito ko siya since Kuya siya ng mommy ko

"Oh, Ano'ng balita pangit kong pamangkin?" tanong niya sa'kin

"Hoy! Grabe siya? Parang 'di mo ako pamangkin ah? Ang gwapo ko kaya tito!" Reklamo ko sa kanya.

Close kami nito eh kaya okay lang

"Whatever pangit. Ano'ng balita sa mga prinsesa?" pag-iiba niya ng topic
"Ako na magsasabi" Blaze said.

Kahit kailan panira talaga ng moment ang isang 'to sarap lunurin

"Tumahimik ka nga d'yan pangit" Tito Brylle said at sinamaan ako ng tingin

Yeah! My uncle is a mind reader

"We found the four princess headmaster and kakilala na din namin sila" Blaze said at ngumiti pa ito.

"Good to hear that. Here's the invitation. Ibigay mo to sa principal nila" utos ni Tito kay Blaze

"Bakit si Blaze?" taas kilay kong tanong kay Tito.

"Kasi mas seryoso pinsan mo kesa sa'yo?" natatawang niya pang sabi sa'kin.

"You may go" dagdag niya pa.

Yumuko naman 'yong tatlo habang ako nakaupo parin sa sofa na nandito sa office ni Tito

"Hoy! Pangit alis na" sabi niya with matching hand gestures pa na pagtataboy sa'kin

"Pagtabuyan ba naman ang gwapo niyang pamangkin. Tsk" sabi ko sa kanya

"Ako lang gwapo dito!" Sabi niya sabay tawa nang malakas.

Pft. Lakas ng mga tama ah?
Tumayo na din ako at lumapit sa tatlo kasi babalik na kami sa Who University kung saan nandoon ang mga prinsesa namin. Pagkadating namin do'n agad naman kaming pumunta sa office ng principal at binigay na ni Blaze 'yong invitation kay Mr. Ruiz

Nagulat pa nga ito ng mabasa niya kung saan galing ang invitation letter.

"Is this true?" Halos hindi makapaniwalang tanong niya sa'ming apat.

"Yes, Sir. Kaming apat ay galing sa EA at nandito kami para sunduin ang mga napili ng EA" Aeron said formally na para bang promoter ng EA.

"Sige. 'Di ba student din kayo dito? At
bago lang kayo nag transfer?" naguguluhan niyang tanong sa'min.

Tumango naman kami.

"Ito ang dahilan kung bakit kami nandito" sabi ko sa kanya.

Tumango nalang si Mr.Ruiz at pinindot 'yong isang button sa mesa niya bago nagsalita

"Miss Sabrina Rainne Montefalco, Seraphine Ember Alcaraz, Aira Wynd Lopez and Shannon Terra Enrile please proceed to my office As Soon As Possible." sabi niya

After how many minutes dumating na 'yong apat na babae tinawag. Bakas naman sa mga mukha nila ang pagkalito nang pumasok sila sa principal's office. Siguro nasa isip nila kaya sila pinatawag dito dahil sa mga nangyari kahapon

"Sir! It wasn't my fault kung bakit pumutok ang TV" Sabi ng isang babae na Seraphine ang name.

"Me din po sir. Kung bakit parang nagka ipo-ipo sa hallway" Aira said tapos nag pout pa ito

Element AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon