CHAPTER 24

672 23 0
                                    

SERAPHINE's POV

Nandito na ako ngayon sa Royalties Mansion. Kami muna ni Aira ang magluluto ng dinner kasi wala pa si Shannon at Sabrina.

Ewan kung saan na naman pumunta ang dalawang 'yon, bakit ang tagal dumating. Malapit na din kasing mag alas singko y medya

"Ano'ng uulamin natin ngayon?" I ask Aira.

"Hhmm. Pork Adobo nalang siguro at tsaka Bihon guisado? What do you think?" Aira asked me

Nag agree nalang ako sa sinabi niya. So, 'yon, hinanda na namin 'yong mga lulutuin namin for dinner. Si Aira ang magluluto sa Pork Adobo habang ako naman sa Bihon Guisado. Nakakabaliw lang ano? Kung kailan malaki na 'yong allowance namin do'n pa kami nagtipid? Hahaha. Wala eh. Practical muna kami ngayon pft. Uubusin muna namin 'yong mga nilagay ng boys na pang ulam dito sa fridge bago kami mag cafeteria ulit.

Nag uusap lang kami ni Aira about sa Elemental Symbols nang bigla n'yang itinanong sa'kin ang tungkol sa Elemental Symbols

"Pa'no kaya pag lumabas ulit 'yong symbols natin? Mahihimatay na naman ba tayo?" Aira asked.

"I don't think so. 'Di nga natin alam kung papa'no 'yon palabasin eh" sabi ko sa kanya

"May point ka,Sis" Aira said at tinuro pa talaga 'yong kutsilyo sa'kin.

"Hi Babe!" Blaze said.

Here he goes again. Kanina pa 'yan sa babe, babe na 'yan.

"Wala kang babe dito! Geez" sabi ko sa kanya

Patuloy lang ako sa paghiwa ng karne na pang sahog sa bihon guisado ng bigla nalang

"Shit!" napamura naman ako

Agad namang lumapit si Blaze sa'kin nang makitang tumutulo na 'yong dugo sa daliri ko.

"Are you okay?" He worriedly ask

"Try kaya natin, sugatan 'yang daliri mo tapos tatanungin kita kung okay ka lang? Gosh!" sabi ko sa kanya

Napakamot lang siya nang batok at sumimangot. Pagkatapos agad na umalis, ewan ko kung saan na naman 'yon pupunta. Hinugasan ko muna 'yong sugat ko sa gripo para mawala 'yong pagdurugo. Nang matapos ko itong hugasan agad namang dumating si Blaze dala 'yong medicine kit.

"Akin na 'yang kamay mo!" Utos niya.

"No. I can do this. Ako na bahala dito"

"No. Ako na" pangungulit niya sa'kin.

"No. Ako na sabi"

"Isa." Pagbibilang niya

"Dalawa" dugtong ko

"Seraphine Ember Alcaraz. Pwede ba umayos ka?" Inis n'yang sabi.

"Maayos naman ako eh" sabi ko sa kanya.

Kaya ko naman talagang gamotin ang sugat ko eh. OA din ang isang 'to minsan. Mas OA pa kesa kay Clyde. 'Di na siya umimik at biglang hinila 'yong kamay ko na may sugat sa daliri at agad na nilagyan ng anti-septic.

"Aray! Dahan-dahan lang naman" reklamo ko sa kanya

"Hoy! Ano 'yang dahan-dahan na 'yan? What are you doing guys? Oh my ghad! Get a room" Aira said.

"Hoy babaita! Iba iniisip mo" Sabi ko kay Aira.

Focus lang kasi siya sa paghihiwa ng mga lulutuin niya kaya 'di niya napansin 'yong nangyari sa'kin kanina.

"Iba ba beh? Sorna agad! Kala ko pa naman 'yon na hihi" Aira said at nag peace sign pa.

"You're so gross, Girl" sabi ko sa kanya

Element AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon