Tinawagan ko si jelou, at ilang saglit lang ay sinagot niya ito. Oh hello honey good morning!, morning hon pwede ba tayong mag kita mamaya? Na miss kita eh, narinig kong may kausap siya sa kabilang linya. Pero hinayaan ko nalang, baka kasamahan niya sa trabaho.
Oh sige hon!, pwede ako mamaya mag papaalam nalang ako sa head namin para mapa aga yong uwi ko. What time bah?, Oh mga 8:00 PM sana hon, ill wait for you. Sure hon i will be there i love you, yon lang at binaba niya na ang phone.
Tinex ko nalang sa kanya ang address.Agad kong tinawagan si yna, pinsan ko. Yna ok na ba yong set up para mamaya. Gusto ko yong pinaka magandang flowers, yong fresh na fresh. At yong foods siguraduhin mong masarap hah!
Sure insan, tonight is the best nigth for you and jelou. Ako na ang bahala sa lahat lahat. Alam ko naman na napa ka importante sayo ang araw na ito. Panu pa at naging wedding planner ako.
Oh sige na nga make sure maganda lahat, sige na bye.Parang hindi ko na yata mahintay na makita mamayang gabe si jelou. Sinipat ko lahat ng magagandang singsing,.
Ah miss pwede mo ba akong tulungan, bibili sana ako ng engagement ring. Pakiusap ko sa clerk, ito po sir maganda, bagong stocks namin yan. Manipis lang siya pero napapalibutan ng kumikinang na mga bato.Are you sure miss na magugustuhan niya ito?
Of course sir kong ako yong babae naku oo na agad yong isasagot ko. Sabay ngiti niya sa akin.
Sinipat ko mona ng mabuti, at sa wakas na ka pag decide na ako Hmmppp... Sige miss bibilhin ko na ito.Good luck po sa inyo sir! Sabay abot niya sa akin ng kahon. Pag katapos kong mag bayad.
thank you miss!!Agad akong pumunta sa isang sikat na resort, kong saan kami magkikita ni jelou. Nag hanap ako ng lugar para maka pag parking.
Relaxing yong ambiance, sari saring mga color ng bulaklak. Palm trees at ibat ibang uri ng punong kahoy, tulad ng fine trees. Native yong design ng mga cottages at, ang pina ka maganda sa lahat yong heart shape na pool.Tinawagan ko si yna para eh confirm kong naka set na lahat.
Pag pasok ko na surprise ako di ko rin expect na maganda ang pag ka set up. Bilib na talaga ako kay yna, hinila ko ang upuan at umupo ako para hintayin siya.
Nahalata kong maraming mga matang naka tingin sa akin. super gwapo niya swerte ng girl. Narinig ko pang tilian ng mga babaeng naliligo. Malapit kasi ito sa pool, kita lahat ang magandang view. .
Nag type ako ng message pra ky jelou. Hon text ka kapag out mona.Umabot na sa kalahating oras ang paghihintay ko, tinawagan ko siya pero di niya sinasagot lahat ng tawag ko. Baka na traffic lang siya. Hanggang sa mag iisang oras na. At umabot pa ito sa isang oras at kalahati. Hindi na ako mapakali, nahihiya na ako sa mga taong nakatingin sa akin.
Yong waiter panay tanong sa akin kong iseserve na daw nila yong foods. Pa kamot kamot na ako sa batok ko, kinakabahan ako na hindi ko alam, . tumayo ako at nag lakad lakad.
Paanu na ito kung hindi niya ako sisiputin, excited pa naman akong mg propose sa kanya.Napag desisyunan kong puntahan nalang siya xa hospital. Baka nag overtime lang siya, pero iba yong sinasabi ng isip ko, sa damdmin ko.
Mag papark na sana ako ng may na kita akong dalawang taong nagyayakapan, at naghahalikan sa gilid ng hospital. Bumaba ako at nakita ko na si jelou pala yong babae.Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ako maka paniwala na magagawa niya sa akin to.
At kilalang kilala ko pa ang lalaki niya. Ang isa rin sa masugid na manliligaw niya noon.Nag tago ako sa gilid ng sasakyan ko para hindi nila ako makita. Magka holding hands silang pumasok sa sasakyan.
Parang makapatay ako ng tao ngayon, mga hayop sila. Nag babaga ang katawan ko sa galit na parang ilang saglit ay liliyab na ako.
Sinusundan ko ang sasakyan nila.Kaya pala hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, busy pala siyang makipag landian kay warren.
Akala ko ako lang ang lalaki sa buhay niya.
Hinampas ko ng malakas ang manibela ng saksakyan ko, ng makita kong pumasok sila sa isang motel.
Mag ka akbay pa silang dalawa pa pasok, ang sweet nila.
Gustong gusto kong mag wala sa harapan nila, pero pinipigilan ko lang ang lahat ng galit na meron ako ngayon.
Sinabunutan ko ang sarili ko, at sa hindi inaasahan ay agad na nag unahanang pumatak ang mga luha ko.Nakalalaki na ang ginawa niya sa akin, hindi naman ako nag kulang. Inistart ko ang sasakyan at agad na pinaharorot.
Hindi ko alam kong saan ako patungo basta ma bilis lang ang pg drive ko. Kinuha ko ang sing sing sa bulsa ng pantalon ko at agad tinapon. Walang kwentang buhay ito. Napa lakas ang boses ko sa sobrang galit.Sa sobrang bilis hindi ko namalayan nadito na pala ako sa labas ng club. Madaming tao lalo na at sunday ngayon.
Nakipag sisksikan ako sa mga taong sumasayaw, yong iba nagwawala na sa sobtang kalasingan.Pag upo ko sa counter agad akong nag order. sinubukan kong mag yosi kahit hindi ako sanay. Iba pala ang pakiramdam ng na sawi ka sa pag ibig.
Ang mga bagay na hindi mo kayang gawin ay nagagawa mo.
Na ka ilang bottles na ako, naramdaman ko na medyo hilo na ako.
Tumayo ako para mag cr, ng biglang nag vibrate yong phone ko.
Si mom tumatawag for sure hinahanap na ako. Di kasi sila sanay na ganitong oras wala pa ako sa bahay. Wala din kasi silang alam na balak ko na sanang mag propose kay jelou.
Kaya nag message nalang ako na okey ako at pauwi na.
Useless lang kasi kapag tumawag ako, hindi rin kami mag kakaintindihan, sa lakas ng tugtog.Pag katapos kong mag cr, lumabas na ako para hanapin ang sasakyan ko. Nang bigla nalang akong may nabangga.
BINABASA MO ANG
Thank you for the broken heart
RomanceMinsan umiiyak ka nalng without any reason, nararamdaman mong hopeless ka. Pero hindi ko alam kung anu ba ang tawag sa nararamdaman ko ngayon,. I am Teodorico Villa, "but they used to call me teo". A man with a broken heart.