Tiningnan ko yong mga labi niya, habang nakatitig lang siya sakin.
Hinawakan ko yong mukha niya, at hindi manlang siya nag protesta.
Nilapit ko yong mukha ko sa mukha niya. At hinalikan ko ang mga labi niya, hindi siya tumugon.
Ang lambot ng mga labi niya, napayakap siya sakin, at tumugon sa mga halik ko.
Namumula yong mukha niya ng ihinto ko ang pag halik ko sa kanya. Wala kaming imikan, hanggang sa maihatid ko siya sa bahay nila.Sa kabilang bayan lang pala yong bahay nila. Hindi naman kalayuan sa bahay namin.
Pinag buksan ko siya ng pintuan, habang pababa ng sasakyan.
Gusto mong mag kape? pasok ka mona sa bahay namin.
Sure ka? Oo naman, nandito si mama pakilala kita. Seryoso ka ipakilala mona ako? Habang nakangiti, ang bilis mo rin hah take it easy, mapapasayo din naman talaga ako eh!
Sa tamang panahon nga lang.Tsee i invited you for a coffee, dami mong satsat. Lang effect yong mga banat mo sakin. Ows wala ba talagang epekto? .
Halikan kaya kita ulit, para magkaroon ng effect.. Gusto mo?.
Stop it, pumasok ka na kong ayaw mong ipahabol kita sa aso namin.Alright sabi ko nga eh papasok na tayo. sabay ngiti ko sa kanya, at irap naman yong sagot niya.
Ano gusto mo black coffee, tea, juice or what?
Pwede ikaw nalang?
Anu ba tinatanong kita ng maayos, puro ka talaga biro.
Gusto mo buhusan kita ng mainit na tubig at ng mahimasmasan ka. Kong anu anu sinasagot mo sakin, kanina ka pa.
Tumawa ako ng malakas, pikon mo. Sige na kaw na bahala, huwag mo lang lagyan ng lason. Baka mamatay ako na di pa nakikita yong magiging asawa ko.
Siguro lumay pwede pa. Para araw araw makikita kita. Sabay kindat ko sa kanya.
Umuusok na naman yong ilong niya, sabay bato ng tsinelas niya sakin.
Buti nalang naka ilag ako, kong hindi sapol talaga mukha ko.Ma si teo pala, bago kong kaibigan. Lumapit ako at humalik sa pisnge ng mama niya. Nice to meet you tita, ngiti lang ang sagot niya sakin.
Mukhang mabait yong mama niya, kaya lang hindi na siya nakakalakad.
Naka wheel chair siya, naputol daw kasi yong kanang paa niya, dahil sa diabetes.
Habang may ginagawa si sam nakipag kwentuhan mona ako sa mama niya.Tita wag niyo po sanang mamasamain, may itatanong lang po sana ako.
Bakit po sobrang sungit ng anak niyo, mukhang pinaglihi sa ampalaya.
Parang hindi naman yata siya nag mana sa inyo, dahil mukha namang mabait kayo.
Naka ngiti siya sabay sagot sakin, naku teo pag pasensyahan mo nalang yong anak ko.Simula kasi nong bata siya wala ng ibang inisip kundi, makapagtapos ng pag aaral niya.
Para matanggap siya ng kanyang ama.
Isa kasing british yong ama niya, hindi niya matanggap na may anak kaming dalawa, kaya iniwan niya ako.
Nakipag hiwalay siya sakin, kaya ako nalang mag isa ang tumaguyod kay sam.
Ganyan talaga ugali niya, sobrang lambing niyan. May sayad lang minsan.
May nanligaw na po ba sa kanya? Tanong ko ulit, naku daming nanliligaw sa kanya. Mag 27 na yan pero wala paring sinagot ni isa sa manliligaw niya.Kaya nga nakapagtataka na dinala ka niya dito sa bahay eh!
Isa ka rin ba sa nanliligaw sa kanya?
Gustuhin ko man tita pero mukha yatang tiger yong anak niyo eh!Sige tita uuwi na po ako. Salamat po, hayaan niyo babalik ako dito, para makipag kwentuhan ulit sa inyo.
Wag ka ng bumalik, kong anu anu tinatanong mo kay mama eh!, sige ma hintayin niyo lang po ako diyan, ihahatid ko lang si teo sa labas. Sige teo ingat, kaway nalang yong naisagot ko.
Pwede ba akong bumalik ulit dito.? Tanong ko sa kanya. Tumass lang yong kilay niya. Pwede naman basta behave ka lang. Mukhang mabait ka ngayon ah!
Oo mabait naman talaga ako kahit na sinabi mong tigre ako.
naku nagbibiro lang ako kanina, di yon totoo. Sa totoo nga eh napa kaganda mo.Boliro, umalis ka na nga. Sige aalis naku san na yong goodbye kiss ko?
Sabay turo ko sa pisnge ko.
Ikaw na nagsabi take it easy.
Habang nakangiti siya sakin, lumabas yong pantay pantay, at mapuputi niyang ngipin. Ang ganda niya talaga.Hay anu ba to di pa ako nakapag move on, pero mukhang tinamaan na naman ako.
Siguro bagay sakin yong kantang, bakit ngayon ka lang dumating.Ang tanga ko talaga bat ba kasi nakalimutan kong humingi ng cellphone number niya.
Pag uwi ko nakita kong nakaupo si jelou sa coach namin. Mukhang ako yong hinhintay.
Sinalubong naman ako ni mom, panay tanong kong saan ako galing. Sinong kasama ko, bat natagalan ako.
Hay mga nanay talaga, minsan may kakulitan din.Gusto ko ng mag pahinga mom, later nalang po ako kakain. Mauna na po kayo. Iho teo may bisita ka, kanina kapa hinhintay ni jelou.
Pa as if lang kasi ako na hindi ko siya nakita.Honey how are you?, Sorry talaga kong hindi ako nakasipot sa dinner date natin last day.
Dami kasing patient, medyo taranta niyang paliwanag sakin.Its okay tapos na yon. At yong about sa atin tinapos ko na rin.
At wag ka ng mag pakita sakin, dahil ayaw ko ng magmukhang tanga.
Niyakap niya ako habang nakatalikod ako sa kanya. Tinanggal ko yong kamay niyang nakapulupot sa bewang ko.Anu ba teo, sabihin mo naman sakin ano ba yong problema mo? May problema ba tayo?.
Sa akin wala, pero sayo meron.Dahil hanggang ngayon, hindi ko alam kong bakit nagawa mong pagtaksilan ako. Medyo tumaas na yong boses ko. Ayaw kong saktan siya, kaya pinipigilan ko ang sarili ko.
Nakita ko kayo ni warren naghahalikan, nagyayakapan. Sa tingin mo ba basta basta akong susuko, kong wala akong ebedinsiya.
Sinundan ko kayo, pumasok kayo sa motel. Ngayon ipaliwanag mo kong bakit mo yon nagawa sakin.Matagal mo na ba akong niloloko?.
sagutin mo ako. Kulang ba ako sayo?, hindi pa ba sapat yong binibigay ko, yong pagmamahal ko?. May kulang ba?.
Sana sinabi mo para naitama ko lahat. Hindi yong makikita kitang may kasamang iba. Masakit sobrang sakit.Unedited po ito guys kaya sorry kong may mga wrong spelling.
Kindly leave a comment po or star. Ty and gobless. Salamat ulit sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Thank you for the broken heart
RomanceMinsan umiiyak ka nalng without any reason, nararamdaman mong hopeless ka. Pero hindi ko alam kung anu ba ang tawag sa nararamdaman ko ngayon,. I am Teodorico Villa, "but they used to call me teo". A man with a broken heart.