KABANATA 2 - Bahagi 3

19.1K 480 19
                                    

~~~•••~~~

SA kabilang dako, sa dulo ng Sperca ay nakatirik ang malakapeng daungan na yari sa kahoy. Walang sino man ang pumupunta dito pagkat ito ay inabanduna na dahil sa kalumaan. Napapalibutan ang mahabang daungan ng makakapal na hamog. Nakatayo doon sa daungan si Scarlett na may kung sinong hinihintay habang may dalang itim na malaking bag.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

Sa di kalayuan ay nakita ng dalaga ang isang bangka na papalapit sa daungan. Agad niyang sinalubong ang bangkang papalapit sa kinaroroonan niya. Huminto ang bangka sa daungan at lumabas ang isang nilalang sa loob ng bangka. Ito ay tumungo sa kinaroroonan ng babae at kinausap ito.

"Kumusta binibini," pangiting saad ng nilalang.

"Baldovino, salamat at pumunta ka," pangiting saad ni Scarlett.

Ito ang kauna - unahang nilalang na iniligtas niya sa masamang tauhan ng gobernor. Sa daungang iyon ang lugar kung saan ay itinakas niya si Baldovino dahil alam ng dalaga na ang lugar  na kinaroroonan  niya ay inibanduna na ng mga tao ng Sperca.

Kinuha ng nilalang na iyon ang bag ng dalaga at inilagay ito sa bangka. Inabot din niya ang kamay nito sa dalaga para makapasok ito sa bangkang kahoy.

Ang nilalang na iyon ay may malakastanyas (chestnut) na kulay. Ito ay may puting mata at mayroon ding tumubong ngipin sa gilid ng kanyang bibig. Ang mukha nito ay katulad ng asong kauri ng 'boldog' at ang bigote nito ay tumutubo sa gilid ng kanyang panga. Maliit ito na may tatlong sukat ang tayog. Nakasuot ito ng esmeraldang (jade) kulay na maiksing damit at bughaw at punit na pantalon. May suot itong bughaw na sombrero na halos natatakpan ang kanyang kapeng buhok. Putol ang kanang paa nito at nilagyan lamang ng kahoy upang makalakad siya ng maayos.

 Putol ang kanang paa nito at nilagyan lamang ng kahoy upang makalakad siya ng maayos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento.)

Sumakay sila sa bangkang may taluhabang (rectangle) hugis. May maliit itong bubong sa dulo ng bangka at maliit na lampara na nakasabit sa poste ng bubong. May kulay lila itong kurtina sa bawat poste at may maliit na upuan na nakadikit sa bangka.

MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATEWhere stories live. Discover now