CHAPTER 1

88 8 0
                                    

By: esabrinanelle
Editor: HuntressAer

Sa bawat umagang nagdaan ay halos kasabay ko lang rin gumising ang haring araw na papasikat pa lang sa kalangitan na siyang 'kinababagot ko. Pambihira nga naman... Nakakawalang-ganang pumasok.

Labag man sa kalooban ay nagtungo na ako sa eskwela saka agarang pumasok sa silid at naupo. Tinatamad kong ibinagsak ang aking ulo sa lamesa at ipinikit ang mata ko. Inihahanda ko na ang sarili ko para sa pagtulog dahil malapit nang magsimula ang klase. Ito na ang nakagawian kong palaging gawin pagkapasok. Kumbaga sa ibang salita, daily routine ang tawag. Hindi naman ako antukin o puyat, sadyang masarap lang talagang matulog!

"Good morning class!" dinig kong pagbati ng Prof. namin na siyang tinugon naman ng klase. Medyo na-istorbo naman ako sa pagtulog nang bigla niyang ihampas sa teacher's table ang siguro'y dala niyang stick.

Tsk.

"Listen, class! May I have your attention please? Okay... So, before we start our discussion for today, I would like you to meet your new classmate. Please, come in!" rinig ko pang salita niya.

Tsk. I wouldn't like him or her to meet.

Hindi na ako nag-abala pang mag-angat ng ulo para tingnan kung sino yun. Sa tantiya ko kasi sa tunog ng sapatos niya, ayon sa narinig ko, ay mabagal. May pagka-pagong kung kumilos at tingin naman niya'y para siyang nasa isang kasalan kung humakbang.

 
Nagsimula na ang klase at puro discussion at recitation lang ang naganap. Nang tumunog na ang school bell--hudyat na break time na--ay dumilat na ako't nag-ayos. Tumayo na ako at tuluyan na sanang makakalabas nang may nakabungguan ako.

"Tss." gigil na sabi ko. Tiningnan ko naman ito pero nakayuko lang ang babae. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil natatabunan ito ng kanyang bangs ngunit hindi nakatakas sa akin ang labi niyang mariing ipinaglapat at kinagat.

"Pasensya na." malumanay niyang saad. Sa boses pa lang niya, alam kong siya yung pinakamahinhin naming kaklase...

Si Miara Fae Casjeno.

"Tch. Dadaan na ako. Saka pwede ba? Sa susunod ay tumingin ka naman sa dinaraanan mo. Masama ang makabangga ng kung sinu-sino. Nakakamatay." iritado kong sagot na may kahalong malamig na tono.

Hayy... Masamang magalit ang bagong gising.

Pagkapunta ko sa cafeteria ay siyang bungad sa akin ng sobrang mahaba na pila. Mas maganda siguro kung matutulog muna ako. Mamaya na lang ako kakain.

Kung nagtataka kayo kung bakit walang palya ako sa pagtulog at hindi man lang ako pinapagalitan ng mga teachers, 'yun ay dahil sanay na sila sa akin. Hindi naman sa tinatakot ko sila. Sadyang wala lang kaming paki sa isa't isa. Pero, no hate.

Pumasok na ulit ako sa aming silid. Pinagmasdan kong mabuti ang mga pangalan na nakalagay sa kani-kaniyang silya. Wala talagang tatalo sa name tag ng upuan ko. Hanggang ngayon kasi, wala kang mababakas na lukot, punit o pagka-luma rito. 'Di ko alam kung anong pinag-gagagawa nila sa name tag nila. Wala namang daga para magmukhang nginatngat. Tch. Di ko din alam kung bakit pati 'yun, prinoproblema ko pa.

Dumiretso na ako sa silya ko. Nakuha ng atensyon ko ang isang lalaki na tahimik na nakaupo sa may gitna. Ngayon ko lang din napansin na kaming dalawa lang ang tao dito. Siya pala yung transferee.

Bigla namang umalingawngaw ang ingay nang pumasok ang tatlong babae. Si Cazy, Fia at Zhania, also known as the Queen of Bitches. Hindi naman sila masasama, sa katunayan, masasayahin sila. Ganito lang 'yun, mabait sila sa mabait at lumalabas ang kanilang mabahong ugali kapag masama ka.

"Oh, Zac! Matulog ka na. 'Di kana babalikan 'nun!" malakas at pabirong saad ni Zhania sa akin, dahilan nang pagtawa ng dalawa. Tinaasan ko siya ng kilay at iniwas na ang paningin sa kanila.

Kahit kailan talaga, ang lakas mang-asar 'nun. Baka pag 'di ako nakapagpigil ay makalimutan kong babae siya ng wala sa oras.

NAISIPAN kong mag-cutting sa next subject ko. Tamad na kung tamad. Gano'n ako eh. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na sa silid. Narinig ko pang sinigawan ako ni Zhania ngunit kinawayan ko na lang siya.

"Where do you think you are going?" masungit at ma-awtoridad na saad ng babae mula sa likuran ko. Nilingon ko naman siya at nakita kong naka-casual itong suot. Halata sa pananamit niya na isa siyang disenteng tao.

"Uuwi?" pa-inosente ngunit may pagka-sarkastiko kong sambit. Narinig ko namang marahas siyang nagpakawala ng hininga. Bigla namang hindi napakali ang kasama niyang babae.

"Anong pangalan niya, Ms. Escalante?" tanong ng disenteng babae sa Values Teacher namin.

"Ah, Ma'am..." masama siyang tinitigan ang babae kaya sinagot ko na lang.

"Zacarius Xie Delavega." pagpapakilala ko habang kumportableng naka-cross arms sa harapan nila.

"Hmm... Delavega." Nakita kong sumingkit ang mga mata niya at pagkaraa'y parang may nalaman siya na nakakagulat.

"Ah... Mr. Delavega, siya yung bagong Principal." nahihiya at bulong na sinabi sa akin ni Ma'am Escalante. Napalunok na lang ako sa aking narinig at hinintay na lamang ang kasunod na sasabihin sa akin. "Siya si Ms. Isabella Z. A---"

"Ay, Ma'am Escalante, I forgot na may meeting pala tayo ngayon. Let's go now?" pagpuputol ni Ms. Isabella. Mabuti naman kung ganun. Matutuloy ang pagtakas ko!

"Ah eh Ma'am..." hindi na natuloy pang magsalita ang guro habang pinanlalakihan ng mga mata.

"Goodbye Mr. Delavega! I will still meet you soon." mapakla na ngumiti ito sa akin. Tumango na lang ako at pinanuod ang kanilang pag-alis. Ilang segundo pa ay umalis na rin ako at tumungo sa dorm ng paaralan.

Pagkarating dito sa dorm ay inihagis ko na lang sa kung saan ang back pack ko at pabagsak na humiga sa kama. Inaantok na naman ako.

Papikit na ako nang may maalala ako. Dali-dali kong kinuha ang laptop ko at binuksan ang facebook. Hahanapin ko lang si Ms. Isabella para ma-add ko siya. Hindi naman sa pagmamayabang at feeling famous, pero halos lahat ng mga teachers sa Enigma School ay friend ko na sa facebook.

"Isabella... ano nga ulit 'yun?" iritadong napakamot ako sa aking ulo. Nakakainis naman oh! Baka di ko pa ma-add 'yun. Nagtipa-tipa na lang ako, at patuloy na naghanap.

"Oh. Eto ba siya?" tanong ko sa sarili ng parang may nakita akong profile niya. Mabuti nang pindutin ko para malaman ko. To see is to believe nga 'di ba?

Nang pipindutin ko na ang profile na yun ay biglang may ibang bumungad sa screen at napindot ko yung answer. "Bwisit!" pabulong kong sigaw.

At sino naman itong epal na 'to? Tutal napindot ko na rin lang, itinapat ko na lang sa kaliwa kong tenga ang phone para malaman kung sino ang nasa kabilang linya...



[A/N: The long wait is over! ^^ thank you editor and readers for waiting!]

Enigma Highschool: Ippai No ConundrumWhere stories live. Discover now