Chapter 2- Kangkong

8.7K 233 4
                                    

Redgie's POV

"Uy Redgie, sama ka samin? Akyat kaming Tagaytay." Tanong ni Ton-ton. Kasama ko sa team.
Palabas na kami sa gym na pinagpapractisan namin.
"Sige. San tayo magkikita-kita?" sagot ko. Huminto ako sa kotse ko.
"Sa Grace Hotel, malapit sa Country Club... Daming chics doon."Tumaas taas ang kilay nito.

Ahhh... yung exclusive for the boys na club.

"Okay sige. Kita tayo... Mga 7pm?" tanong ko.
"Hindi mo ba panonoorin muna ang game ng Ginebra?" tanong nito.
"Wag na. Alam naman natin ang result. Kang-kong." Sagot ko.
"Gago ka, madinig ka ng fan ng Ginebra, babatuhin ka ng bote..." tumatawang umiiling ito.

Tumatawa akong sumakay sa kotse ko.

Pffftttt... kangkong naman talaga.

Nagtext sa akin si Ton-ton ng nasa Tagaytay Rotonda na ako...

Talo ang Ginebra.
-Sent by Ton

Sabi sayo eh. Pumunta ka na dito. Nasa Tagaytay na ako.
-Sent by Redgie

Gago ka talaga. Nagdilang anghel ka.
-Sent by Ton

Hindi ko na sinagot si Ton. Dumeretso na ako sa Grace Hotel.

Maganda ang pagkakatayo ng Grace Hotel. Meron ng 2 tig 7-storey na building na nakatayo. On-going ang pagtatayo nila ng mga villas. Over-looking ito sa Taal at sa hindi ko alam kung paano nila nagawa, merong mga Cherry Blossom na nakatanim sa paligid.

Merong mga mini Community dito... Stores, boutiques, spa, vet clinic, restaurants, bars, photo studio, fast food, 24 hours convenient store at madami pang small stall.

One stop shop kung baga.

Nag-check in ako sa hotel at swerte na meron pang available room sa 7th floor.
Bumaba ako sa Below Negative bar para makapwesto na. Papunta na din naman ang ibang kasama ko.
Yung mga naniwala sa akin na matatalo ang Ginebra... Si Ton, mamaya pa yun.

Sakto, may live band. Bukod sa 90's na kanta ng E-heads at Rivermaya, napansin ko ang vocalist ng banda.

Maputi, medyo matangkad para sa isang babae. Nasa 5'5" siguro siya. Kulay brown ang buhok na medyo magulo na kakagalaw nito sa stage. Mapula ang labi dahil sa lipstick, maputi ang ngipi, madilim ang mata... Matangos ang maliit na ilong nito at napakaganda ng katawan.

Parang mas bagay sa kanyang maging model kaysa singer. Pero para patas lang, maganda ang boses niya. Ano kaya ang pangalan niya?

Habang kumakanta siya ng babaeng kamukha ni Paraluman, dumating na isa-isa ang mga kateam ko.
Yung mga binata lang... hindi na namin maaya ang mga may asawa na. Guardiyado na eh.


Pagkatapos ng session ng banda, bumaba ang mga ito at pinalita ng isang acoustic singer.
Kinawayan ng isang kateam ko ang drummer. Tropa pala sila.

"Musta Baste?" tanong ni Brian. They made their hand shake.
"Kateam ko nga pala..."isa kaming pinakilala ni Brian.
"Ganda ng boses ng singer nyo." Hirit ko. Chance ko na to.

Tumawa si Baste saka si Brian.

"Kalaban yun." Brian replied.
"Ha?" anong kalaban...
"Ginebra fan yun. At wag mong sasabihan ng kangkong kung ayaw mong masapak." Baste replied while laughing.

Tangina kalaban pa... Ano ba meron sa Ginebra?

Last Song (Grace Series Book 1)- CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora