Chapter 5- Unggoy

7.6K 223 13
                                    


Merjie's POV

Antok ako kinabukasan... Kapag dumating sila Ma'am Diane napapadami ang kanta namin eh. Lalo na kapag nakijoin ang mga kaibigan niya sa kantahan. Mini concert ang dating eh.


Si Yumi, 6am pa lang tawag na ng tawag.
Tinono ko lang ang Violin ko, tapos pumunta na ako sa Grace Hotel.

Kailangan ko ng kape...

Pagdating ko sa Grace, inabutan agad ako ng kape ni Yumi.
Ay, bless you girl.

Tinakpan ko na ng sang-katukak na concealer ang eyebugs ko para hndi naman halata.
Buti na lang generic yung mga kanta. Madali lang at familiar kami.


Habang nag-aayos ang caterer at florist, nagpractice muna ako.

Maya-maya pa dadating ang mga kabanda ko. Kapag narindi na sila sa tawag ni Yumi.

Naamoy ko ang mabangong cupcakes... Tiningnan ko s Yumi kung nakatingin sa gawi ko. Nang masiguro kong busy siya sa florist, pumunta ako sa bakeshop ni Bella. Siya ang meron pinakamasarap na cupcakes sa buong Tagaytay... The best... bagay na bagay sa kape ko ang cupcakes niya.

"Bella..." tawag ko ng makapasok ako sa napaka cozy na shop niya.
Nginitian ako ng service crew nya. Kilala na nila ako... nakakasama ko sila sa mga kasal.


"Nasa kitchen po si Ma'am Bella. Pasok na po kayo Ma'am Merjie." Nakangiting sabi ng isa sa crew. Nag-aayos sila ng mga cupcakes sa estante.
Nagbili akong tiran ng ½ dosena. Tumango naman ito.

"Grabe naman cake yan, mataas pa sayo." Nagulat ako ng makapasok ako sa kitchen at makita ang 5 tier na cake na ginagawa nito.
"Finishing na lang. Kanina pa ako inaagad ni Yumi. Pambihirang babae yun, hindi yata natutulog." Sagot ni Bella na abala sa paglalagay ng flower accent sa cake na ginawa niya.
I made face. "Anong oras ka ba ginising?" tanong ko.
Tumayo si Bella at tumingin sa akin. "3am. Kakatulog ko lang nun eh. Tinapos ko pa ang mga cupcakes na paninda ko ngayon. Mukhang nahatak ka na naman ni Yumi. Wala ka bang gig kagabi at buhay na buhay ka ng ganito kaaga?"
"6am naman niya ako tinawagan kaso 7am ko na siya sinagot." Matangkad si Bella. Halos kasing tangkad ni Ma'am Marie Sebastian. Yung isa sa pinaka-mayaman at cool na babaeng kilala ko.
Maganda si Bella, pang beauty queen pa ang lola mo. Ewan ko ba bakit ayaw nitong sumali.

"Ayan tapos na din. Pwede na akong magpahinga." Sabi ni Bella na matapos nitong ilagay ang huling rose petals.
Pure white ang cake tapos bloody red ang accent. Grabe ang ganda ng cake.

Lumabas kami ng kitchen ni Bella. She turned on the air con so her cake will remain beauty until maturn over nya ito kay Yumi. Napansin kong meron ding maliliit na cupcakes na idedecorate nito sa palibot ng higanteng cake.

"Kilala mo ba kung sino ang ikakasal?" tanong kokay Bella ng umupo ito sa table na pinag-iwanan ko ng kape ko.
"Anak ng isang business man. Hindi ko kilala personal. Wala ako ng nag caketasting sila." Sagot ni Bella.
Nagkukwentuhan pa kami ng merong pumasok na customer.

Naningkit ang mata ko ng makita si Redgie Rivero.

"Aba..look who's here. Mukhang naligo ka ngayon Merjie ah, hindi ka mukanggusgusin... at naka formal gown ka pa." pang-aasar nito. I rolled my eyes.Nagpaalam ako kay Bella at binanggit ko ulit ang ½ dosena kong patira nacupcakes.
Hindi ko pinansin si Redgie. Kinuha ko ang violin ko at ang kape na medyomalamig na pero pwede pa.

Kapag ang unggoy pinansin, lalong nagpapapansin.
Dedmahin kita. Wala kang bilang unggoy ka. 

-------A/N

NASA DREAME APP ANG CONTINUATION. 

YOU CAN LOOK ME THERE, SAME NAME AND FOLLOW ME. 


Last Song (Grace Series Book 1)- CompletedWhere stories live. Discover now