Chapter Four

48.3K 519 21
                                    

Nandito ako sa parang picnic table sa school naming sosyal nga eh may mini forest na nagaala twilight o kaya hunger games o kaya vampire diaries yung scenery.. Kaso maraming naglalaplapang estudyante.. Mga tatlo nay ung naiispot-an ko. Kumakain lang ako ng nachos. Ng nakaramdam ako ng maitim na presensya.. Si Elaz.

“Umaano ka dito? Bakit mag-isa ka? Loner ka?” tanong sa akin nung panget. Sabay napatingin siya doon sa direction ng tinitignan ko.. Nakatitig ako sa puno.. Pero medyo lumayo yung tingin niya, natingin siya doon sa naghahalikan. “Bakit naiinggit ka doon sa naghahalikan? Tara gawin natin yung ginawa natin sa party.” Bwiset pilit ko na ngang kinakalimutan yun eh!

“EHHH UMAANO KA BA DITO?!”

“Easy dear.. I’m not here to hunt wild animals with loud mouths.. I’m just here to give you this..” sabay may binigay siya sa akin na nasa isang pa rectangle na leather case.. KYAAAA yung iPad.

“Baka sabihin mo kasi wala akong isang salita. Kaya ayan na iPad ko.” Hindi ko maitago ang mga ngiti ko. Pero honestly nakalimutan ko na tong about sa iPad na to.

“Alam mo ba nakalimutan ko na to.. Buti naalala mong ibigay.. Hahah Thank you Elazul.”

“Welcome sweetie.. I only have one condition for you..” Naku…. Bakit parang ayaw ko ng condition niya.

“Ano ba yun?”

“Wag mong tatanggalin ang mga pictures diyan.. Pagtinanggal mo mga picture ko diyan, babawiin ko sa’yo yan.”

“Okay sabi mo eh.”

“Sige iche-check ko yan once a week ah para malaman ko kung sumusunod ka..”

“Sige ba..” tapos dumaan si silence.. Nakatitig lang siya sa akin ako naman naiilang.. “May dumi ba ako sa mukha? Makatitig ka kasi wagas eh..” tinaasan ko siya ng right eyebrow.

“Wala man lang bang thank you?”

“Thank you.” Sabi ko.. with a big smile..

“Not that..” sabay nagpout pout siya na parang gusto niya ng kiss.

“Ahh kiss.. Sige pikit ka dali..” pumikit naman.. Sabay kumuha ako ng nachos na punong puno ng cheese. Tapos dinikit ko sa labi niya.. “Bye Elazul.” Nilagay ko sa handbag ko yung iPad habang naglalakad ako papalayo sa kanya.

“Oyy andaya mo ahh!” napalingon ako sa kanya pinupunasan niya ng panyo yung cheese. Sabay maya maya sinundan na niya ako.. No hinahabol niya ako.. Tatakbo sana ako kaso nakaheels ako.. Hayaan na ngang maabutan. Wala din naman siyang magagawa kung ayaw ko. Maya maya lang magkasabay na kaming naglalakad papalabas nitong man made mini forest sa loob ng school. “Nasabi ko na ba sayong magnanakaw ako?”

“Magnanakaw ng virginity,” that’s true anyway. Sabay napatitig ssiya sa akin. “May ninanakaw pa ako bukod doon,” sabi niya. “Ano?” tanong ko sa kanya. Sabay hinalikan niya ako. Nabitawan ko yung handbag ko. Sabay nasampal ko siya. “Froglet ka nakakainis ka!” sigaw ko! “Hahaha, bye Abby.” He winks at me then runs away.

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Where stories live. Discover now