Chapter Twelve

35.4K 348 20
                                    

Sa mga readers ko uli ng Mutual Understanding.. Magulong Usapan.. WARNING!! May spoiler uli dito sa mga mangyayari doon.. :))


[Violet’sPOV]


“Anyare doon?” tanong sa akin ni Abby. After all these years hindi pa rin nakakagetover si Elaz kay Thea. Akalain mo yun? Para kaming timang na tatlo naka-titig lang kay Elaz habang naglalakad siya papalayo. Napatingin ako kay Thea, hindi ko maexpalin yung expression niya. Parang naguiguilty na malungkot na ewan. “Akalain mo yun di pa rin nakakaget-over sa’yo si mister playboy,” sabi ko kay Thea. Tumango siya sabay sabi, “Hindi siya sa akin maka get over.. Sa ginawa ko.”


Thea is not really the smartest person alive back in our high school days. Ewan ko lang ngayon, pero dati may pagka-shunga yan, saka magulo ang utak. Actually magkaaway kami nung high school. Imbyerna ako sa mga ginagawa niya kay Elaz, pero ewan nitong college naging friends nalang kami. Naging mag dorm mate kasi kami nung first year. Pero nung second year nalipat siya ng school eh.


So ano ba talaga ang nangyari? Ganito kasi yun.. Si Thea kasi may ka-MU dati na boyfriend niya na ngayon. Si Daniel, or you can call him Dan. Basta napakagulo ng nangyari sa kanila dati. Magulo din kasi ang relationship ni Thea at Dan dati, mag-aaway magbabati, mag-aaway magbabati. One time nagkaroon ng matinding tampuhan si Thea at Dan, at doon pumasok ang dakilang Elaz.


Si Elaz naman, ex siya ni Thea. Matagal tagal din silang dalawa, kaso ang problema maraming hadlang sa relationship nila, isa na ako doon dati. Ang kakampi lang nila si France my love. Tapos si Elaz super tanggol sa relaionship nila ni Thea. Kaso bigla nalang siya nilayuan ni Thea. Nakipag break si Thea ng hindi sila nag-uusap ni Elaz. Yung tipong lumayo lang siya at hindi niya pinansin si Elaz. Ang sakit kaya ng ganun. Kaya imbyerna ako kay Thea dati eh. After a month or two ata, hindi ko na maalala, nalaman nalang ni Elaz na may something na kay Thea at Dan. Pero wala ng pake si Elaz nun, sabi niya, pero halatang meron. After ng week nung break up nila na hindi man napagusapan. Nagbago si Elaz. Ayun puro babae nalang inatupag. Kaya naging ganun si Elaz.


One time, nagkaroon ng chance si Elaz na makipagbalikan kay Thea. Ayun yung time na nagkaaway si Dan at Thea ng medyo matindi. Binigyan ni Thea ng chance si Elaz. Kaso bandang huli.. Umasa lang siya. Kaya ayun bitter pa rin ngayon si Elaz kay Thea.


“Mygaaad ahh di ako makarelate sa inyong dalawa!” sabi ni Abby, “napano ba si Elaz?” Ikinwento ko na sa kanya yung nangyari. Kaya ayun nagets na niya. Wala kasi sa mood magsalita si Thea eh. Kaya ako na nagsalita, deserve naman malaman ni Abby yun kasi may something sa kanila ni Elaz, I can feel it. CHOS!! As in ramdam ko.. Ramdam na ramdam ko, at nananalig ako. Pero dinedeny naman nilang dalawa eh! “Why would you do something like that to Elaz?” sabi ni Abby. Uyy concerned! “Hindi ko alam,” sabi ni Thea, “sinubukan ko siyang kausapin, dahil gusto kong magsorry sa kanya. Kaso,ayaw na niyang makipagusap sa akin talaga.” Sabi ni Thea. “Well we are gonna fix this now.” Hinawakan niya si Thea sa wrist at hinigit niya papalabas ng mall. Siyempre sunod naman ako sa kanila.


[Elaz’s POV]


Bwiset naman, sa dinami dmi ng pwedeng makita bakit siya pa? Nakakainis lang eh! Balik ako sa apartment ko, at nahiga ako sa kama sabay takip ng unan sa mukha. Nakakainis, nakakainis talaga! Nabura na nga siya sa utak ko eh! Nabura na siya sa buhay ko, ngayon lumitaw nanaman siya! ARGH! Hindi ako mapakali kaya ayun napaupo ako mula sa pagkakahiga. Then napalingon ako sa aparador na malaki sa kanan ko may drawer kasi sa ilalim nun. Binuksan ko yun at nakita ko dun yung picture naming dalawa ni Thea, nasa frame pa yun. Tinitigan ko lang yun.

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Where stories live. Discover now