One

7 0 0
                                    



A/N: click the video for more feels. thanks!



----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Takbo.


Lakad.


Takbo.


Andito na naman ako. Pang ilang beses ko na ba napuntahan ang lugar na to? Isa? Dalawa? Hindi. maraming beses na. paulit ulit. pula na naman ang langit. Malayang lumilipad ang mga ibon habang ang mga dahon ay sumasabay sa hampas ng hangin. I smiled. I looked at the sky.


Buti pa sa lugar na ito, nahahanap ko ang katahimikan. Sa mundong ginagalawan ko ngayon, sino ba naman ang aayaw sa ganitong pagkakataon? Everything is peaceful. Serene. I feel at peace.


I always wondered about the depths of the unknown. Palagi kong iniisip kung ano nga ba talaga ang misyong ibinigay sa akin sa mundong to? Sa mga pagkakataong andito ako, lagi yang pumapasok sa utak ko. Nakakapagtaka. Sa labingsiyam na taon kong ginugol sa mundong ito, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang sagot, maliban nalang sa panaginip nato na halos 2 taon ng bumabagabag sa akin.


Biglang dumilim ang langit. Kasabay ang malakas na dagundong ng kulog at kidlat.




Andito na siya.



Takbo.


Takbo.


Takbo.


Wag kang hihinto. Wag kang huminto.


Takbo


Takbo



Lakad


Lakad


At sa unang pagkakataon sa dalawang taong paulit ulit na napapanaginipan ko ang tagpong ito, lumingon ako...







"Eura!" napamulagat ako sa pagkakatulog. Napahilamos ako sa sariling mukha. ano ba Eura.

Unraveling  MartinezWhere stories live. Discover now