Two

3 0 0
                                    



Ibinagok ko nang paulit-ulit ang ulo ko sa lamesa. Nandito kami sa library at kanina pa ako natutulala dahil naalala ko na naman ang damuhong may hawak ng wallet ko. Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa inis! Ano ba namang buhay to! Nagpa-promo ba nang kamalasan at sa sobrang ganid ko ay inako ko lahat?! Naaawang pinagmasdan ako ni Amythyst habang subo subo ang lollipop niya. I sighed again. paano na to ngayon?! Nandoon ang allowance ko para sa dalawang linggo! Paano na ako neto ngayon?!


"Girl, maawa ka naman sa lamesa, bugbog sarado na eh.." napailing nalang ako sa tinuran ni Amythyst. Mas nag-aalala pa siya sa mesa kesa sa ulo ko?! I sighed again.


" sinabi ko naman na kasi diba? Ako muna bahala sa pera na gagastusin mo hanggang maibalik sa iyo ang wallet mo. Okay? Kaya wag ka ng mag-alala hmm?" napangiti ako. Kahit ganyan naman ka-krung krung si Amythyst, mahal naman niya ako. Nahihiya na nga ako eh. sa dami ba naman ng utang ko sa kanya. Hindi ko pa nga nababayaran ang ibang utang ko, madadagdagan na naman.


"salamat talaga Thyst ha? H-hayaan mo, magbabayad talaga ako pag nakaluwag luwag na promise.." Amythyst rolled her eyes heavenwards. " ano ka ba naman girl. Wag mo na problemahin yun. Unatin naman natin kahit kaonti ang credit card ko okay? Kalma beh.." she said at napalabi na lamang ako.


Mayaman kasi sina Amythyst. May-ari ng isang jewelry shop ang mama niya habang ang kanyang Daddy naman ay may Cruise ship. Kapitan ng barko ang tatay kaya halos hindi sila magkita kaya ang mama niya lang ang palagi niyang kasama. She doesn't mind though. Matagal na rin namang hiwalay ang mga magulang niya pero maayos naman ang relasyon ng mga ito.


Contrary to popular belief, hindi umalma si Amythyst noong nagdesisyon ang mga magulang niyang mag-divorce even if she was still thirteen that time. Noong tinanong ko siya kung bakit, she said: " to have a happy family, both of them should be happy together so that I will also be happy. Pero dahil hindi na sila masaya at ayaw kong maging madamot, hindi ko na pinilit. Pag mahal mo, kahit gaano kasakit, palalayain mo. Because true love is selfless. And I chose to be one."


Oh diba. Taray lang ng lola niyo.


I smiled at my bestfriend. ni minsan hindi pinaramdam sa akin ni Amythyst na nakakahigt siya sa akin. I never got jealous of what she has too. Parehas naman kasi kaming may mga pagkukulang. Kami, wala kaming pera pero kumpleto naman ang pamilya namin. Siya, hindi naman kumpleto ang pamilya, pero biniyayaan siya ng magandang ugali at matatag na prinsipyo. We never saw our weaknesses as a disadvantage. Bagkus, naging daan pa ito para maging close kami. She adored my family, while me, I adored her strength and values as a person.


Marami ngang naiinis sa akin dati dahil akala nila ay nakipag lapit ako kay Thyst para sa pera niya. umabot pa nga sa point na nilayuan ko siya para hindi na siya maabala pa. pero iniyakan niya ako at hinampas ng paulit ulit habang sinasabing: "mag bestfriends tayo! Ang pera ko ay gagastusin ko kung kailan ko gusto! Paki ba nila kung sayo ko wawaldasin yon? Kaya wag kang choosy and stay being my friend!"


Kumunot ang noo ko at umiling-iling sa kanya. " kahit pa. wag mo akong sinasanay Amythyst. Babayaran ko yon kahit anong mangyari okay?". she just gave me an okay sign.

Unraveling  MartinezWhere stories live. Discover now