Chapter 20: Peace Offering?

116K 2.4K 49
                                    

Chapter 20

Third Person's POV:

Abala si Amara sa panonood nang kanyang paboritong palabas sa telebisyon, habang kumakain ng ice cream. Nang biglang marinig niyang may nag-doorbell sa kanyang condo unit.

"Sino kaya 'yon, hindi naman ako nagpadeliver ahh." kunot noong tanong ng dalaga sa kanyang sarili, dahil wala naman siyang natatandaan na um-order siya ng kahit ano online.

Naglakad ang dalaga papunta sa pintuan at nang buksan niya ito, nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Tyron pala ang bumisita sa kanya. Sandali siyang natulala rito, ngunit kalaunan ay nakabawi naman agad ang dalaga sa pagkaka-gulat at sabay sabi nang,

"Oh! anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito at paano mo nalaman ang condo ko?" mataray na saad ni Amara saka tinaasan ng kilay ang binata.

Hindi naman agad nakapagsalita si Tyron, dahil natulala siya sa ayos ng dalaga. Naka-suot kasi ito ngayon nang isang white hanging sleeveless at short maong shorts. Napansin pa ng binata ang hikaw sa pusod ni Amara, na dahilan para lalo itong matulala.

Photo CTTO

Rumehistro naman sa mga labi ng dalaga ang isang mapang-asar na ngiti, dahil sa itsura ni Tyron na tulala sa kanyang harapan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Rumehistro naman sa mga labi ng dalaga ang isang mapang-asar na ngiti, dahil sa itsura ni Tyron na tulala sa kanyang harapan.

"Enjoying the view, Babe?" pang-aasar niya rito, ngunit hindi pa rin natinag si Tyron sa pagkatulala nito.

Nakatulala pa rin ang binata, para itong walang naririnig kaya naman muling nagsalita si Amara,

"Tsss... Bahala ka nga diyan!" pagtataray niya rito at akmang isasara na ng dalaga ang pinto, bigla namang nagsalita si Tyron.

"W-wait! Amara!" saad nito saka hinarang ang kanyang braso sa pinto.

Huminto naman ang dalaga at saka hinalukipkip ang mga braso, na parang naghihintay ng sasabihin ng binata.

"Ano kasi Amara..." sabay hawak sa batok na parang nahihiya.

"Ano ba kasing sasabihin mo?" walang ganang sambit ng dalaga rito.

"Can I invite you out for lunch?" nahihiyang usal ni Tyron habang hindi makatingin ng diretso kay Amara.

"Okay!" mabilis naman nasagot ng dalaga, dahilan para matuwa ang gwapong mukha ni Tyron.

"Really?" biglang nagningning ang mga mata ng binata, dahil sa pagpayag n'yang iyon.

"Oo nga, please come in..." at niluwagan ni Amara ang bukas nang pinto sabay lakad papuntang sala. "Have a sit, do you want something to drink?" pagtatanong nito nang balingan ang binata na papaupo.

Crush at First Sight ✔️ (Published) Where stories live. Discover now