Chapter 34: Heartaches <\3

100K 2.2K 75
                                    

Chapter 34

Kinagabihan, nagpunta si Tyron sa restaurant sa loob ng resort dahil may usapan sila ng mga kaibigan na roon na lang magsabay-sabay na magdinner. Natanaw naman agad ng binata ang kanyang mga kaibigan sa di kalayuan.

Nang lumapit siya rito ay mabilis niyang napansin na wala si Amara roon, kaya naman mabilis niyang binalingan si Cindy.

"Cindy where's Amara, hindi ba siya kakain?" nag-aalalang sambit ni Tyron, dahil simula nang maghiwalay sila nito kanina sa tabing dagat ay hindi na niya nasilayang muli ang dalaga.

"Nope, wala daw siyang gana kumain eh." kibit balikat na sagot naman ng dalaga.

"Is it okay if I borrow your key card sa room niyo? I just want to see here."

"Okay, no problem." at iniabot ni Cindy ang susi sa binata.

Mabilis namang tinungo ni Tyron ang elevator at pinuntahan ang kwarto ng mga babae. Nang bukasan niya ang pintuan, ay isang madilim at katahimikan ang bumungad sa kanya dahil nakapatay lahat ng ilaw sa loob. Binuksan niya naman agad ito at nakita ang dalaga na nakatalukbong ng kumot.

"Babe..." malambing na tawag ni Tyron nang malapitan kang hinihigaan ng dalaga.

Hindi naman sumagot si Amara, kaya't dahan-dahan niyang tinanggal ang kumot na nakatabing sa kanyang kasintahan. Nang maialis ang kumot ay nakita niya si Amara na mahimbing na natutulog.

Hinawi ni Tyron ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa magandang mukha ng dalaga. Halata ang mugtong mga mata nito dahil sa pag-iyak.

Nakaramdam sya ng awa sa nobya, kaya nasabi niya ang mga katagang, "Di mo dapat siya sinaktan, Tyron." malungkot na turan nito sa kanyang sarili. Hinaplos niya ang pisngi ni Amara, na siyang dahilan sa paggising nito.

Nangunot ang noo ni Amara nang makita ang nakaupong imahe ni Tyron sa kanilang silid, "Anong ginagawa mo dito?" paos na saad nito at halata mo pa rin ang inis sa boses ng dalaga.

"Babe..." sabay hawak ng kamay nito. "I'm so sorry if I lied to you." panimula ni Tyron

Hindi naman sumagot si Amara at tiningnan lang niya ito ng blangko ang ekspresyon.

"I lied to you about Cassie, I told you she's just a friend, but the truth is," he took a deep breath first. "She was my ex-girlfriend."

"I knew it! God! I knew my instinct won't fail me." nanggagalaiting anas ni Amara rito.

"Yes, so I'm really sorry for not telling you the truth." nakayukong sabi ni Tyron at makikita mo ang pagsisisi sa kanyang nagawang paglihim sa dalaga.

Hinawakan naman ni Amara ang pisngi nito, dahilan para mataman siyang tingnan ng binata.

"Sorry din babe, kung hindi kita hinayaang magpaliwanag, pero sana hindi mo ako niloloko kasi hindi ko alam ang magagawa ko kapag nagkataon." makahulugang sambit niya rito dahilan para sandaling matigilan si Tyron.

"Babe hindi po kita niloloko, I admit ex girlfriend ko si Cassie," hinalikan muna ni Tyron ang kamay ni Amara. "She cheated on me that's why I broke up with her. I ended up our relationship when I got here sa Pinas. So you see, there's nothing going on between me and Cassie. Ipinaliwanag ko na sa kanya na ikaw ang mahal ko ay friendship na lang ang mao-offer ko sa kanya." mahabang paliwanag ng binata habang hinahaplos ang pisngi ng kanyang kasintahan.

Tahimik lang si Amara at hindi nagsasalita, kaya naman mabilis siyang tinanong ni Tyron nang, "So, are we good babe?"

"Yes, we're good, but can I ask you something?"

Crush at First Sight ✔️ (Published) Where stories live. Discover now