Chapter 29: Focus on Stage

13K 390 152
                                    

A/N: Sorry po kung ngayon lang ako naka pag update. Ang dami ko kasing ginawa.😂

Anyway, ito na po ang update. Ayoko na pong mag demand sa inyo. Hahaha! Pero I need your votes and comments pa rin po. Hehe! Enjoy😘






🔹🔸🔹🔸

TIMMY ALLISON POV.

"Bwisit! Bakit niyo ba ko sinama-sama dito? Anong gagawin ko dito? Mag papaka lasing?" Ewan ko ba kung ilang ulit nang sinabi yun ni Patricia at kung ilang beses na rin siyang sinagot ni Lucas ng..............

"Para makita mo na mas maganda tong resto namin sa cafe mo. Hahaha!"

"Ah talaga ba? Bakit madalas kayo dun kung mas maganda naman pala tong lasingan place niyo."

"Hoy! Hindi porket resto bar to eh pag lalasing na rin ang gagawin mo dito. Napakahina mo talagang mag-isip. At para ipaalam ko sayo, simula bukas, hindi na kami pupunta sa cafe mo. Baka mamaya niyan gayumahin mo pa kami."

"HA! HA! HA! Feeling mo talaga ang gwapo-gwapo mo eh no?! Mga bwisit! Makapag cr nga muna!" Padabog na tumayo si Patricia saka nag tungong cr.



Natawa na lang kami. Parang ibang-iba na talaga tong si Patricia dun sa Patricia na palagi akong binubully. Nakakapanibago man, pero mas okay na rin to. Keysa naman araw-araw akong masampal niya at hilain ang buhok ko na sobrang ikasasakit na naman ng anit ko.

Ah oo nga pala, andito kami ngayon sa resto bar nina Troye. Sa susunod na lang daw yung lakad naming dalawa ni Troye dahil akmang aalis na sana kaming dalawa kanina ng pigilan kami nina Lucas at pilit na isinama rin dito. Pumayag na rin naman ako dahil matagal na kong hindi nakaka punta dito. Ganun din naman daw kuno sina Troye dahil na busy sila sa mga school works.

"Baby." Napalingon naman ako kay Troye na kanina pa sa may gilid ng pwesto namin at abala sa pag gigitara.

"Bakit?" Masigla kong tugon sa kanya sabay lapit pa ng konti sa kanya.

"Sakin ka lang mag focus mamaya ha." Naka ngiti niyang sabi pero halatang seryoso.

"Bakit? Anong meron mamaya?" Naka ngiti ko ring tanong.

"May sobrang gwapo kasing kakanta jan sa stage mamaya. Gusto ko sakin lang ang buong atensyon mo." Napa tawa naman ako sa sobrang kilig.

"Syempre naman no. Tsaka isa pa, ikaw lang ang pinaka sa pinaka at sobra pa sa sobra ang ka'gwapohan kaya sayo lang ang buong atensyon ko." Natawa siya saka tinap ang ulo ko.

"That's my girl." He said sabay nag wink pa kaya napa kagat ako sa lower lip ko para maiwasang mapatili sa sobrang kilig.

"Yeah. Im your girl." Natatawa kong sabi ng makabawi na ko sa sobrang kakiligan

"And?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

Emeged! Ang sexy niya.

"A-and.............y-your baby?" Di talaga ako sure kung tama ba ang sinabi ko.

Natawa si Troye sa sinabi ko kasabay nun ang pag lapag niya sa gitara sa mesa.

"Come with me." Hinila niya na ko patayo bago pa man maka react ang mga kasama namin at maski ako.

Umakyat kami sa second floor ng resto bar nila. I think patungo kami sa office nila.

At tama nga ako. Sa office niya nga ako dinala. Eh? Ano naman gagawin namin dito?

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Where stories live. Discover now