Chapter 2: 1 month but It's 4 months

19.7K 553 44
                                    

TIMMY ALLISON POV.

"Oh my god! Tim namumula yang pisnge mo."

"Huh? Totoo?" Agad kong kinuha yung cellphone ko para tingnan kong totoo ba yung sinasabi ni Kathlyn.

"Gaga! Wag cellphone yung gamitin mo. Ito oh." Agad niyang inabot sakin yung maliit na salamin.

Hala? Namumula nga. Grabe naman kasi yung sampal sakin ni Patricia. Kala mo ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

Nang matapos na kong mag bihis dahil nga sa na dumihan yung skirt ko kanina, nag punta na agad kami ni Kathlyn dito library. Gusto kong mag tambay dito tuwing breaktime. Walang ingay. Di katulad sa canteen na punong-puno ng mga estudyante at puro chismisan lang. Paano kami kakain eh bawal naman sa library yung pagkain? Simple lang. Nakatago sa bag namin yung pagkain namin. HAHAHA!

Katulad na lang ngayon, wala namang katao-tao ngayon dito sa library, kaya labas pasok sa bag ko tong burger na to.

"Omy! Nakita mo na ba to Tim?" Agad kong sinulyapan yung cellphone ni Kathlyn.

Tss! Ako na naman pala tong headline ng mga estudyante. Di ba sila nag sasawa na ako na lang palagi yung topic nila?

"Hayaan mo na Kath. Sanay na ko." Mahina kong sabi sabay kagat na naman dito sa burger kong labas pasok sa bag ko. Hehe.

"Yan. Yan palagi ang rason mo. Sanay ka na. Nakaka loka ka talaga Tim ha." Napatawa na lang ako.

Bigla namang dumating si Troye kasama sina Lucas at Reid.

"Kumain na ba kayo?" Tanong agad ni Lucas.

Hmm! Mukhang di pa siya kumakain ah? Naka busangot kasi.

"Ito oh. Patagong kumakain." Natatawa kong sabi sabay pakita sa kanila yung pagkain na nasa bag ko.

Bigla namang nag ningning yung mga mata ni Lucas saka lumapit sakin.

"Ikaw talaga pinsan, oh! Dapat sinabi mo agad na may baon ka pa lang pagkain." Agad niyang kinuha yung fries na bff bundle ang size sa bag ko. Kinuha niya na rin yung C2 ko.

"Teka Lucas! Pagkain ko yan." Naka pout kong sabi.

"Ito naman oh. Parang di tayo magka pamilya ah?" Kunwari nag tatampo pa siya.

"Mukha mo. Umayos ka nga Lucas. Minsan kasi mag baon ka ng pagkain kung di naman pala kayo kakain sa canteen." Medyo pa rinig ko na rin yun kay Troye na katabi ko at tahimik lang habang binabasa yung book na binabasa ko kanina.

"Bigla kasing nag ingay na naman yung mga nakaka iritang mga babae ng dumating kami dun sa canteen. Kaya itong si Troye na bwisit agad so ayun, nag walk out. Sumunod na lang kami. Hehe!" Natatawang sabi ni Lucas na abala na rin sa pagkain.

"Mukhang malakas talaga sumampal si Patricia ah?" Agad kong sinamaan ng tingin si Reid dahil bigla na lang siyang na tawa.

"Matigas kasi kamay niya." Pagsisinungaling ko. Ang totoo kasi sobrang lakas nga niya manampal.

"Ingay niyo." Napatingin kaming apat kay Troye na naka kunot na ang noo pero nasa libro pa rin ang tingin niya.

"Ang kj mo talaga. Makisali ka na lang kasi." Natatawa kong sabi. Tinaasan niya lang ako ng kaliwang kilay.

"Ikaw tong sobrang ingay. Library to kaya bawasan mo ang kadaldalan mo." Halos mapa kurot na lang ako sa hita ko. Kahit ganung salita lang yun nasasaktan pa rin ako. Gustong kong sabihin sa kanya na bawasan niya naman yung pagiging masungit at harsh niya mag salita kasi nasasaktan rin ako. Kaso natatakot akong mag salita baka yun ang gamitin niyang dahilan para hiwalayan ako.
Ayoko siyang mawala sakin. Mahal na mahal ko siya.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon