one

184 10 0
                                    

Yoona

Nakaramdam ako ng may tumapik sa pisngi ko kaya napamulat ako.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko para maaninag kung sino ang tumapik saakin.

"Nandito na tayo nak." nakangiting ani Eomma, napatango naman ako at inayos ang sarili ko bago bumaba ng kotse.

Halos mapanganga ako sa nakita ko habang bitbit ko ang aking gamit. Isang regular na bahay na parang nasa gitna ng gubat.

Napatingin naman ako kay Eomma at Appa, "Seriously?" tanong ko. Nakangiti naman silang tumango.

Napairap naman ako at naglakad na papasok sa bagong bahay namin. Sigh.

Wala naman akong magawa eh. Kahit na magsungit at makipagtalo pa ako kila Eomma, sila at sila padin ang mananalo sa huli.

Nilibot ko ng tingin ang bahay habang nakatayo sa main entrance. Ang dumi, ang daming alikabok dito.

Maglalakad na sana ako ng may dumaan na daga, "Uwaaaah! Eommaaaa! Appaaaa!" sigaw ko at napakapit kay Appa na nasa gilid ko.

Narinig ko naman na napatawa mg mahina si Appa at Eomma kaya masama ko silang tinignan.

"Nasaan ang kwarto ko?" walang emosyong tanong ko.

"Nasa taas, second to the last door." sabi ni Appa kaya tumango ako at binitbit ang bag ko't pumunta na sa kwarto.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto na simabi ni Appa, at the second time napanganga ulit ako.

Sino namang hindi diba? Walang kama, cr, o kundi isang upuan man lang. Ang dami pang alikabok, and I see some cockroaches in the walls. Kadiri diba?

Napa-irap naman ako at binaba ang bag ko. Padabog akong bumaba kung nasaan sila Eomma.

"Gutom na ako Eomma, Appa." napatingin naman saakin sila Eomma at napabuntong hininga.

"Sige na magbihis ka na. Magreready pa ako ng dinner natin." sabi ni Eomma.

"Ihh Eomma! Paano ako makabihis eh ang dumi dumi sa kwarto ko! Atsaka isa pa, walang cr dun!" reklamo ko.

"Edi dun ka sa CR namin magbihis." napa-irap naman ako at padabog na pumunta sa taas.

Ang daya, sila Eomma may cr samantalang ako wala? Hmp.

Pagbukas ko ng pintuan ay pareho din naman sa kwarto ko. Madumi pa din. Dumiretso na ako sa isang pinto roon.

Pagkabukas ko ay isang palanggana lamang amg bumungad saakin. May laman naman itong tubig at tabo. Madumi padin.

Magbibihis na sana ako ng may maalala ako. Hindi pa pala ako nakakuha ng damit ko.

Maglalakad na sana ako ng may daga nanamang dumaan.

"Uwaaaah! 'Yoko naaaa! Huhuhu!"

***

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan kong magpahangin sa labas.

Maganda naman sa labas eh, ang loob lang ang hindi. Habang naglalakad ako ay may punong nakakuha ng atensyon ko.

Ang puno na iyon ay maraming nakapalibot na dried leaves. Ang ganda laaang!

Naglakad ako patungo don at tinignan ng maigi ang puno. Tinapakan ko ang dry leaves at tumatalon-talon don.

Eh sa gusto ko eh! Napahinto naman ako ng may narinig akong sigaw galing sa puno.

"Aray ko!" huh? May tao?

Eh sa pagkakaalam ko nasa isang bukid ito at parang nakatago. Sinimulan kong hanapin iyong taong sumigaw.

"Hello? May tao po ba dyan?" sigaw ko.

Habang naglalakad ako palapit sa puno ay nilingon ko ang likod ko, baka sakaling may tao dun.

Binaling ko ang tingin ko sa haraoan at nagulat ng may nabunggo ako.

"What are you doing here?"

***

elf | vyoonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang