Chapter 5:Bloody Surprise

209 10 2
                                    

Nathalia's POV

Habang naglalakad ako sa university na ito,hindi parin mawala sa isipan ko kung bakit big deal parin sa mga students dito ang pag black out  kagabi.Hanggang ngayon usap-usapan parin ito. May naririnig akong,Sino kaya?Nagsimula na

Anong sino kaya?

Anong nagsimula na?

Dahil sa curiosity ko nagtanong ako kay Jessica pero hindi niya daw masasabi sa akin dahil wala siya sa posisyon.Sabi niya kung gusto kong malaman dapat ang presidente nang school ang kausapin ko.

Andito kami ngayon sa history class namin tinatawag kami for checking of attendance. "Lester Montello"

"Present"_Lester

"Gasper Montes "Sabi niya pero walang sumasagot.Tumitingin-tingin naman ang teacher namin sa paligid habang ang mga kaklase namin ay hindi mapaliwanag ang mga mukha

"Ok. lets move on "at pinagpatuloy lang niya ang kanyang ginagawa.


Lunch Break na.I need to find that Jake Dela Vuega.Habang hinahanap  ko siya napadako ang tingin ko sa isang taong kasama ang apat na lalaki at nagtatawanan.Wala na akong pakialam, Pinuntahan ko sila at tila nagulat sila sa presensya ko at tumigil sa pagtatawan

"May I excuse Mr. Dela  Vuega for  a while?"tanong ko

"What for? "Nakakunot noong tanong niya

"I just wanted to ask you  something "dere-deretso kong sagot

Third Person's POV

Nakatayo siya ngayon sa harap nang naghihingalong lalaki na nakaupo sa silya na maraming sariwang sugat

"Iligay mo ang kamay mo sa ibabaw nang mesa"utos niya rito

"No...p-please"pagmamakaawa nang binata

"Ilalagay mo,O ako mismo ang gagawa para sayo."Dahil sa takot nito kusa niya nalang nilagay ang kamay niya dito

"Good"nakangiting sambit nito.Ang gusto niya ay sila mismo ang gumagawa sa mga.sinasabi  nito "Laro tayo .Isang  tanong , isang sagot .Pag mali isang durog sabay labas nang martilyo sa kabilang kamay nito"

Nathalia's POV

Nagkatinginan muna silang magkakaibigan.Magsasalita na sana si Mr. President nang biglang may sumigaw nang panagalan ko.

"NATHALIA!!!"agad ko namang nakita si Tyna na tumatakbo papunta sa dereksiyon ko.Pawis na pawis na nakalagay ang kamay sa tuhod habang malalim ang paghinga

"Oh,bakit?"Tanong ko

"Kailangan mo,akong samahan,Andito ka,lang pala"hirap sa paghingang  sambit niya

"Saan?"tanong ko

"Here—"sabay abot nang itim na papel sa akin. Tinignan ko naman iyon "—Nanalo ako dyan.Until 12noon lang ya—"

"WHERE THE HELL DID YOU GET THIS?!!! "hindi na natapos ni Tyna ang sinasabi niya dahil biglang hinablot ni Jake ang papel

"S-sa school ground "tila takot na sambit ni Tyna.

"Bakit ba ganyan na lang ang reaction mo?kahapon hinila mo ako basta-basta dun tapos ngayon nagagalit ka naman nang nanalo si Tyna?Bakit ayaw niyo bang may maglaro dun?  "Asik ko

"Oo .Ayaw naming may manalo dun dahil hindi iyong normal na laro!"bakit ba galit siya?Agad naman siyang tumakbo sa school ground. Nagmamadali naman siyang sinundan nang apat.Dahil sa curiosity ko, sumunod din ako.

Pagkarating naming dun napunta naman and atensiyon ko ibang estudyante na nakapalibot sa isang bagay

Lumapit ako dun at nakipagsiksikan.Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.Isang lalaki na nakadapa.Habang madaming paso sa katawan.Durog ang mga daliri sa kamay na parang dinurog nang matigas na bagay "

"Y-yung sulat"agad naman akong napatingin kay Tyna dahil sa sinabi niya habang nakatingin sa lalaki

Tinignan ko naman iyon.Lumaki ang mata ko dahil sa nakita ko 'S-13-1'  yan kanina ang nagkasulat sa papel di ako nagkakamali.Nagkaukit ito sa likod niya gamit ang isang matalim na bagay.Hindi ko siya mamukhaan pero pamilyar siya.

"Gasper Montes"agad naman akong napatingin sa gilid ko dahil sa sinabi niya.Si Jake pala, kanina pa siya dito?

Ibinalik ko naman ang tingin ko sa lalaking yun.Nakaramdam ako nang takot dahil sa nakita ko

Bloody University

***

Author's Note:

Hi guys!,sana nagustuhan niyo ang chapter na ito.Sorry lame nang update pero babawi ako sa susunod.

Wattpad:@Black_Felescity

Twitter:@reynathena_096

Instagram:@reynathena_096

Bloody University [The First Blood]ON-GOINGWhere stories live. Discover now