Chapter 15:Traitor

208 9 5
                                    

Tyna's POV

Sana naman okay na si Nathalia! Yung babae kasing yun eh. San ba siya pinaglihi ng nanay niya at may lakas pa siya ng loob na magpakalat-kalat kahit saang parte ng campus ,buti nalang nandun si Jake.

"You love her that much? "Napatingin naman ako kay Jacob sa gilid ko.Andito kami sa garden nag mumuni muni. He's the one who informed me about what happened.

"Huh? "

"I mean Nathalia ,You love her? She's so lucky"sabi niya at nag half smile

"Tss... Yeah, bestfriend ko yun eh. Syempre mahal ko! "Buong pagmamalaking sagot ko

"I am wondering ...."napatingin naman ako sa kanya habang deretso lang ang kanyang mga tingin sa mga bulaklak sa garden. Nakaramdam naman ako ng hiya nang  bigla niyang ibinaling ang mga tingin  niya sa akin, kaya bigla ko ring iniwas ang mga mata ko na ikinatawa niya.

"A-ano.. Yung...ipinagtataka mo? "Tanong ko habang hindi tumitingin sa kanya.

"Kung paano magmahal ang isang katulad mo? Mararamdaman ko rin Kaya yun? "Bigla naman akong napatingin sa kanya niya

"A-anong sabi mo? "

"What I mean is, masarap bang maging kaibigan ka? "

"Ah, heh... Oo naman pwede naman tayong maging friends eh"Mabuti na yung malinaw, si Jacob kasi eh

Tumahimik  ulit kami at hindi nagkikibuan. Tanging ihip nang hangin lang ang naririnig namin. Para bang may anghel na dumaan

"Jacob? "Tawag ko

"Yes"

"Alam mo kung masyadong mababaw lang akong mag-isip ,iisipin ko may crush ka sa akin"ano ba tong mga pinag sasabi ko

"H-hah? "Halatang nagulat naman siya sa sinabi ko at namumula ang magkabilang tenga. Hala!

"Wala, wag mo nang isipin yun. I'm just kidding"sabi ko at tumawa, napangiti naman siya

"Ah Tyna, Gusto mong sumama? "Tanong niya sa akin

"Saan naman? "

"Wala lang mag-iikot ikot lang "

"Sige ba, wait lang"tumayo siya kaya tumayo rin ako at pinagpagan ang pwetan ko

"Dito ka lang muna ah, aalis lang ako saglit may kukunin lang ako? "Tumango naman ako


















Ilang  minuto na akong naghihinatay diyo pero bakit wala pang Jacob ang nagpapakita. Speaking of....

"Saan ba tayo pupunta? "Sabi ko nang dumating siya

"Mamasyal lang"sinpleng sagot niya.sumunod naman ako sa kanya.


Habang papatagal ay  nagtataka na ako sa dereksyon na tinatahak namin ni Jacob,Bakit habang tumatagal ay lalong nalalayo kami sa  paaralan.

"Jacob, sigurado ka ba sa dinadaanan natin? "Tanong ko

"Oo naman"sabi niya at binigyan ako nang ngiti na para bang sigurado talaga siya. Kanina ko pa napapansin bakit parang iba na yung aura ni Jacob?

Naalarma naman ako dahil masyado ng nakakatakot ang paligid. Palayo na talaga kami nang palayo eh

"Jacob... Bumalik na lang kaya tayo"sabi ko na hindi maitago ang kaba sa boses ko

"Paano kung ayoko"hindi naman ako makapaniwalang tinignan siya

"Jacob... Hindi na ako natutuwa "may bantang pagkakasabi niya



"Sa tingin mo ako natutuwa"nanginig naman ako nang tumawa siya nang mala demonyo at binigyan ako nang matalas na tingin


"Jacob  ano ba! Alam kong joker ka pero sabihin mong joke lang toh! Kasi Hindi na ako natutuwa! "Parang maiiyak na sabi ko

"Hindi ako marunong mag joke Tyna, hindi ako ang Jacob na nakilala mo"sabi niya at tumawa na naman

"What do you mean... Lahat nang ipinakita mong yun  ay balat-kayo lang? "Hindi makapaniwalang tanong ko

Ngumisi naman siya

"You see Tyna, I used to do that.....everytime "napaawang naman ang bibig ko at umiling

"Imposible! Akala ko mabait ka! "

"Hindi lahat nang bagay o tao na nakikita at nakakaharap  natin ay totoo Tyna! Isipin mong may Peke! "

"Damn you"hindi na ako nag aksaya nang panahon at tumakbo

"Run! Hhaha! Tyna Run! "Rinig kung sigaw niya habang tumatawa. Baliw na siya!

"Ahhh! "Napasigaw naman ako nang bigla siyang nahulog sa harapan ko.

"Tsk! Kupad mo"sabi niya at umiling iling

"Leave me alone! "Sigaw ko at umiyak

"Gusto kong pahidin ang mga luha mo pero anong magagawa ko, minsan narin akong umiyak. Kaya ang masasabi ko ,normal lang yan"

"Fvck you! "Seryoso naman ang mukha niya pero bigla rin iyong napalitan nang ngisi

"I don't give a damn, Say good bye for being an angel and say hello to hell! "Sabi niya at naramdaman ko nalang ang sakit nang  may pumalo nang ulo ko mula sa likod

"Dami mong sat-sat, inunahan nalang kita"rinig kong boses ng babae bago ako mawalan nang malay.....

***

Unedited  Chapter

Bloody University [The First Blood]ON-GOINGWhere stories live. Discover now