ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴏ

989 51 143
                                    

ᴜɴᴇxᴘᴇᴄᴛᴇᴅ ᴀᴄᴄɪᴅᴇɴᴛ


Nang makarating kami sa Hotel restaurant ay agad kaming dumalo kay Dad na masayang nakikipag kwentuhan sa lalaking kasing edad nya.

"Hello Dad! I miss you!" agad ko syang hinagkan sa pisngi at niyakap, "Where's Mom?"

"Nasa kwarto nya pa pero nandito na yun within a minute" nakangiting aniya, "Hailey this is Mr. Benitez. One of our investors and Mr. Benitez this our one and only princess, Hailey Flare" pagpapakilala ni Dad sa akin rito.

"Good evening, Sir. Have a nice and great dinner" ngumiti ako at nagpaalam kay Dad na pupunta na ako sa table namin.

"Di pa ba babalik si Daddy sa table natin?" inip na sabi ni Harvey, "I'm hungry"

"Babalik na rin kinakausap lang yung isa sa mga investors sa kumpanya" saad ko.

"Wine, Ma'am and Sir?"

Ngumiti ako, "Thanks"

"Where's Klev, Hailey?" kunot noong tanong ni Harley sa akin.

"Ayun Kuya doon na daw sya tutuloy sa bahay ng kaibigan nya dahil sinapak lang naman sya ni Ate" sabat ni Harvey kaya pinandilatan ko sya ng mata at sinipa sa paa sa ilalim ng mesa, "Aray Ate!"

"Hailey"

Napanguso ako, "Oo na. Behave na"

Mga ilang minuto bago bumalik si Dad sa mesa namin. Pagkabalik ni Dad sya naman ang pagdating ni Mom. Lumapit si Mom kay Dad at hinalikan ito sa pisngi gayun din sa akin.

Naging light ang atmosphere sa dinner namin. Puno ng tawanan ang table namin at di ko maiwasan na isipin na sana ganito na lang lagi. Nang matapos na namin kainin ang last dessert nag-open up na si Mom sa topic kung saan nakapag desisyunan nya ng dito na ako mananatili at di ko na kailangan bumalik pa ng Italy.

"Kinausap ko na ang head mistress sa papasukan mong university. Maayos na ang lahat" ani Mom, "And Harley please paki-bantayan ng mabuti si Hailey"

"Mom!" bumusangot ako sa sinabi nya. Para naman akong bata at kailangan pang bantayan 24/7.

Tumango si Harley sa sinabi ni Mom. Humalakhak naman si Dad, "Sorry Hailey baby. Kailangan kang bantayan ng Kuya mo 24/7 dahil alam nating lahat kung gaano ka kasutil"

"Oo nga Daddy. Ate is being war freak all the time. Did you know, she pinch my ears and my cheeks? Di nya kasi matanggap na sutil sya. She even punch Kuya Klev's face" sabat ni Harvey sa usapan habang kumakain ng ice cream.

"Harvey!" sinamaan ko sya ng tingin.

Tumawa lang si Dad habang si Mom ay tiningnan ako, "Control your temper and please, Hailey don't do anything stupid and shitty at your school. Ayokong maging suki ng guidance. So please?"

"O-okay Mom"

"Sana maintindihan mo"

Tumango ako at pinagpatuloy na namin ang pagkwe-kwentuhan hanggang abutin na kami ng hating gabi sa pag-uwi. I dunno what the next happend basta ang alam ko masaya kaming nasa sasakyan at handa ng umuwi but the tragedy happens.

"Please prepare the ER! Call the doctors!"

I don't know what happened but why? Suddenly my eyes get blurred and I feel weak even my hands didn't move? Hinang-hina na ako parang gusto ko ng matulog.

"Excuse! Call the doctors right now!"

"Do anything Doc please spare their lives!"

3 years ago ganito rin ang naramdaman ko. Bat parang nanunumbalik lahat?

"Elise? Do you hear me? Please, don't close your eyes" I heard Klev's voice. I can feel his trembles.

"Please, Hailey Elise Flare" and my eyes get shut down and I got lose.


two months later․․․

"Bukas na bukas hija pwede ka ng pumasok. Are you sure na Business Ad talaga ang kukunin mo?"

Ngumiti ako at magalang na sumagot, "Yes Ma'am. I'm sure my Mom and Dad is gonna be happy if Business Ad ang magiging course ko"

"Pero hija this is your chance na ipagpatuloy mo ang Psychology" she said.

"May mga bagay talaga na mas pagtuunan ng pansin kesa sa mga bagay na gusto mo Ma'am. Excuse me" magalang na ani ko sabay tayo at nagbigay galang bago ako umalis.

Dalawang buwan na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari. Napabuntong hininga ako at tinawagan ang numero ni Klev.

"Tapos na ako. Nasan ka na ba?" tanong ko. Napatingin ako sa mga food stall na nakatayo sa loob ng University kaya lumapit ako at bumili ng fries at drinks.

"Pinatawag ako ng guidance sa school ni Harvey. May nakaaway na naman ata ang kapatid mo. Mabuti na lang ako ang pinatawag at hindi si Harley panigurado baka mabugbog lang ng Kuya mo ang kapatid mo" aniya sa kabilang linya. Rinig na rinig ko ang mga busina ng mga sasakyan for sure on the way pa lang sya sa school ni Harvey.

"Sige magta-taxi na lang ako. Susunod ako dyan" binaba ko na ang phone ko at lumabas na ng University.

Mabilis akong pumara ng taxi, "Kuya sa St Louis Academy po tayo"

Nang makarating ako sa paaralan ng kapatid ko. Agad akong dumiretso sa guidance office kung saan natagpuan ko ang kapatid ko na matapang na nakaharap sa principal habang sinisermunan sya nito. Wala itong bakas ng takot at galit ito kung makatingin. Hindi na ito ang kapatid ko na pilyo.

Tumikhim ako at tumabi sa pwesto ni Klev.

"Nakipagsapakan ang kapatid mo sa mga Seniors. He's really impertinent and ill headed" bulong nito sakin.

"Ikaw ba ang Ate ni Harvey Flare?" tanong sa akin ng principal.

"Yes ako nga"

"Sorry to say Ms. Flare pero hindi na namin kayang kunsentihin ang kapatid mo. Madami na syang violation nagawa at nakakapanakit na sya ng kapwa nyang mag-aaral. Okay naman sya sa mga academics. Oo at matalino sya pero kung puro sakit lang sya sa ulo mas mabuting ikick out na lang namin sya at mapipilitan kayong ienroll sya sa iba. Kung may tatanggap pa sa kanyang eskwelahan"

Napatingin ako sa kapatid ko na walang emosyon na tumingin sa akin. Bumuntong hininga ako at hinarap ng maayos ang principal, "Ma'am one more chance. Babayaran namin lahat ng mga expenses at yung mga nasira nyang kagamitan pati na rin sa mga estudyanteng nasuntok nya basta wag nyo lang syang alisin dito"

"Pero Ms. Flare ganyan din sinabi sa amin ni Mr. Montague pero wala na kaming magagawa madami na kaming natatanggap na reklamo sa mga guro at estudyante dito kaya mas mabuting ilipat nyo na lang ang kapatid nyo"

Tumingin ako sa kapatid ko, "Mag uusap tayo mamaya, Harvey"

Umirap ito sa akin at padabog na tumayo, "Tsk wala naman kwenta ang mag aral dito. Puro naman kayo mga mukhang pera!" galit na saad nito sabay padabog na umalis ng opisina.

"Harvey!"

"Susundan ko lang" tumango ako kay Klev at tinapik ang balikat ko bago nya sinundan si Harvey.

"Pasensya na po" ngumiti ako at magalang na lumisan sa opisina.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan ni Klev at naabutan ko na kinakausap ni Klev si Harvey.

"Bakit anong gagawin sa akin ni Kuya? Bubugbugin na naman ako? Tas si Ate walang gagawin kundi tingnan ako at pagkatapos sesermunan? Nakakasawa na"

"Intindihin mo na lang ang sitwasyon Harvey" pakiusap ni Klev atsaka ginulo ang buhok nito pero agad na tinabig ni Harvey ang kamay nito at galit na tumingin ito sa akin.

"Kung nandito lang sila Mommy at Daddy" galit na aniya sabay salpak ng headset sa tenga nya at rinig na rinig ko ang musika na galing dito.

Nanlumo ako sa sinabi nya. I feel guilty.

•••

Playing CardsWhere stories live. Discover now