ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴇɪɢʜᴛ

512 40 165
                                    

ᴀᴘᴘʟɪᴄᴀᴛɪᴏɴ


•Hailey•

"Wow! Salamat dito!" sabay yakap nito sa akin at tuwang tuwa na tinanggap ang inabot kong paper bags na naglalaman ng damit at salamin, "Bagay sayo" nakangiting tinuro nya ang salamin na suot ko.

"Thanks"

"You're very welcome" tugon nya bago sya masayang bumalik sa kinauupuan nya. Napangiwi naman ako na nagsilapitan sa kanya ang ibang kaklase ko at kuryusidad na tiningnan ang laman na binigay ko dito. Napailing ako at napatingin sa wall clock na naka-display sa unahan ng white board.

Ilang minuto pa bago mag-5. Aabot kaya ako?

"May sinalihan ka ng club?" nagulat ako sa tanong ng isa sa mga kaklase ko na katabi ko ngayon.

Umiling ako.

"Wala? Naku, kailangan mong sumali sa club dahil requirements iyon dito. Di ka makaka-graduate kapag wala kang sinalihang club" untag nito sabay turo dun sa isa sa mga kaklase naming lalaki, "Kita mo yang lalaki na yan? Sya si Hansol. Repeater sya ngayong taon dahil kinulang sya sa requirements. Hindi kasi sya sumali sa kahit anong club kaya ayun, kailangan nyang umulit"

Required ba talaga ang sumali sa mga club? Aish. Mukha tuloy high school ang style ng University na 'to.

"Over capacity na ang club ng Photography kasi—" bigla itong bumulong sa akin, "Nandun si LV kaya iyon nagkukumahog sumali yung mga fangirls nya"

Napasimangot ako dahil sa pangalan na binanggit nya. LV na naman. Nakakainis na!

"Gayun din sa Arts and Performance club. Nandun din kasi si Wade, Cascade at Eros"

Huh? Sino naman ang mga iyon?

Kinilig itong nagkwento sa akin. Tsk. Another fangirl again. Bakit ba lapitin ako ng mga weirdo ngayon? I mentally face palm.

"Silang tatlo ay mga kaibigan ni LV at sobrang sikat sila dito dahil hindi lang sila sobrang gwapo kung hindi napaka-talented din nila. Imagine, almost girls and boys here admires and adore them. Kasi naman ang cool at ang hot nila" halatang isa rin sya sa mga iyon. Halatang halata sa pulang pula nyang mukha, "Kaya siguro sa bawat araw ang daming application ang dumadagsa sa leisure room nila dahil balita ay naghahanap sila ng panibagong miyembro nila. Ang daming nagkukumahog upang mapasali sa kanila kaya swerte ang makukuha nila" she pouted her lips, "Di na ako umaasa na ako ang makukuha nila"

"Bakit naman?"

She blew out a breath, "Isa sa mga requirements nila ay may experience sa lahat ng antas ng laro ng baraha. Kilala kasi sila bilang Undefeated Kings. Wala kahit na sino ang kayang tumalo sa kanila pagdating sa baraha"

Napaisip ako bigla sa sinabi nya. Parehong-pareho ito sa sinabi sa akin ng babae kanina.

"Sorry kung naging madaldal ako sayo ah? Di ko maiwasan. My bad" humagikhik sya, "Basta required sa University ang may sasalihang club. Kung wala kang mahanap pwede sa amin. Journalism" kumindat sya sa akin bago bumalik sa pagsusulat.

Nang matapos ang klase ay napaisip ako sa sinabi sa akin ng babae kanina. They are keep telling me about this LV and his dogs. Paki ko ba sa kanila? Pero di iyon ang problema ko ngayon, kailangan kong maagang umuwi dahil dadating si Harley! Nakakabaliw! Pero di ako pwedeng umuwi dahil pupuntahan ko ang LV na yun! Kainis, daming pumapasok sa isip ko. Club, Harley and this jerk named Lourd Venedict Montague.

Humanda talaga sa akin si Klev dahil tatanungin ko sya tungkol sa lalaking ito dahil wala naman syang naii-kwento sa akin.

Napatigil ako sa isang grupo ng mga babae na abala sa pag-gupit ng mga kartolina at mukhang aayusin nila ang sirang bulletin board na nakapaskil sa harap ng room nila. Tumikhim ako kaya napalingon sila sa akin.

Playing CardsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant