Boyish 7

37 4 0
                                    

----------

Lahat kami'y nataranta nang tumunog yung machine sa tabi ni Jennah. Tumakbo si Harvey at tumawag ng doctor. Nang dumating ang doctor ay agad niyang in-attend si Jennah at pinahintay muna kami sa labas ng kwarto niya.

Halos lahat ata ng mga santo napangalanan na namin. Napalapit naman kami sa doctor nang lumabas ito sa kwarto. "Stable na po si Jennah. Kailangan na po siya ng donor sa lalong madaling panahon dahil kahit nagigising na siya ay lalala ito kung hindi maagapan agad. Sige po." Umalis na ang doctor pagkatapos sabihin ang kalagayan ni Jennah.

Napatakbo naman kami sa loob at hindi mawawala ang alala sa aming mga mukha. That was her second call at kapag naging tatlo ay macocomatose siya.

Palagi kong iniisip si Kem dahil sa offer niya pero ayaw ko talagang maging unfair. Marami na siyang nagawa, ayaw ko namang sagarin with just one blow. And to think of it, ang kapalit ay maging kaibigan lang niya. Iyon ata ang pinakaworst na kapalit at alam kong sarcastic ako ngayon pero talaga ang kapalit niya ay sobrang simple. Hindi naman ako desperada kung ako man ang nasa posisyon ni Jennah pero hindi ako ang nakahiga, si Jennah.

"M-ma..." Napatingin ako kay Jennah na tumawag kay mama na nanghihina.

"Bakit, anak? Anong gusto mo? Kukunin ko lahat." Tanong ni mama habang patagong pinapahid ang luha. Siya ang pinakasensitive sa aming lahat. Madaling magalit, madaling magtampo, madaling ngumiti, madaling tumawa, at madaling umiyak.

"M-ma... gusto ko pong pumunta sa garden sa rooftop."

"S-sige isasama ka ni Jane papunta dun, okay lang ba 'nak?" Nanghihinang tumango si Jennah.

----------

"Alam mo ba nung naging magkapamilya tayo ang pinakamasayng araw na dumating sa buhay ko?" I smiled bitterly. Alam ko iyon dahil gustong-gusto niya na mayroon siyang kapatid mapamas matanda man sa kanya o mas bata.

"Hm-mmm." Tumatangong tugon ko kahit nakatalikod siya sa'kin.

"Ikaw ba Jane?" Nag-iinsist pa rin siyang tawagan akong Jane, walang 'ate'.

"Nung tinawag mo akong 'ate'." Napatingin siya sa'kin nang nakangiti.

"I'm so happy na kayo yung naging step-family ko. I would actually thought na magiging kontrabida ako o magiging kontrabida ka gaya nung Cinderella but it actually turned out the other way around." First time kung hindi nairita sa pag-eenglish niya tho mas may alam ako nun dahil sa'kin siya nagpaturo.

Napahigpit ang hawak ko sa wheelchair niya. Pinipigilan kong umiyak kahit sobrang sakit na sa lalamunan.

"We'll be here with you, Jennah. Don't worry. You see, ako yata ang pinaka-the best na 'ate'." We both chuckled at my comment. Dahil dun, I decided to find Kem and apologize and eventually do everything than just being his friend.

----------

Halos maubos ko na lahat ng kuko ko sa kakapanic ko dahil nasabi sa amin ng mga nurse na nauubusan na daw sila ng dugo. Natapos na ang operation ni Jennah pero yung kay Kem ay hindi pa dahil nagkamali yung doktor at dali-dali namang pinalitan ng doktor na nag-operate kay Jennah, yung personal doctor daw mismo ni Kem.

Actually, hindi naman talaga ngayon yung operasyon dahil halos lahat ng doctor sa general surgery ay pinapunta sa kabilang ospital dahil may sunog na nangyari malapit doon at maraming nasa kritikal na kondisyon.

"Hey, JDbih chill ka lang. Magiging okay din si Kem. Matibay yun eh, natiis ka nga niya yung surgery pa kaya?" Napahampas ako sa kanya nang wala sa oras. Nakuuuuuu pero salamat talaga at nandiyan siya kundi baka kanina pa naubos lahat ng kuko ko nito at baka ang pagpapanic pa ang ikamatay ko.

The Boy and The BoyishWhere stories live. Discover now