01 [Namjoon x Reader]

435 10 10
                                    

|| Kelly's POV||

"Hindi mo na talaga ii-stalk si Namjoon?" tanong ni Eunice.

"Hindi na, wala namang nangyayari eh atsaka may gusto na ata yung iba," sabi ko saka ako uminom ng kape.

"Eh?! Is dat you Kelly?!" sabi niya. Binato ko naman siya ng tissue.

"Eunice," napatingin ako dun sa nagsalita. Wushu andito na pala boyfriend ni Eunice si Yoongi.

"Woi, Kelly una na ako may date pa kasi kami eh!" sabi niya. Kumaway lang sakin si Yoongi. Tumango na lang ako.

Ako nga pala si Kelly Go. Half-Chinese, Half-Korean. At dakilang stalker at kapitbahay ni Kim Namjoon. Matagal ko ng crush yung hayuf na yun.

Bigla na lang kasi tumibok ng malakas yung puso ko nung nakita ko siya sa veranda nila. First time kong naramdamang tumibok ng napakalakas yung puso ko.

Pero kung tinatanong niyo kung bakit ayaw ko na siyang ii-stalk?

Narinig ko kasi usapan nilang magto-tropa sa Coffee shop kahapon.

"Eh?! Namjoon hyung di nga? Ikaw ba yan? Sure ka na talaga magtatapat ka na sa gustong mong babae?!" gulat na gulat na tanong ni Jungkook.

"Oo nga, lagyan ko ng alikabok yang ilong mo!" sabi naman ni Namjoon.

"Sure ka na ba dyan? Eh diba torpe ka?" tanong ni Yoongi.

"Ayaw niyo ba akong magkaroon ng girlfriend?" sabi ni Namjoon.

"Gusto naman namin, hindi lang talaga kami makapaniwala," sabi ni Seokjin.

"Kasi naman puro libro lang naman hawak mo atsaka sabi mo ayaw mo pang magka-girlfriend!" sabi ni Jimin.

"Oo nga hyung," sabi ni Taehyung.

"Tulungan na lang natin siyang magtapat sa babaeng gusto niya para everybadeh hapee, touch my badeh!" sabi ni Hoseok.

"Eh sino ba yung babaeng yun?" tanong ni Seokjin.

Hindi ko na narinig yung sagot niya sa tanong ni Seokjin dahil umalis kaagad ako sa coffee shop. Pero bakit kailangan masaktan ako? Eh hindi naman kami ni hindi nga kami close. Si Hoseok lang close ko sakanila dahil yung kapatid niya girlfriend ni kuya. Atsaka si Seokjin din pala siya lang kasi yung kumausap sakin nung mga panahong transfer ako.

BTS ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon