08 [Jin x Reader]

104 5 8
                                    

|| Yuri's POV ||

Asan na ba yung bayot na yun?! Pitang malufet kanina pa ako nag-aantay dito sa tapat ng Jem's Café dahil lang sa putengeneng by pair na assignment sa math.

Ako ang kinuha niyang ka-partner dahil math genius daw kasi ako. Hay naku, minsan iniisip ko kung lalaki ba to o BAYOT!

May tumigil na sasakyan sa tapat ko at bumaba ang binta nito.

TE-TEKA SI SEOKJIN BA TO?! BAKIT ANG HAWT NIYA...

"Speechless?" sabi ni Seokjin.

"Tss," sabi ko.

"Tara na, sakay na para matapos na natin to!" sabi niya. Agad naman akong pumunta sa passenger seat sa may tabi ni Seokjin.

"By the way, saan tayo gagawa ng math?" tanong ko.

"Sa bahay ko," sabi niya.

"Bahay mo? May sarili kang bahay?" sabi ko.

"Obvious naman diba, kita mong mayaman ang pamilya namin, kaya wag ka nang magtaka kung bakit may sarili akong bahay at ang pogi ko," sabi niya. Hindi naman ako na-inform na may bagyo pa lang parating. Jusq.

"Ang hangin mo," sabi ko.

"Pshh, totoo naman eh!" sabi niya. Oo na, totoo na! Kaya nga ako nagka-gusto sayo diba?! Kaso puta kahit yung paglakad mo lang ang guwapo mo nang tingnan!

Nakarating naman kami sa bahay niya, in fairness mansyon ang bahay niya pero mag-isa lang siyang nakatira sa bahay niya.

Binasa ko yung papel kung saan nakasulat yung mga questions at si Seokjin, kumukuha ng pagkain sa kusina.

Sinolve ko na yung question number one. At nakuha ko naman yung sagot. Bigla namang dumating si Seokjin na may dalang tray.

"Nag-solve ka na agad, di mo man lang ako inantay," sabi niya saka umupo sa tabi ko. Teka, feeling ko talaga sasabog na yung puso ko dito! Wag ka magpahalata Yuri!

"Para nga mabilis tayong matapos, at makauwi na ako!" sabi ko habang nagso-solve.

"Kailangan ba ng visual aids?" tanong niya. Ako pa talaga tinanong nento! Eh hindi nga ako nakinig eh.

"Aba'y hindi ko alam, tanong mo na lang sa GC," sabi ko. Kinuha niya yung phone niya.

Na-solve ko na rin number two. Number three naman, napaka-basic naman orayttt.

"Kailangan daw ng visual," sabi niya. Bigla naman siyang umalis sa puwesto tapos bumalik siya na may hawak na cartolina.

"Maganda sulat mo, edi ikaw magsulat niyan," sabi ko.

"Luh, ano? Hindi mo ko tutulungan sa designs?" sabi niya.

"Sabi ko nga," sabi ko. At saka nagpatuloy sa pagso-solve ng question number three.

"AHHHH SHIT!" napabalikwas ako sa sofa at agad lumapit sakanya.

"ANONG GINAWA MO SEOKJIN?!" sigaw ko.

"Aray, masakit! Takte naman nento ang OA!" sabi niya. Binatukan ko naman siya.

"Gagu ka! Wala ka bang gunting at yang cutter ang pinanghahati mo sa cartolina?!" sabi ko.

"Eh wala akong gunting eh!" sabi niya. Napa-irap ako nang wala sa oras.

"Bakit hindi mo man lang ako tinanong?!" sabi ko.

"Mauubos na ang dugo ko puro satsat ka pa rin!" sabi niya. Napa-face palm na lang saka siya tinulungang tumayo.

"Hugasan mo muna yang sugat mo," sabi ko. Agad naman siyang pumunta sa kusina. Pumunta na din akong kusina.

Shit ang daming dugo. At mukhang masakit, tanga rin naman kasi eh! Kailangan ko na itong tapalan ng band-aid para hindi umagos ng umagos yung dugo niya sa daliri niya.

"Asan first aid mo?" tanong ko.

"Nasa may cabinet ng kuwarto ko, akyatin mo na lang basta kulay pink pinto ng kuwarto ko," pfft, huta na yan! Pinigilan kong tumawa baka kasi mag-away lang kami. Umakyat na ako at nakita ko na din yung kulay pink na pinto.

Hiya naman bahay namin. Napakadaming pinto! Pagpasok ko, langhap na langhap ko yung pabango niya. Jusq, sa labas ng kuwarto niya maiisip mo agad na babae yung may-ari pero pagpasok mo... daebak!

Hinanap ko yung cabinet na sinasabi niya at nakita ko naman yung first aid niya. Pagbaba ko nakita kong pinupunasan niya ng panyo yung hiwa ng daliri niya.

"Ito na!" sabi ko saka ko nilapag yung first aid kit niya sa may lamesa.

Pota... bakit ba ang tangkad ng bayot na to?! Pasalamat siya may sugat siya kaya ako yung dapat na mag-adjust para magamot ko yung hiwa ng daliri niya.

Nagtaka siya nang umupo ako sa may lamesa.

"Hindi ko abot, ako na lang maga-adjust," sabi ko. Tumango na lang siya.

"Akin na kamay mo," sabi ko. Binigay naman niya yung kamay niya sakin. Feeling ko may something na kuryente akong nararamdaman. Atsaka ang lambot ng kamay niya sheeeeet~

Nilagyan ko ng betadine yung sugat niya at medyo nadiinan ko ata yung paglapat ng bulak sa hiwa niya kaya siya napasigaw sa sakit.

"May galit ka ba sakin?!" sabi niya. Kitang-kita kong namumula ang dalawang tenga niya dahil ata sa sakit.

"Ito na nga oh, sorry na!" sabi ko na lang at agad naghanap ng band-aid. Tinapal ko na sa daliri niya yung band-aid.

"Ayan tapos na," sabi ko.

"Kamsa," sabi niya. Medyo nagulat siya nang hawakan ko yung balikat niya pang-support para makababa ako sa malantutay na lamesa niya na isa pang mataas.

Nang makababa ako tinanggal ko na yung hawak ko sa balikat niya pero ako naman tong nagulat sa ginawa niya. Nilagay niya yung dalawang kamay niya sa pagitan ko dahilan para hindi ako makaalis.

Tiningnan ko siya sa mata niya. Ngayon ko lang nakita yung mga mata niya na ganun. Nakikita ko yung mga sparks sa mata niya.

Nagulat ako nang yung tingin niya napapunta sa labi ko. At hindi ko na alam tong nararamdaman ko nang ilapit niya sakin yung mukha niya sakin. Hinawi niya yung buhok ko na nakatakip sa may mata ko.

Tumingin muna siya sa mga mata ko na para bang humihingi siya ng permission bago niya inilapat sakin yung labi niya sa labi ko.

Shet bakit ganun?! Ang lambot ng labi niya. Bigla akong nagulat nang hawakan niya waist ko.

I feel something weird especially sa may dibdib ko, sobrang weird ng tibok ng puso ko. Susko. Nilagay niya yung noo niya sa noo ko, shet feeling ko talaga sobrang pula ko na.

He kiss my forehead...

"Bakit ba ang lakas mo saking babae ka?" lalong uminit yung mukha ko sa sinabi niya.

"Wag kang ganyan, nakukuha mo atensyon ko lalo," sabi niya tapos umiwas siya ng tingin sakin.

Binatukan ko naman siya.

"Aray, nakakailan ka na ha sige pag ganyan ka hindi na ako magda-dalawang isip na halikan ka," bigla namang sumama tingin ko sakanya.

"Lul!" sabi ko. Hinalikan niya yung forehead ko.

"I love you," sabi niya.

Tumingkayad ako atasaka hinalikan yung noo niya,

"Nado Saranghae,"

[Owtor: Mianhae, ANTAGAL KONG HINDI NAG-UPDATE, NAG-COMEBACK NA EXO, NAG-DEBUT NA YUNG WANNA ONE, NAG-COMEBACK NA RED VELVET, NILABAS NA YUNG BAGONG KANTA NG MONSTA X AT NAGKAROON NA NG KOKOBOP CHALLENGE HINDI PA AKO NAG-UD, SO ITO NA!!!!! At last nag-ud na din hahahaha!]

BTS ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon