12 ✘

892 25 13
                                    

AN: Tanda nyo pa ba 'to? 😂

• • •

Seulgi

MASAMA ang tingin ko kay Bogum habang kumakain kami. Hello? Sinabi ko kay Irene babes na magiging nice ako sa kanya pero hindi 'ko sinabing mawawala ang inis 'ko sa kanya, no. Ang nakakainis pa, napakapabida nya talaga. Nagkekwento pa ng mga achievements nya at mga napuntahan nya. Yung mga natalo daw nya sa pagiging gwapo nya at pagaactor nya. Napakahangin nya lang. Pumunta ata ang lalaking 'yan dito para maging aircon, eh. Napakapresko. Ang yabang kala mo kung sinong gwapo. Mas gwapo pa ako, eh!

At 'yung pahawak hawak pa sya sa kamay ng soon to be girlfriend ko? Nakakainis. Mga punyeta. At sabi ni Joohyun unnie na kakausapin ko lang sya sandali ay hindi na natupad. Paano, nakalaklak ata ng ilang anesthesia tong si Bogum sa sobrang manhid nya. Kaya 'yan, hanggang kumain kami ng dinner, nandito pa din sya at nilalandi ang future girlfriend ko. Ang kapal lang ng mukha, eh. Sarap jombagin.

"Irene noona," Sabi ni Bogum at huminga muna ng malalim. "Pwede ka ba sa sabado?"

HINDI PWEDE.

Pero syempre, hindi ako si Irene kaya wala akong karapatang maki-epal. Besides, manliligaw lang din naman nya ako, eh. Wala akong karapatan sa kanya.

"Uh, bakit?" Nagaalangan na tanong ni Irene unnie.

"Wala lang. Mamamasyal lang tayo at kakain sa labas." Ngumiti pa si Bogum, "Kung inaalala mo naman 'yung mga tao, doon kita dadalhin sa walang masyadong tao." Pagsiguro ni Bogum.

Tumingin muna sa akin si Irene at tinignan ko lang din sya. Wala naman akong karapatan para pagbawalan sya. Manliligaw lang naman ako. Pero hinihiling ko talaga na sana hindi sya pumayag. Paano kung sa pag sama sama nya kay Bogum, mahulog ang loob nya dito at makalimutan na nya ako? Hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari 'yun.

"S-sige." Bagsak ang balikat ko ng marinig kong sinabi 'yan ni Irene. Habang si Bogum naman, ayun hindi magkamayaw sa tuwa. Abot tenga ang ngiti at sa totoo lang? Gustong gusto ko syang bangasan ngayon na. Pero hindi naman ako ganun kasama. Sadyang kumukulo lang talaga ang dugo 'ko.

"Irene unnie, Wendy, Bogum-shii, una na ako sa kwarto." Sabi ko at ngumiti ng kaunti sa kanila. Nagmamadali akong pumanik sa kwarto kahit na hindi ko pa naririnig ang sagot nila.

Bwisit lang. Pissed off ako ngayon. Kasi kahit na sinasabi kong wala akong karapatan sa kanya at hahayaan ko syang magdesisyon, masakit pa din pala pag pumayag sya. Nakakatangina kasi selos na selos ako pero kahit na pagbaligtarin ko man ang mundo, wala talaga akong karapatan sa kanya. Ang I love you's lang naman nya ang pinanghahawakan 'ko. Pati 'yung sinasabi nyang mahal nya ako. Pero hindi kami, kaya naman wala pa rin akong karapatang magdemand sa kanya.

• • •

NAKAHIGA na ako sa kama 'ko. Nandoon pa din kaya ang Bogummy na yun? Nakakairita talaga. Tuwing nakikita ko sya, naiinis ako.

Ano naman kaya ang gagawin nila ni Irene unnie sa sabado? Maglalandian? Paano kung mahuli sila ng mga tao at maissue sila? Punyeta talaga, oh.

"Seulgi." Hindi ko namalayan na nandito na pala si Irene unnie.

"Umalis na 'yung boyfriend mo?" Bitter na sabi ko. Siguro, naiinis na kayo sa akin dahil napakachildish kong tignan at lagi 'kong pinupush si Irene kay Bogum kahit na in the end, ako lang din ang nasasaktan. Pero wala, eh. Ganito talaga ako pag nagseselos.

Bumuntong hininga sya at umupo sa kama. Nakatalikod ako sa kanya at nakaupo naman sya sa kama ko.

"Seulgi, hindi ko sya boyfriend." Paglilinaw nya at hinimas ang likuran ko. "Paulit ulit nalang ba tayo? Hindi nga sabi sya ang mahal ko."

"Wala naman akong karapatang pigilan ka. Alam ko naman kung ano lang ako sayo at kung ano ang papel ko sa buhay mo. Pero nasasaktan lang ako at pumayag ka. Paano kung sa sabado na yun, bigla kang mahulog sa kanya? Paano kung sa isang araw na pagdedate nyo, marealize mo na hindi ako ang mahal mo?" Sabi ko naman at bumuntong hininga.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" Malungkot na tanong nya kaya naman nadurog ang puso 'ko. May tiwala ako sayo, Irene. Kay Bogum, wala. Ayokong nalulungkot o nasasaktan sya ng dahil sa akin. Pero anong ginagawa ko ngayon? Napakawalang kwenta 'ko talaga.

"Sabi ko naman sayo na ikaw lang ang mahal 'ko, diba? Hindi pa ba sapat 'yun?" She asked me. "Pinapatunayan ko naman sayo na ikaw lang ang mahal ko pero bakit parang wala ka pa ding tiwala sa akin?" Naguilty naman ako sa sinabi nya. Oo nga naman, Seulgi. Bakit ka ba nageemote ngayon, eh ikaw lang naman ang mahal ng magandang babaeng ito?

Huminga muna ako ng malalim bago umupo mula sa pagkakahiga ko at hinarap sya. Nakita 'kong ang lungkot lungkot ng mga mata nya kaya naman walang sabi sabi na niyakap ko sya.

Im so sorry for hurting you, Irene. Im such a jerk.

"Sorry, please forgive me." I whispered. Hinimas ko ang ulo nya habang yakap yakap sya.

"Hindi naman ako galit, Seulgi. Nagtatampo lang ako dahil lagi ka nalang walang tiwala sa akin." She said. "Kahit na madaming lalaki ang umaaligid sa akin, wala naman akong pakeelam sa kanila. Dahil ikaw lang naman ang mahal 'ko, diba? Pinaparamdam ko naman sayo 'yun, eh. Kaya please lang, wag ka ng magselos kay Bogum dahil parang kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya."

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at sinabing, "Sorry kung feeling mo wala akong tiwala sayo. Natatakot lang naman kasi ako na baka pati 'yung pagmamahal mo sa akin, magbago. Yun na nga lang ang pinanghahawakan ko." Sabi ko naman.

Kumalas sya sa yakap at tinignan ako sa mata. Hinawakan nya ang mukha ko.

"Kung sakali ba na hindi na kita mahal, titigil ka sa panliligaw mo?"

Kumunot ang noo ko pero sinagot ko din naman sya. "Syempre hindi."

"Bakit naman? Eh hindi na nga kita mahal, diba?"

"Eh kasi kahit naman hindi mo na ako mahal, basta mahal kita, kaya naman ayos lang sa akin na ligawan ka ng paulit ulit hanggang sa mahalin mo din ako." Napangiti sya sa sinagot ko.

"Hindi naman ako magsasawang mahalin ka, Seulgi. Sana lang ay magtiwala ka sa akin."

"May tiwala naman ako sayo," Hinawakan ko ang mukha nya. "Sorry kung nasaktan na naman kita. Ako nga lang itong nanliligaw sayo, ako pa ang sinusuyo mo." Natatawang sabi ko kaya napatawa na din sya. "Basta kahit na anong mangyari, mahal pa din kita."

"Ako din naman, Kkangseul." Sabi nya. Kahit na ang cheesy na ng pinagsasabi namin, wala na kaming pake. "Mahal kita."

• • •

Hello. Nakaraos din. 😂

Keep me with you | seulreneWhere stories live. Discover now