Chapter 2

15.4K 227 6
                                    

"What? You're kidding me."

"It's true." I sipped on my iced coffee. We're here at the cafe beside library. Recess time at tapat lang naman ng building namin kaya dito kami tumambay.

"Why would he said that?" J asked.

"I don't think your parents would approve of that, Gab? I mean, they love you so much. We are the only one who knows your feelings towards Zayion. They won't let you marry him just because of business."

Tama si Kelly. Pero nang makita ko si Zayion kagabi, pumasok na sa isip ko ang ideya na ito.

"Eh paano kung totoo nga?"

"As if I will let him marry someone else." I chuckled.

Napangiti ako. Zayion Daniel Arellano... stop my parents from forcing you to marry me? You wish. Matagal na kitang gusto, ipagpapaliban ko pa ba ang pagkakataon na ito? Kung totoo man ang sinabi niya kagabi, magandang balita iyon. Kung masyado naman siyang paranoid sa simpleng dinner kasama ang pamilya ko, salamat pa rin at binigyan niya ako ng ideya.

Half day lang ang pasok namin since morning schedule ang pinili namin. We usually go to the mall to shop for clothes after class. But today I decided to stay at the library and wait for my brother's dismissal. I asked him earlier and he told me na after lunch ay dismissal na nila. May training sila ng basketball at balak kong manood. Zayion's there.

I felt my phone vibrate so I answered the call. "Hey, Ate Brenna."

"Are you with Alaric?" she sounded so down.

"He's still on his class. Nag-iintay ako sa kaniya ngayon. Why?"

She sighed heavily. "He's not replying on my calls. But I guess he's just busy. Anyway, don't tell him I called. Take care, Gab. Love you."

Kumunot ang noo ko nang patayin nito agad ang tawag. Nawala lang ang pag-aalala ko kay Ate Brenna nang mag text si Kuya na papunta na sila sa court. But before I could go to court, I was hit by someone. Then all is black.

I was feeling dizzy when I woke up. My body felt like it was hit by a car. Malabo ang paningin hanggang sa unti-unti itong luminaw. The man standing in front of me is gradually becoming more recognizable in my vision. His face is filled with worry. He's not familiar. And wait, where am I?

"Hey..."

"What time is it?" I asked.

Inalalayan niya akong umupo. Narinig ko rin na tinawag niya ang nurse para sabihin na gising na ako.

"2pm. Are you okay?"

I rolled my eyes. "Do I look okay to you?"

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng bag at nakita ang ilang missed calls ni Kuya. Napamura ako. Hindi ko na tuloy napanood ang training nila!

He chuckled. "Sorry. I was running then I bumped into you. Late na kasi ako sa training."

"Hindi mo ba ako nakita?" Tinaasan ko siya ng kilay. His dimples caught my attention as he smiled at me. Bakit ba ngiti nang ngiti 'to? 'Di niya ba nakikita ang naging cause nang ginawa niya sa akin?

Ibinaba ko ang kumot at tiningnan ang legs ko. I felt relieved to see my legs without any scratches. Thank god!

"Gabrielle."

Lumapit si Kuya sa amin, nakakunot ang noo tila ba galit. Ngunit naagaw ng kasama niya ang atensyon ko. Nakatayo sa labas si Zayion, nasa akin ang tingin. Bumaba ang tingin nito sa legs ko na hanggang ngayon ay nakalabas pa rin. Ngayon ko lang na realize na nasa tapat ko pa rin itong unfamiliar na guy na 'to!

My Ice Husband  (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now