Chapter 1

40 0 0
                                    

Maingat na naglalakad si Olive sa gilid ng daan. Sinusundan niya si Derick ang kanyang unang pag-ibig .Nag-iingat siya sa kadahilanang ayaw niyang mahuli siya nito. Si Derick Salmonte ay isang simpleng lalaki , kaklase siya nito. Hindi ito kagaya ng mga kalalakihan sa kanilang eskwelahan na mayaman. Eto ang tipo niyang lalaki simple lang , kaya noong una niya itong makilala ay nabihag na ang kanyang puso.

Nakita niyang tumawid ito sa kabilang daan ,kaya't hindi na siya nag-atubili pang tumawid upang sundan ito. Nais niyang malaman kung saan ito nakatira. Sa kanyang pagmamadali hindi niya nakitang mayroong mabilis na sasakyan ang rumaragasa pasalubong sa kanya, at bago pa siya makaiwas dito, nabangga na siya nito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mabilis na napababa ng sarili niyang sasakyan si Rouie upang tignan kung sino ang taong kanyang nasagasaan. Nakita niya ang isang babaeng nakahandusay sa harapan ng kanyang sasakyan ,duguan at walang malay.  Agad-agad niyang pinahawi ang mga taong nakapaligid sa babae at dali-dali niyang binuhat ang babae at ipinasok sa kanyang kotse upang dalhin sa pinakamalapit na ospital.

Pagkarating niya sa ospital binuhat niya papasok ang babae at  inilagay sa stretcher.

" Sir ano po ang nangyari ?"

" Nasagasaan ko po kasi siya"

Nang malapit na silang makarating sa Emergency Room ay agad siyang binawalan ng isang nurse na makapasok. 

" Hanggang dito na lang po kayo sir."

Agad naman siyang tumango sa nurse at umupo sa upuang una niyang nakita sa kanyang gilid. Hanggang sa nakita niya ang mga pulis na paparating at papalapit sa kanya.

" Sir pwede po ba namin kayong makausap ?"

" Sige po.'

" Ano ho ba ang nangyari?"

"Nagmamaneho ako ng bigla-bigla na lang siyang tumawid. Hindi ko na ho napigilan kasi masyado na pong malapit." 

" Sige iho ilang taon ka na ba?"

" 21 po."

" Sige kailangan na lang natin malaman ang kalagayan ng babaeng iyong nabangga, pero ito ang tandaan mo iho kailangan mong harapin ang parusa sa iyong nagawa."

" Opo naiintindihan ko po."

Sakto namang bumukas ang pintuan ng Emergency Room at lumabas doon ang isang lalaking doktor.

" Sino po ba ang kamag-anak ng pasyente?"

" Ako po ang nakabangga sa kanya, wala pa pong dumadating na mga kamag-anak niya."

" Maayos naman ang kalagayan ng babae, nagtamo lang siya ng ilang mga galos sa  katawan at mga bali sa ibat-ibang parte ng katawan , stable na siya ngayon. Ililipat na lang namin siya ngayon sa ibang kwarto."

" Sige po, Maraming salamat po .Ako na lang po muna ang magbabantay sa kanya ngayon."

Nang mailipat na si Olive sa kwartong nakalaan para sa kanya ay wala pa rin siyang malay kung kaya't binanatayan muna siya ni Rouie.

Makalipas ang isang oras na pagbabantay niya kay Olive ay narinig niyang may tumatawag sa kanya.

* PAPA CALLING*

" Rouie ano nanaman tong nabalitaan kon nakasagasa ka ngayon?!!!." pasigaw at galit na sabi sa kanya ng kanyang ama.

" Pa , hindi ko naman sinasadya eh, tska pinanagutan ko naman yung kasalanan ko eh." mahinahong sagot niya dito.

"Ayusin mo yang gulong ginawa mo na yan ha."

"Opo pa." matapos niyang sabihin yon ay agad siyang binabaan nito.

Muli siyang umupo pero sa pagkakataong iyon ay nagkaroon na ng malay si Olive.

" Sino ka?"

" Ako si Rouie Sandoval, ako yung nakabangga sayo."

"Ahh."

" Anu yon? Ganun na lang yon,muntik ka nang mamatay pero ok lang sayo?"

" Eh alam ko namang ako ang may kasalanan eh.Hindi ako tumingin sa dinadaanan ko, sosrry nga pala kung naabala pa kita ha." nahihiyang sagot ni Olive.

"Hindi mo man lang ba ako bubungangaan o sasampahan ng kaso kasi nasagasaan kita?"

"Hindi ang sabi ko nga diba ako ang may kasalanan tsaka alam ko namang ikaw ang magbabayad ng mga gastusin ko dito sa ospital eh."

"Ayos ka rin noh." di makapaniwalang sabi ni Rouie.

" Ano nga pa lang pangalan mo?"

" Olive Ferrer"

" Teka nga lang, asan ba ang mga magulang mo? Hindi ka ba nila babantayan?"nagaalalang tanong ni Rouie kaykay Olive,magmula kasi ng may nangyaring masama kay Olive ay wala man lang dumadating na kamag-anak ng dalaga.

" Wala na sila, ako na lang mag-isa sa buhay ngayon." malunglot na sabi ni Olive.

" Ah, sorry,"

"Hindi ok lang."

Mag isa na lang si Olive sa buhay niya ngayon. 16 yrs. old pa lang siya ng mamatay ang mga magulang niya.Simula noon ay natuto na siyang tumayo sa sarili niyang mga paa, maswerte siya sa pinapasukan niyang University ngayon.Kaya ang prinoproblema na lang niya ay ang mga gastusin niya sa bahay at sa eskwelahan.

"Kung ganoon, pagkalabas na pagkalabas mo dito sa ospital dun ka sa bahay  namin muna titira para maalagaan ka ng mabuti lalo na't medyo malala yung mga natamo mong injuries."

" Huh? Naku hindi na kaya ko naman ang sarili ko ."pagmamatigas ni Olive.

"Hinndi pwede kailangan may nagaasikaso sayo, and my decision is final." mariing sabi ni Rouie.

Hindi naman nakaimik si Olive sa sinabi ni Rouie. Napaisip siya 'Papayag ba siya o hindi?'

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now