Chapter 3

15 0 0
                                    

Chapter 3

Hindi ko inaasahan na si Derick-yung taong dahilan kung bakit ako nasagasaan at higit sa lahat ang lalaking mahal ko eh ang lalaking magaalaga sa akin.

"May problema ba hija?"nagulat ata si Ms. Lyn sa pagsigaw ko.

Malaki-malaking malaki.Baka kasi mahalay ko yang taong magaalaga sa akin at makasuhan pa ko ng rape.Syempre sa isip ko lang yon may natitira pa namang kahihiyan sa katawan ko no.

"Ah wala naman po.Akala ko po kasi babae ang mag-aalaga sakin.",which is partly true.Akala ko talaga eh babae ang magaalaga sa akin yun naman pala lalaki at si Derick pa.

"Oh sige hija maiwan ko na kayo dito.Derick bantayan mo siya ha."

"Opo"

Nang umalis na si Ms.Lyn ay agad naman akong kinabahan.Ako at si Derick sa iisang kwarto.Baka ano pang kahalayan ang magawa ko sa kaniya.

"Uhmm...."Shit!Nauutal ako ano bang sasabihin ko.First time ko siyang makakausap.

"Magandang araw po mam." Ying boses niya lalaking-lalaki.Lalo tuloy ako naiinlove sa kaniya.

"Naku!Huwag mo na kong tawaging mam di mo naman ako amo eh.",Wooah salamat at hindi ako nautal.

"Po?Pero---"

Di ko na siya pinatapos pa.

"Olive Olive na lang ang itawag mo sa akin twka wag ka na mag-po sa akin magkasing tanda lang naman tayo eh."

"Pano nyo po nalaman?"

Naku!Yung bunganga ko talaga.Anong sasagot ko?Na stalker niya ako?Baka makahalata.Lagot na!Ah alam ko na.

"Uhmm.. Kasi halata naman sayo eh.Tama!Mukha kasing magkaedad lang tayo sa itsura mo."

Sana maniwala.Lagot ako nito.

"Ah.Hehe.Ganun po ba?Salamat po."

Yun kumagat din.Haha.

"O-olive kailangan mo ng magpahinga."

"Ah,sige.Medyo antok na rin ako eh."pagsisinungaling ko.Ayaw ko lang na matagal kaming magkausap kasi baka malaman niyang marami akong nalalaman sa kaniya at higit sa lahat baka rin malaman niyang ako ang dakila niyang stalker.

Inalalayan niya akong humiga sa kama at hindi maiwasan na mapalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Bat ang gwapo niya?Perfect na ata yung mukha niya eh.Mahabang pilikmata,red kissable lips,matangos na ilong at higit sa lahat ang kutis ng kaniyang mukha na napakakinis.Kahit sino sigurong pimples mahihiyang tumubo doon.

Nagtama ang mga mata namin.Agad akong nag-iwas at tumingin sa ibang dereksyon.Namumula na siguro ako ngayon.

Nang matapos na niya akong tulungang makahiga.Kinumutan naman niya ako.

"Mam kung may kailangan lang po kayo,tawagin nyo lang po ako.Lalabas lang po ako."

"Sige.Tska sabi ko sayo diba Olive na lang ang itawag mo sa akin."

"Sige mauna na ako Olive."

"Sige.Salamat."Sinasabi ko yan ng nakangiti na abot hanggang tenga.

Nung makalabas na siya agad akong nagtalukbong ng kumot at impit na tumili.Shit!Kinikilig ako.

Hihi.Buti na lang pala pinilit ako ni Rouie na dito muna sa mansyon niya.Landi ko talaga.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now