Chapter 7

7.6K 234 22
                                    


Chapter 7

My Everything

Realization hits me hard. Big time. Kakagising ko pa lang ngunit ang reyalisasyon na magkahiwalay na kami ni Tristan ang unang nanuot sa aking isip. I was gawking at the door of our room for I don't know how long. I couldn't feel any tears nor sting in my eyes. All I could feel was the intolerable throbbing pain of my chest.

Alam mo 'yung pakiramdam na para kang puno na unti-unting nalalagasan ng mga natutuyong dahon? I felt like my energy drained that I've worked something extremely. Gusto kong umiyak, gusto kong magwala, gusto kong manisi, gusto kong gumawa ng kahit na ano, mailabas lamang ito. Pero, bigla na lang ako mapapagod. Mawawalan nang gana.

The worst pain was that I was the one who could know that I am in literal pain. Walang alam ang mga kasambahay ko, ang mga kaibigan ko, ang mga classmates ko. Wala man lang akong masabihan na hindi ko na kaya.

Nanghihinayang ako, sobra. Dalawang taon na naging kami ni Tristan. He courted me when I was in my third year highschool. Because of my dad being strict to me, I was the one initiated to him courting me secretively. Doon din nagsimula lahat ng paglilihim namin tungkol sa aming relasyon. Hanggang sa naging kami, hanggang sa...

"Ma'am!"

Nanghihina kong tinignan ang nakasaradong pinto ng aking kuwarto.

"Ma'am, gising na po ba kayo? Nandeto si Ser Trabes, benebeseta kayo, Ma'am," it's Yaya Corazon's voice.

Next time, I will correct her diction in saying Travis' name.

"Yes, yaya, gising na ako." I want to get panic when I've heard that Travis is right here again in our house but I am so weak to do that.

Hindi ko malaman kung nakapag-ayos ba ako pagkababa ko. Naabutan ko si Travis na matamang nakikipag-usap kay Dad na hindi ko halos marinig. Tumuwid lang siya ng upo nang sinungawan niya ako. I saw how his grin faded when he saw me. Sumeryoso ang kaniyang mukha.

"D-Dad," my voice was raspy.

Dad's forehead formed into a crease when he stared at me. "Bakit parang wala kang tulog?" his voice became cold.

I weakly smiled at him. "I reviewed the entire night, Dad," I lied. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pag-igting ng panga ni Travis.

Napatango siya. "Gano'n ba? Next time, have an enough rest. Hindi maganda'ng nagpupuyat," bilin niya.

Tumango na lang ulit ako. Dad stood up after. "I have to go. Travis," Travis looked at him with rigidness in his movement. "Take care of my daughter. If ever something happens to her, I'm gonna cut your head," his voice was dangerous.

Tila'y nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. "Dad!"

Travis smiled. "Yes, Sir."

"Leon, dear, tama na 'yan. Ano na nama'ng sinasabi mo kay Travis, huh?"

We turned our gazes to Mum na kadarating lang. Rinig ko naman ang andar ng sasakyan sa labas.

"Nothing, dear," Dad said sheepishly. On the corner of his eyes, he threw Travis a sharp glare. "I meant what I've said."

"Yes, Sir," Travis replied with a nod.

Umalis na rin sina Mum at Dad pagkatapos. They were on a vacation trip to Singapore. Ilang araw rin sina Mum at Dad because on Thursday, it would be their twentieth year of their marriage.

"You're thinking about him again, prinsesa?"

I sighed before I turned my gaze at Travis. His face was cloud. I smirked. I've told him that I will end my relationship with Tristan at sasakyan ko lahat ng kalokohan niya.

Tricked (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now