Chapter 13
Court
I don't know if I will thank Travis for what had happened the last time in the court. Dahil hindi ko sukat-akalain na iyon pala ang magiging rason upang mas lalo akong mapalapit kay Tristan. Nagka-sprain sa tuhod si Tristan, dahilan upang ma-confine siya sa hospital ng ilang linggo. Nasorpresa pa nga ako dahil hinahanap niya raw ako pagkatapos ng nangyari sa kaniya, ang sabi ni Kuya Third.
Kaya simula rin noon, sumasama na ako kay Kuya sa pagdalaw sa kaniya. I always brought fruits for him to help him recover. I could see that he's happy everytime he sees me. At mas lalo akong nahuhulog dahil doon.
Noong gumaling na si Tristan, napapansin ko ang madalas niyang paghatid-sundo sa akin sa school at sa bahay. Pero hindi naman niya naabutan ang mga magulang ko dahil madalas silang wala at nasa trabaho ang mga ito. Kung minsan, dinadalaw na ako ni Tristan sa bahay na hindi lang sa mga projects at sports ang dahilan. We are beyond in the getting to know stage. And I know Kuya Third feels that.
Kakagising ko lang sa isang maikling siyesta. I was in Sheree's house this day. Mom and Dad are in Singapore's trip again because they had attended a seminar. Si Kuya Third naman ay nasa convention ngayon. Ang masaklap, kasama niya si Tristan. At limang araw pa iyon. Limang araw!
I sighed. I terribly missing him. Through text and chats lang kaming nag-uusap. Ngayon ang pangatlong araw na wala siya at hindi ako sanay. Dahil ako lang mag-isa, pinaalaga muna ako nila Mum at Dad sa mga pinsan ko.
I went downstairs. I was about to go to the kitchen when I stopped and saw a familiar guy. A familiar annoying guy.
Nanliit ang mga mata ko. Bakit nandito ang isang ito?
Travis suddenly stunned when he'd seen me. Pumaskil agad ang nakakairitang ngisi sa kaniyang labi.
For two consecutive years, he was very consistent in pursuing me. Marami siyang binibigay sa aking mga sorpresa na hindi ko inaasahan na kaniyang gagawin sa akin. He received a thousand rejections from me but he never stopped. Until now. And it irritates the shiz out of me.
Hindi na lang ako umimik at tinalikuran siya. I don't want to ask him rude questions. This isn't my house at malay ko bang dinadalaw niya si Kuya Irwin naman talaga ang dinadalaw niya.
"Hey, prinsesa, talk with me. Don't be shy."
I shot him an evil glare. Napanguso siya sa ginawa ko. I studied his profile. He's wearing a black V-neck shirt and khaki pants. Nakapamulsa siya na hinarap ako.
"Sino ba'ng binibista mo rito?" I shot him a brow.
"Si Irwin. Kaso, mukhang wala siya rito. Kaya, ikaw na lang ang bibisitahin ko," sabay ngisi.
I rolled my eyes. "I don't entertain unexpected visitors. Especially you. Kaya, umalis ka na."
Nanliit ang mga mata ko nang himasin niya sa pabilog na paraan ang kaniyang tiyan. Inarko pa niya talaga ang kaniyang likod para lang umumbok iyon!
"Prinsesa," he pouted, "I've waited for ages here. Hindi pa 'ko nakakain."
Humalukipkip na ako. "O, so, ano'ng gusto mong gawin mo?"
"Cook food for me," parang tuta siyang nagmamakaawa.
Halos malalaglag ang aking panga. "Nababaliw ka na ba?"
"Half-crazy, feeling sorry for myself..." he started singing like he's in a karaoke bar.
Halos masabunutan ko na ang aking sarili sa inis. "Tigilan mo nga'ng pamimilosopo mo, Travis!"
BINABASA MO ANG
Tricked (Montenegro Series #1)
RomanceItinuloy pa rin ni Natalie Herrera ang pakikipag-relasyon kay Tristan Montenegro kahit na alam niyang pinagkasundo na ito sa ibang babae. She can't do anything about it because she knows how it is important for him his father's approval and attentio...