[21] FRIENDS

377 18 0
                                    

CHAPTER 42- ANGEL

Angel's POV

"Quinn, Nasaan na kaya ang mga kasama natin?" Nagtatakang tanong ko kasi kanina pa sila wala at di na namin alam kung tumakas ba o patay na. Hay, Malay lang naman natin, Di naman kasi imposibleng di sila mamatay eh nasa binggit na kami ng kamatayan.

"Yun nga rin ang ipinagtataka ko angel eh, kung maghiwalay kaya tayo para mahanap natin sila" Sumangayon naman si Emerson at Heinz. Ako hindi pa. Pakiramdam ko kasi may mangyayaring masama.

"Payag ka ba Angel?" tanong ni quinn. Di ko alam ang isasagot ko.Nagdadalawang isip pa lamang ako tungkol dito.

"O sige payag na ako" sabi ko nalang.

"Ah Ako sa kanan, Angel ikaw sa Kaliwa, Emerson sa timog at ikaw heinz sa Hilaga" sabi ni quinn. Nagsimula na kaming mglakad. Hahanapin namin kung nasaan ang mga kasamahan namin.

Naglalakad ako sa may salas, Di ko maiwasan mapapunta sa mabahong parte rito. Tila amo'y dugo. Naglakad lakad lang ako ng may biglang bumagsak sa aking kamay na dugo. Nagulat ako. Napatingin ako sa taas at nakita ko si Venice na Nakasabit sa kisame. Napatulo ang luha ko. Napabrutal talaga ng ginagawa ng killer. Inihambitin na nga tapos Nilaslasan pa.

Agad akong tumungo sa may hagdananan. Napansin ko na may bakas rin ng dugo rito kaya naman inakyan ko. Nasa kalagitnaan na ako ng mapansin kong May tila ulo na basag. Humakbang pa ako ng tatlong beses at napatakip na lamang ako ng bibig sa nakita ko. Di ako makapaniwala sa nakita ko. Nakahilata si Felice sa sahig na basag ang ulo at maraming saksak sa katawan. Uurong sana ako ng lakad ng may nakita akong Isang anino ng babae sa may loob ng silid. Urong lang ako ng urong habang papalapit ng papalapit ang Babaeng anino. Di ko namalayan na napasala pala ang paa ko na siyang ikinatumba ko at nagpagulong gulong sa may hagdan.

Naaaninag ko pa ang babae. Nasa harapan niya ako at tila hinihila ako. Saan kaya ako dadalhin ng babaeng iyon.

NAMULAT na lamang ang aking mata ng mApagmasdan ko ang paligid. Di ko alam kung anong lugar to pero ang maidedescribe ko dito ay parang budega. Pero hindi. Napahawak ako sa ulo ko. Masakit kasi at nang maibaba ko ang kamay ko ay may bakas ng dugo mula rito. Nakatali ang paa at kamay ko. Tila parang ginawang aso.

"Hoy kung sino ka man, Pakawalan mo ako rito. Siguro ikaw ang killer, Patay ka sa akin pag nakawala ako rito" sigaw ko kahit na walang nakakarinig saakin.

Hanggang sa dumating iyong babae. Nagulat ako dahil kilala ko ang babaeng ito. Matalik na kaibigan ito ni Quinn. Paano nito nagagawa ang mga bagay na ito.

"Gail?, Akala ko ba patay ka na?" sigaw ko. "Suprise! Nagulat ka ba angel? Well, Buti naman at nakilala mo na ang killer so, Paano na kaya ang gagawin ko?, Oh I have a Plan, Kung katayin nalang kaya kita na parang baboy" Ngumisi pa ito.

"Halimaw ka!" sigaw ko na pilit tinatagtag ang tali mula sa kamay ko.

Kumuha siya ng kutsilyo at lumapit siya sa akin. Idinampi niya ang kutsilyo sa aking pisngi at ramdam ko ang lamig niyon. "Sino ang Halimaw Angel?" Ngumisi muli ito. Tinagtag na nito ang kutsilyo at lumayo na sa akin.

"Kukuhanin ko muna kayo apat, Bago ko kayo patayin"

Emerson's POV

Pagkasabi ni Quinn kung saang dereksyon ako pupunta ay tumungo na ako don. Nakarating ako sa may bandang kusina. Pumasok ako sa silid at Nakita ko na Tila may bakas ng dugo na habang patungo sa banyo. Noong una natatakot ako kasi Habang pinagmamasdan ko iyon ay Biglang tumunog ang Radyo sa ibabaw ng microwave. Nakakapagtaka nga dahil wala naman tao para buksan iyon.

Nilapitan ko ang Radyo. Pinatay ko iyon at Pagkatapos ay Tumungo na sa may banyo. Sa bawat hakbang ko papalapit. Maraming bakas ng dugo pa ang nadadatnan ko. Nakita kong may kamay na laslas ang bumagsak sa may bungad ng pintuan. Nagulat ako dahil akala ko kung ano na yun.

The Midnight MurdererWhere stories live. Discover now