Chapter 2

12 0 0
                                    

Theo's POV




      "Theo." Nilingon ko ang tumawag sakin. Si Luke pala. Tinanguan ko siya.

      "Bakit late ka? San ka galing? Kanina pa kami andito, ikaw lang ang wala. Tss." -ako.




       "Oh easy bro. May nakita kasi akong chicks kanina eh, alam mo na. Pogi points. Hirap talaga maging pogi hays." - Luke.



      "Tss ewan ko sayo." Sabi ko at iniwan siya don. Andito kami ngayon sa quarters namin, may inaabangan. Sino pa ba? Edi ang mortal naming kaaway, ang BlackSheep. Bagay pangalan ng grupo nila sa mga itsura nila, mukhang hayop.



      "Theo, pre. Tara, andon na sila sa meeting place." Tapik sakin ni Ethan. Andon na ang blacksheep sa lugar na pinag usapan. Syempre di namin sila papapuntahin sa lungga namin, baka makasira pa ang mga yon. Mahal pa naman gamit dito, mas mahal kesa sa kanila.




      Binato ko ang hawak kong sigarilyo at tinapakan ang sindi niyon. Lumapit na kami sa iba naming mga kasama.



      "May bakbakan ba mga pre?" -Jax




    "Alamin nalang natin mamaya. Basta humanda nalang tayo." -Ethan.



     Kanya kanyang sakay sa motor at narating na namin ang lugar. Sa subdivison lang din namin pero malayo sa quarters namin dahil malaki itong subdivison. Parang tatlong subdivision na pinagsama-sama, ganun kalaki kaya nga di nakakapagtaka kung may magpapatayo ng mall dito.





     "Maligayang pagkikita muli, kaibigan." Bungad samin ng lider nila na si Ryan.





     "You're not my friend, kaya wag kang umastang isa ka sa kanila." -ako.




    "Oo nga, ampangit mo para maging kaibigan namin!" -Luke.




     Sinamaan siya ng tingin ni Ryan at binalik sakin ang paningin niya, "Masiyado ka yatang mainit ngayon, Theo?"




     "Wala akong panahon sa pasikot sikot mo. Now tell me, what do you want?" - ako





     "Easy. Isa lang naman ang gusto namin eh, ang sumapi ang grupo niyo sa grupo namin. Yun lang." - Ryan.




      Nginisian ko siya, "Isa lang din ang masasabi ko. Di ako papayag."




     "Theo, theo, theo. Tsk tsk tsk." Sabi niya habang nailing iling pa. "Alam mo namang ang mga grupo natin ang kinatatakutan diba? Kaya mas maganda kung magsasama sama tayo."



     "Ano ako tanga? Kami sasapi sa grupo niyo? Masiyadong mataas ang standards namin." nakangising sabi ko.




    "Ano, Theo? Di pa ba tapos yang usapan niyo? Upakan na natin yang mga yan." - Bulong na sabi sakin ni Jax.



    "Manahimik ka nga Jax, ikaw kaya upakan ko?" -Alfie.





    "Di mo kayang gawin yan pre, alam kong mahal mo ako." -Jax





     "Kadiri amp! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" -Alfie





     "Grabe, di mo na ba ako mahal?" -Jax






     "Kadiri kayo mga bading!" Bulong na asik ni Luke sa kanila.





     "Aw baby Luke, nagseselos ka? Hayaan mo, masosolo mo ako mamaya." - pang aasar ni Jax kay Luke.





Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jun 07, 2017 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Partners in Crime (On Going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ