Chapter 12 - Roses are red

12.4K 282 9
                                    

Tumigil kami sa harap ng isang mataas na black gate. 


Saan ba kami pupunta? Sa factory? Sa piggery?


Bumusina lang si Harvey at mabilis na nagbukas ang mala higanteng gate at pumasok kami sa loob. Automatic ang gate at may security camera lang. Pagpasok namin sa loob ng compound, may limang malalaking greenhouses na nagsisilbing bahay ng mga halaman at bulaklak.


"Plantation ba to?" tanong ko kay Harvey pagbaba ko ng sasakyan.

"Rose farm," maikling sagot niya at pinagbuksan niya ng pinto si Blackness.

"Harvey, you like roses pala. I should have known hehehe..." pang aasar ko sa kanya.

"Hoy maligno. Lolo at lola ko may-ari nito. And I like roses but it does not mean I'm gay. I know what you're thinking."

"Pssssh! Ayaw pa umamin ni Harveyna."

"Halika na nga bago pa kita maibaon sa loob ng plant box."


Kinuha ni Harvey ang kamay ko naglakad kami sa concrete road sa side ng greenhouse. 


Teka lang bakit may holding hands na nagaganap? At bakit di ko gusto bumitaw? 


Buti nauuna si Harvey dahil namumula na ang mukha ko sa mga oras na to.


"Umayos ka. Ipapakilala kita sa lolo at lola," sabi niya sa akin pero di ako tinatapunan ng tingin. Si Blackness naman ay nakasunod lang din sa amin.

"Ha? Bakit?"

"Maki-ride ka na lang. Isipin mo trabaho lang to."


Bakit ako ipapakilala? Ipapakilala na katulong? Na girlfriend? Bakit may ganto? Ayoko ng ganto! Feeling ko special na ko kay Harvey pag may gantong ganap!


Natatanaw ko ang loob ng greenhouse na may iba't ibang selections ng roses. May light pink, red, blue, yellow and white. Kahit sa malayo ang ganda tignan.

Maya maya pa ay natanaw ko na isang malaking bungalow sa di kalayuan at may dalawang matanda na nasa wheelchair. Sa likod nila ay isang babae at lalakeng naka white uniform, marahil mga nurses or caregiver.


"Lolo suffered from stroke twice. Hindi na niya mailakad yung isang paa niya. Ang lola naman nagkaroon ng fractures sa ankle kaya nakawheelchair din, pero nakakatayo pa din yang mga yan," bulong ni Harvey habang papalapit kami sa kanila.


Nagmano si Harvey sa mga matanda pagkalapit namin.


"Si Sierra po, girlfriend ko," pakilala ni Harvey sa akin. Ngumiti lang ako at nagmano lang din sa kanila.


Girlfriend? Bakit tumalon ata ang puso ko?


"Sierra, this is Lolo Jose and Lola Caridad. Parents siya ng mommy ko," sabi ni Harvey sabay lagay ng kamay sa bewang ko. He pulled me closer to him at gusto ko magtumbling ng fifty two times sa kilig.

The Last HeartbreakerWhere stories live. Discover now