Chapter 21 - Viral Video

10.8K 281 3
                                    

Kaya ba ko saktan ni Harvey? At pag nangyari yun, kaya ko ba ang sakit?

Teka lang ah? Bakit ko ba iniisip ang possibility ng pagiging heartbroken ko kung magiging kami ni Harvey?

Eh hindi nga kaming dalawa eh!

Ambisyosang frog!

Pagdating namin sa bahay, umakyat na si Harvey sa kwarto niya. Di na daw siya maghahapunan. Medyo busog pa daw. Ako naman, hindi makatulog. Yung isip ko paulit ulit ninanamnam ang malalambot ng labi ni Harvey. Nabaliw na ata ako. Matutulog pa lang sana ako nang biglang tumawag si Vienna sa phone ko.

"Sierra! Bakit di mo man lang sinabi sa akin? Tampo ko! Akala ko ako best friend mo?" malakas na sigaw ni Vienna sa phone.

"Hoy Vienna, anong pinagsasabi mo? Gabing gabi na tumawag ka pa. Istorbo ka eh no?"

"Viral na video mo sis! OMG! Akala nga ng iba ako yung nasa video kaso mahaba buhok mo at pixie hair naman ako. OMG talaga!" sigaw niya na parang ginigilitan ang leeg.

"Vienna anong video yan? Sex scandal? Virgin pa ko ah! Di ako yan!"

"Hay nako. Hindi mo pa nga alam. Send ko sayo yung link. Sis, kahit ako kinilig. Teka paano na si Jason?"

"Bakit ka kinikilig? Ano ba pinagsasabi mo? Wala na kami ni Jason. Fraud pala yun. Terminated na sa company."

"Well ayoko naman talaga kay Jason. Mas bagay kayo ni Engineer."

"Engineer? Vienna, ano ba yun video na yun?"

"Sis, check mo na lang yung video mo para maintindihan mo. And expect a call from Matthew or Elijah. Probably even from daddy and lolo. Goodnight sis. I love you, mwah!"

Binuksan ko ang phone ko at hinanap ko ang video na sinasabi ni Vienna. Sa simula, video ng Taal volcano at isang love song na How long will I love you sa background. Maya maya pa, nagzoom ang camera. Kitang kita ang passionate kiss namin ni Harvey na Taal Lake ang background. Sumabay pa ang ulan kaya parang isang movie scene.

Engineer Harvey Michael Weston, son of UK billionaire Harrison Weston together with Sierra Zamora Torres, grand daughter of pharmaceutical tycoon Demetrius Zamora.

Even the comments are showing na ikakasal na daw kami. Congratulations daw ek ek.

What the fuck? Akala ata nila pre-nup video to. 

Pota naman kasi yung kumuha ng video, ang ganda ng pag ka edit at ang ganda ng background music!

The Last HeartbreakerWhere stories live. Discover now