(2) Chapter Two

6.4K 483 375
                                    

[ANASTASIA DIMAKATARUNGAN]

Methamphetamine
Formula:C10H15N
IUPAC ID:N-methyl-1-phenylpropan-2-amine
Melting point:170 °C
Molar mass:149.2337 g/mol
ChemSpider ID:1169
PubChem CID:1206

Shabu, a slang term for the drug methamphetamine used in Japan, Hong Kong, Philippines, Malaysia and Indonesia.

Napa-kamot ako. Kanina pa ako naka-tambay dito sa Google pero wala naman akong mahanap ni maski article manlang tungkol sa isang drug-user na na-pag-kamalang ipis ang sarili niya. Baka kasi may ibang kaso pa nito.

Sumulyap ako sa lalaking naka-higa sa sahig. Ang laki niyang tao. Hindi ko talaga siya kilala. Kahit saang anggulo ko siya tingnan, hindi talaga siya pamilyar sa akin.

At oo nga pala, nandito na si kuya. Galing pala s'ya ro'n sa basketball court. Nanood s'ya ng liga kasama ang mga barkada niyang payatot.

Ayoko naman ding sabihin kay kuya ang tungkol sa lalaking 'to. OA kasi 'yon mag-react. Baka mamaya biglang tumawag 'yon ng bumbero. Oo, bumbero. Medyo tulig kasi ang kuya ko.

Agad akong bumangon mula sa pagkaka-salampak ko sa sahig. Nilapitan ko siya, saka ako yumuko para itayo siya.

Inilagay ko ang maskulado niyang braso sa 'kin at-

Ay, putsa! Ang bigat niya pala!

Pero shet ulit.

Ang baho niya talaga.

Amoy ipis na ewan!

Saan ba galing 'tong lalaking ito? Bakit amoy ipis? Ang sakit sa ilong ng amoy niya, eh.

Napa-upo ako sa sahig nang mai-lagay ko na siya sa kama. Kinumutan ko rin siya kasi kitang-kita ang mahiwaga niyang sandata.

Grabe, hanggang ngayon natatawa pa rin ako. Ini-imagine ko lang kasi ang Frog prince. Ano 'yon? Kung may frog prince, meron 'ding cockroach prince? Aba, matinde.

Saka salamat na rin kahit papaano. Nawala ang bigat ng dinaramdam ko dahil sa baliw na lalaking iyon.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng kuwarto ko nang bigla ay may naalala ako.

Wala na rin ang ipis na nagnakaw ng first kiss ko. Buwisit na 'yon! Ang kapal ng mukha! Pagkatapos akong pagsawaan ay iiwanan lang niya ako sa ere!

Lol.

Napa-iling na lamang ako. Ramdam ko na ang antok ngayon. Humikab ako at napa-sandal sa pader. Nasa kama ko 'yong lalaki at dahil malaking tao siya, hindi kami kasya. Pang unano lang ang kama ko.

Oo, parang height mo. De biro lang.

Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Bahala na si Batman. Inaantok na talaga ako.

**********

"ANA-POOOT!"

Bigla akong nagising dahil sa malakas na sigaw ng... kuya ko!

Napa-tingin ako sa kama ko at napag-alaman kong wala na ang naka-higa ro'n kagabi.

Naalala ko bigla ang nangyari kagabi.

Hala!

Mabilis akong tumayo at pa-takbong lumabas ng kuwarto ko. Hindi na ako nag-abalang punasan ang mga mata ko.

Agad akong bumaba. At halos mahimatay ako nang makita kong nanlalaki ang mga mata ni kuya habang naka-upo siya sa sahig.

Laglag ang panga niya, habang nakatingin do'n kay...

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  The Hottest Flying Ipis In TownWhere stories live. Discover now