Chapter 48 - Horny

64.7K 748 128
                                    

Hindi ko na naitago ang gulat ko at nagtatakang napatingin na lang kay Jax na ngayon ay nakapikit ang dalawang mata at tila nagpipigil ng emosyon.

A-anong ibig niyang sabihin?

Baby?

"Listen to me Meg." Sabi niya ng bumukas na ang dalawa niyang mata. Ginawa ko ang sinabi niya, hindi ko rin naman kayang makabuo ng salita ngayon... masyado akong gulat para doon.  "You are pregnant...again." Napalaki ang mata ko hindi dahil sa sinabi niyang buntis ako pero sa huling salita na sinabi niya.

All this time? Alam niya 'yong tinatago ko?

Gusto kong magpaliwanag, gusto kong sabihin sa kanya 'yong rason kung bakit ko tinago si Alisha sa kanya pero masyadong nagingibabaw 'yong pagkatakot ko na banggitin sa kanya iyon.

Paparusahan niya na ba ako?

Eto na ba 'yong araw na kinakatakutan ko? Ilalayo niya na ba sa akin si Alisha?

"J-jax..." Ang tanging lumabas lang sa bibig ko, nanghihina ako, gusto ko siyang hawakan, gusto kong yakapin niya ako at sabihing 'okay' lang ang lahat pero paano? Paano niya masasabi 'yon kung siya ang dahilan kung bakit ako natatakot ngayon?

Hindi ko nakikita si Jax dahil nakayuko na ang ulo ko upang hindi niya makita ang mukha ko na luhaan. I don't know what to do... I don't know what to do... parang noong dati rin, noong unang nalaman ko na dinadala ko si Alisha, ganitong-ganito kagulo ang isip ko. 

"You hate me that much?" Kahit ayaw ko ipakita sa kanya ang sigurado akong magulo ko ng mukha ngayon ay mabilis kong iniangat ang ulo ko sa sinabi niya. 

No Jax... I love you, I love this much that even though you are hurting me, I'm still here... I'm always here. 

Wala akong ibang mabasang emosyon sa mukha ni Jax maliban sa mata niyang sobrang lamig, hindi tulad noong lalaki kanina sa kwarto, iyong hinalikan ako na para bang mawawala na ako bukas, iyong lalaki na tinitigan ako na para akong isang babasagin. How can he changed that fast?

"You ab---" Nahihirapan nitong sinara ang bibig niya at muli na namang bumukas na sinara niya muli bago pa makagawa ng tunog. "J-jjust stay with me Megane... just stay with me until the baby is born and after that you can finally leave me." Sa wakas ay nasabi niya na.

Pati iyong baby na dinadala ko ngayon ay kukuhain niya? Anong ititira niya sa akin? Barag na puso? 

Kinagat ko ang ibabang labi ko at kahit mahirap ay unti-unting tinigilan ang pagluha. Sa mga panahong buhay ko na ang usapan, si Alisha at itong bata na dinadala ko ngayon ay kailangan kong maging matapang. I am a mother too... hindi pede 'yong ginagawa niya.

'Hindi siya pede magkait sa'yo ng anak pero ikaw pede?' Hindi ko maisang isip na binura ko rin.

Hindi pwede... hindi maari.

"Alisha's mine... hindi ako papayag sa gusto mo." Mahirap pero nasabi ko iyon ng diretso. 

Nalukot ang mukha ni Jax at halatang naguluhan sa sinabi ko.

Bingi ba siya?

Sinasadya niya bang kunwari hindi niya naiintindihan para asarin ako?

"Alisha's mine." Sa pagkakataong iyon ay mariin na ang boses ko at halos hindi ko makilala sa tapang no'n.

Tuluyan ng nalukot ang mukha ni Jax, halata na ang pagtataka sa dalawang mata nito. "Alisha." Sumeryoso na siya at muntik na mahulog ang puso ko sa matiim niyang titig ng muli siyang magsalita. "Who's Alisha?"

Toxic Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now